Kiko Estrada, walang keber kung second choice lang siya kay Diego Loyzaga

Lalaking naging sunod-sunuran sa mga babae ang character trait ng role ni Kiko Estrada sa Us x Her. Hindi siya ang dominant figure, kumbaga. At type niya daw ang mga ganoong kakaibang roles. “I don’t want to be in a box that I would just be one muscled guy who doesn’t know how to speak or study intelligently. So, we’re breaking the mold. Acting is my passion. I just want to be known as a good actor that’s why I wanna try to do roles out of my comfort zone,” tsika pa ni Kiko Estrada.

Photos: Vivamax

Lalaking naging sunod-sunuran sa mga babae ang character trait ng role ni Kiko Estrada sa Us x Her. Hindi siya ang dominant figure, kumbaga. At type niya daw ang mga ganoong kakaibang roles. “I don’t want to be in a box that I would just be one muscled guy who doesn’t know how to speak or study intelligently. So, we’re breaking the mold. Acting is my passion. I just want to be known as a good actor that’s why I wanna try to do roles out of my comfort zone,” tsika pa ni Kiko Estrada.

Sa local tinseltown, maraming artistang lalake na may matinee-idol looks ang hirap mag-transition sa adult roles lalo na’t na-kahon sila sa kanilang hunky image.

Sa kaso ni Kiko Estrada, gusto niyang patunayan that more than possessing a handsome face and well-toned body, he’s one actor to watch.

Katunayan, hindi niya ikinukunsidera ang sarili niya bilang isang hunk kundi isang serious actor.

In fact, sa kanyang latest Vivamax starrer na Us x Her, hindi big deal din sa kanya kung second choice lamang to do the male lead role (the first choice being Diego Loyzaga).

Ang mahalaga raw ay sa kanya napunta ang role sa nasabing obra ni Jules Katanyag.

In the film, ginagampanan niya ang papel ng isang star basketball player na ini-stalk ng isang obsessed fan na binigyang buhay ni Angeli Khang.

Magkakaroon sila ng short-lived affair pero nang iwan niya ang kanyang fan ay gagawa ito ng paraan para sirain ang relasyon nito sa kanyang partner na ipino-portray ni AJ Raval.

Magiging mas kumplikado pa ang lahat nang mahulog ang loob ng kanyang partner sa kanyang obsessed fan.

Tulad ng inaasahang reversal of roles, ang dominanteng lalake na nagko-kontrol ng relasyon ay magiging sunud-sunuran sa kapritso ng mga babaeng kasalo niya sa kanyang pugad.

Ayon pa kay Kiko, isang malaking hamon sa kanya ang gumanap sa nasabing papel. Dahil kasi sa mga karanasan ng kanyang karakter sa pelikula ay tila nabawasan ang tinatawag na toxic masculinity.

“It’s amazing and liberating,” aniya. Dagdag n'ya: “I don’t want to be in a box that I would  just be one muscled guy who doesn’t know how to speak or study intelligently. So, we’re breaking the mold."

Gusto raw talaga niyang gumanap ng mga out-of-the-box roles at ma-cast against type.

“Acting is my passion. I just want to be known as a good actor that’s why I wanna try to do roles out of my comfort zone,” paliwanag niya.

Sa pelikulang Us x Her, may mga natutunan din daw siya tungkol sa kanyang karakter. 

“Actually, ngayon ko lang na-realize after watching the film. I guess, it’s the death of ego. Pag nawala na 'yong pride mo, nagiging okay ang lahat. Kasi, I believe, pride is the devil and sometimes I guess, to be able to maintain a relationship, pride has to die. Then sometimes after that…something beautiful will come out from that for sure,” may pagsusuring paliwanag niya.

Mula sa direksyon ni Jules Katanyag at sa creative supervision ni Irene Villamor, tampok din sa Us x Her sina Bob Jbelli, Kate Alejandrino, Shehyee, at MJ Cayabyab. 

Ito ay palabas na sa Vivamax simula sa Biyernes, Nobyembre 25.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.