Kim Chiu at Xian Lim, nagbunyagan ng amoy; Kim, ayaw payakap kay Xian offcam during the shoot ng Always

Bukod sa “amoy” tsika, napag-usapan din sa press conference ng Always ang dumihin look ni Xian sa pelikula. At ayon sa kanya, naaasar daw sa kanya si Kim noong ginagawa nila ang pelikula dahil sa kanyang facial hair at magulong buhok to the point na ayaw nitong magpayakap sa kanya.   “Galit na galit s’ya nu’ng nagsu-shoot kami. ‘Ano ba ’yan? Bakit ang daming buhok?’ Ganyan, ganyan. ‘Sige na, payakap.’ ‘Ayoko! Makati, makati…’” natatawang k’wento ni Xian.

PHOTOS: Anna Pingol

Bukod sa “amoy” tsika, napag-usapan din sa press conference ng Always ang dumihin look ni Xian sa pelikula. At ayon sa kanya, naaasar daw sa kanya si Kim noong ginagawa nila ang pelikula dahil sa kanyang facial hair at magulong buhok to the point na ayaw nitong magpayakap sa kanya.  “Galit na galit s’ya nu’ng nagsu-shoot kami. ‘Ano ba ’yan? Bakit ang daming buhok?’ Ganyan, ganyan. ‘Sige na, payakap.’ ‘Ayoko! Makati, makati…’” natatawang k’wento ni Xian.

 

Proud na ibinahagi ng aktres na si Kim Chiu sa publiko na walang body odor ang boyfriend n’yang si Xian Lim

Nangyari ito sa media conference nilang magkasintahan kahapon, September 12, para sa upcoming reunion movie nilang Always, ang Philippine adaptation ng 2011 Korean movie na pinagbidahan noon nina So Ji-sub at Han Hyo-joo. 

Bulag ang character ni Kim sa pelikula habang ex-boxer naman ang role ni Xian. Ayon kay Kim talagang kinarir ng kanyang boyfriend ang pagwo-workout at pagda-diet “para sa mga topless [scenes]” niya sa pelikula. 

Kaya naman nausisa ng entertainment press si Kim tungkol sa amoy ng kanyang nobyo. 

For context, may eksena rin kasi sa movie trailer nila na naamoy ni Anna, ang bulag na karakter ni Kim, ang hindi kaaya-ayang amoy na mula naman lumang sapatos ni Lino na karakter ni Xian. Wala na kasing care sa buhay ang karakter ni Xian at wala na itong paki sa itsura o amoy niya.

Pero para sa Kapamilya actress, kabaliktaran daw ’yon sa totoong buhay dahil bukod sa malinis sa katawan ay scentless daw ang kanyang boyfie.

“Wala s’yang amoy. Kahit nagte-train kasi hindi s’ya mahilig sa sahog,” esplika ni Kim. “’Di ba, ’yong amoy ng isang tao ’yon ’yong kinakain mo? Kinakain n’ya lang kasi chicken lang na naka-steam, mga walang lasa na mga pagkain. So, hindi s’ya nag-aamoy sahog,” walang filter na lahad ni Kim sa press people.

Basta ’yon, wala s’yang spices na kinakain. Hindi s’ya mahilig doon. Kaya mabango s’ya na tao… Wala s’yang amoy kahit pagpawisan s’ya,” dagdag pa n’ya.

Sakay na hirit naman ni Xian, “Pag kinuha n’yo ’yong pawis ko p’wedeng pabango. Hahaha! Biro lang, biro lang.”

At nasa amoy na rin lang ang topic, natanong na rin si Xian kung ano naman ang amoy ni Kim.

Mabango...amoy-bulaklak,” natatawang pati-anod pa rin ni Xian.

Parang patay naman. Wag mo naman akong patayin. Hahaha!” singit ni Kim. 

“’Yong smell ni Kim very sweet,” patuloy ni Xian. “Di ba, iba-iba ’yan. May woody… Kay Kim, very sweet like her personality.”

Bukod sa amoy, napag-usapan din sa presscon ang madungis na look ni Xian sa pelikula. Aniya, hindi raw type ni Kim in real life ang hitsura niya sa movie. Kung ang ibang babae ay type ang rugged looks. Hindi raw si Kim ’yon.

Kaya natanong nang direkta si Kim kung ano ba ang gusto n’yang look ni Xian kung s’ya ang magde-decide. 

Alam n’ya po ang sagot doon,” tugon ng aktres, sabay turo kay Xian.

Gusto n’ya ’yong clean type,” salo naman ni Xian. 

Tsika pa ng Viva actor sa press, naaasar daw sa kanya si Kim noong ginagawa nila ang Always dahil sa kanyang facial hair at magulong buhok to the point na ayaw nitong magpayakap sa kanya. 

Galit na galit s’ya nu’ng nagsu-shoot kami. ‘Ano ba ’yan? Bakit ang daming buhok?’ Ganyan, ganyan. ‘Sige na, payakap.’ ‘Ayoko! Makati, makati…’” natatawang k’wento pa ni Xian.

Huling napanood sa pelikula ang KimXi couple sa pinagtambalan nilang romantic comedy movie na Past Tense noon pang 2014, habang ang pinakahuli nilang teleserye naman ay ang Love Thy Woman noon pang 2020.

At makalipas nga ang eight long years, muling mapapanood ng kanilang fans sina Kim at Xian sa comeback movie nilang Always simula September 28 in cinemas nationwide.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Balik ni Kim Chiu sa nang-nega sa video greeting sa kanya ni VP Leni: “Ikaw ba nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?”

Xian Lim at Glaiza de Castro, parehong hindi pa ready na magkaroon ng mini me

Glaiza de Castro, snub ang impression kay Xian Lim; Xian, intimidating naman ang tingin kay Glaiza

Ashley Ortega on her new leading man Xian Lim: “Super sweet and super humble… Wala ’yong feeling star.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.