Khalil Ramos, pangarap patirahin sa isla ang future family niya

PHOTOS: @khalilramos on Instagram

PHOTOS: @khalilramos on Instagram

Sumalang bilang featured artist ang newest star ng GMA Network na si Khalil Ramos sa online show na In The Limelight na in-upload sa YouTube and other Kapuso digital platforms kagabi, October 19. 

Dito, ibinahagi ng singer-actor ang ilang bagay tungkol sa kanya pati na rin ang kanyang mga pangarap.

Isa na nga rito ang matinding pagkahilig n'ya sa kape.

"Extremely... To the max love coffee," pahayag ni Khalil.

"If you can see my coffee set up behind me... I super love coffee. It is a lifestyle. It is something that I enjoyed doing."

Tsika pa ng aktor, nakaka-tatlo hanggang apat na tasa ng kape daw s'ya isang araw. 

"It's the first thing that I do. Pagkagising na pagkagising ko pa lang pupunta ako sa coffee corner ko at gagawa ako ng kape. Sobrang hilig ko magkape. Siguro mga three to four times ako nagkakape sa isang araw."

Bukod pa sa pagiging coffee lover, co-owner din si Khalil ng isang production house. Maliban kasi sa pagiging mahusay na singer at aktor ay talented din ang 24-year-old Kapamilya-turned-Kapuso star behind the camera.

"For those who don't know, I co-owned, co-founded a production house called Limitless Productions back in 2016," pagbabahagi ng aktor. "It is going strong four years now. 

Dagdag pa n'ya: "I'm the acting CEO and I'm also an inhouse writer and director for the group. I have written, directed, produced some digital content for the brands that we partnered and worked with in the past. I've also directed music video and short films."

Pero kung may ikaka-proud daw s'ya sa kanyang paggiging artista, ito ay 'yong ma-nominate s'ya sa best actor award sa Gawad Urian para 2016 coming-of-age film na 2 Cool 2 Be 4gotten kung saan nakasama n'ya sina Ethan Salvador at Jameson Blake. 

"In my 9 years of acting career in TV and film, the career achievement that I most proud of by far is being nominated as best actor in the prestigious award-giving body Gawad Urian for my performance in 2 Cool 2 Be 4gotten. So 'yun 'yong I could say so far pinaka-proud moment ko as an actor."

Sa ngayon, pangarap daw n'yang makagawa ng isang feature film. 

"At the top of my bucket list is to be able to write and direct a feature film," pag-amin ng actor. 

"Isa sa mga pangarap ko ay makapagsulat at makapag-direk ng isang pelikula in the future. Hopefully in the next ten years, no, magawa ko 'yon."

Pangarap din daw kasi ang makilala worldwide sa larangan ng filmmaking. 

"My biggest dream is to be able to be known globally as an actor, a writer, director..." he shared. "Hopefully, one day. 

"I will always love storytelling. I think this is what I'll be doing for the rest of my life, I'll be acting for the rest of my life. 

"And my dream is simple: to be able to tell stories that matter to the Filipino audience. And of course, to be able to inspire them in my own very little or big way."

At kung personal na buhay naman ang tatanungin, gusto daw n'ya turmira sa isla kasama ng kanyang future family. 

"Sa personal life ko, my dream is to live in an island with the family and my kids. I love the island life. So 'yon ang pangarap ko, tumira sa isang isla kasama ang aking pamilya," pagtatapos ni Khalil.

PANOORIN ang kabuuan ng In The Limelight with Khalil Ramos dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.