Deretsahang nagpahayag ng pagkadismaya ang daughter ni Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Kiana sa direktor na si Paul Soriano isang araw matapos ang eleksyon.
Alam ng publiko na magkalabang kampo sa pulitiko ang sinuportan ng respective families nina Kiana at Direk Paul.
Nasa tambalang Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ang suporta ng Valenciano family dahil tito ni Kiana si Senator Kiko, na kapatid ng kanyang ina, na tumakbo sa pagka-bise presidente.
Ang magka-tandem naman na Bongbong Marcos (BBM) at Davao City Mayor Sara Duterte ang todong sinuportahan ng pamilya ni Direk Paul dahil ninong nila sa kasal ng misis n’yang si Toni Gonzaga si BBM. Si Direk Paul pa ang nag-direk ng mga campaign ads ng kanilang ninong, habang ang asawang si Toni ang main host sa nationwide rallies nito.
At nito ngang May 10, napa-tweet si Direk Paul matapos manguna ni BBM sa partial and unofficial result na inilabas ng COMELEC.
“#HereComesTheSon and I say It’s all right,” maikling pahayag ng movie director using a line from the Beatles’ song.
#HereComesTheSon and I say It’s all right ✌🏼🇵🇭
— Paul Soriano (@paulsoriano1017) May 10, 2022
Tila hindi ito nagustuhan ng daughter ni Gary V. na deretsahang nagkomento sa nasabing Twitter post.
“Used to look up to you,” dismayadong pahayag ni Kiana.
Used to look up to you.
— Kiana V (@KianaVee) May 10, 2022
Sinegundahan naman s’ya ng ilang netizens na dismayado din sa naging resulta ng bilangan.
“We look down to him now,” saad ng isang kampi kay Kiana.
We look down to him now
— ribsrep (@ribsrep) May 10, 2022
Sey naman ng isa pa: “Never looked at him ever. Only became relevant because of marriage to Toni.”
Never looked at him ever. Only became relevant because of marriage to Toni.
— Rainbro 🌈 (@CupidStoopid) May 11, 2022
Komento naman ng isa pang inis kay Direk Paul, sana daw ay sumuporta na lang sila sa kandidatura ni BBM in silence.
“Nawala ung paghanga ko sa mgasawa ng dahil kay bbm. Yes, kamaganak sila. Pero pwedng sumupport ng tahimik lalot malapit ka din sa kabilang kampo,” aniya.
Nawala ung paghanga ko sa mgasawa ng dahil kay bbm. Yes, kamaganak sila. Pero pwedng sumupport ng tahimik lalot malapit ka din sa kabilang kampo. 😐🤷♀️
— L (@Lalalaiza2) May 11, 2022
Pero to the rescue naman ang mga supporters ni BBM, na in turn ay supporters na din ni Direk Paul, para ipagtanggol s’ya.
Tanong ng isa sa kanila, bakit daw ba mahirap irespeto ang desisyon at opinyon ng iba pag dating sa pulitika?
“And now di na? Just because you have different opinion? Hirap ng politics sa Pilipinas, kaya neto sumira ng mga matatagal ng relationships. Ung mga magkakaibigan/magkakag-anak nag away-away just because we cannot seem to respect the opinion of others. Pag di katulad, kaaway agad?” saad n’ya.
And now di na? Just because you have different opinion? Hirap ng politics sa Pilipinas, kaya neto sumira ng mga matatagal ng relationships. Ung mga magkakaibigan/magkakag-anak nag away-away just because we cannot seem to respect the opinion of others. Pag di katulad, kaaway agad?
— 1001questions (@1000n1questions) May 11, 2022
Ayon naman sa isa pa, hindi daw n’ya ibinoto sina BBM at VP Leni pero sana daw ay mag-move on na lang at tanggapin ang naging pasya ng nakararaming botante.
“Bitter yarn??? Honestly, I did’nt vote BBM nor Leni, but we have to accept the decision of majority. Lets face it, move on and be a good citizen,” sabi ng isang Twitter user.
Bitter yarn??? Honestly, I did’nt vote BBM nor Leni, but we have to accept the decision of majority. Lets face it, move on and be a good citizen. 🇵🇭
— gummy_smile (@gummy_smile13) May 11, 2022
“Just a piece of advise: don’t take things personally. Respect his choice, he respected yours. Don’t be a cry baby and move on!” hirit naman ng isa pa.
Just a piece of advise: don’t take things personally. Respect his choice, he respected yours. Don’t be a cry baby and move on!
— Mary Gal (@MaAn1984) May 10, 2022
Wala namang tugon sina Direk Paul at Kiana sa isa’t isa o sa mga sagutan ng kani-kanilang taga-suporta.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber