Kim Chiu, ayaw mag-ala-Manny Pacquiao ang boyfriend na si Xian Lim

Kampante raw si Kim Chiu na hindi maiisip ng kanyang nobyong si Xian Lim na karirin ang pagbo-boxing. Hanggang movie role lang daw ito o kaya ay paminsan-minsang part ng workout. “...alam ko sa sarili ko na ayaw maging boksingero. Hahaha! Kasi nasasaktan s’ya. Pag nagti-training sabi n’ya, ‘Masaki ang talaga ’yon ano ko… Masakit… Masakit…’ Ang daming masakit. Tiniis n’ya para mag-training para sa movie... "Pero professionally…matatalo lang s’ya. Hahahaha! Wag na lang. Haha!"

Photos: Instagram

Kampante raw si Kim Chiu na hindi maiisip ng kanyang nobyong si Xian Lim na karirin ang pagbo-boxing. Hanggang movie role lang daw ito o kaya ay paminsan-minsang part ng workout. “...alam ko sa sarili ko na ayaw maging boksingero. Hahaha! Kasi nasasaktan s’ya. Pag nagti-training sabi n’ya, ‘Masaki ang talaga ’yon ano ko… Masakit… Masakit…’ Ang daming masakit. Tiniis n’ya para mag-training para sa movie... "Pero professionally…matatalo lang s’ya. Hahahaha! Wag na lang. Haha!"

Tutol si Kim Chiu na sumabak sa pagbo-boxing professionally ang boyfriend niyang si Xian Lim.

Nahingi ng entertainment press ang saloobin ng Kapamilya actress ukol dito sa naganap na media conference kamakailan para sa upcoming reunion movie nila na Always. 

Gaganap kasi na dating boksingero na tila nawala na ng gana sa buhay sa nasabing pelikula si Xian na talagang nag-training nang husto para maayos niyang mai-portray ang kanyang karakter. 

Off-cam, kilala rin si Xian sa pagiging passionate sa anumang mahiligan—be it pagpa-piano, ventriloquism, scriptwriting, painting, motorcross at kung anu-ano pa.

Dahil dito ay natanong si Kim kung sakaling makahiligan din ni Xian ang boxing ay payag ba siya kung sakaling gawing alternate career ni Xian ang professional boxing.

May nabiro pa na p’wedeng ala-Manny Pacquiao si Xian at siya naman ang ala-Jinkee tutal ay hindi pahuhuli ang kanyang bag collection sa koleksyon ng huli.

Say naman ng chinita actress, wala naman daw silang restrictions ni Xian sa isa't isa pagdating sa kanilang trabaho.

"Kami naman ni Xian kapag mga career moves, trabaho...hindi, wala kaming hawak d’yan. Kung ano ’yong gusto mo gawin mo. Suportahan kita" lahad ni Kim

"Kung ano ’yong gusto n’ya para sa akin, gagawin din. Oo, kasi ’yon naman ang gusto n’ya sa buhay. Hindi pa naman s’ya nakatali so, go! Ilaban mo kung anong gusto mo," dagdag pa niya. 

Nasambit niya ang mga iyon dahil kampante naman daw siya na hindi rin maiisip ng kanyang nobyo na karirin ang pagbo-boxing. 

"Pero alam ko sa sarili ko na ayaw maging boksingero. Hahaha! Kasi nasasaktan s’ya. Pag nagti-training sabi n’ya, ‘Masaki ang talaga ’yon ano ko… Masakit… Masakit…’ Ang daming masakit. Tiniis n’ya para mag-training para sa movie," natatawang kuwento pa ni Kim sa press people. 

"Pero professionally…matatalo lang s’ya. Hahahaha! Wag na lang," dugtong pa niya.

Aminado naman si Xian na talagang mahirap ang boxing kaya saludo raw siya sa mga tao na pagbo-boxing ang napiling propesyon. 

"Mahirap kasi ’yong boxing. Dito po natutunan ko na it takes a dedication to be a [boxer]. Buong buhay talaga ide-dedicate mo sa pagiging isang boksingero," lahad ni Xian. 

"Masakit po kasi ang boxing, e. Hindi po s’ya ’yong parang sore-sore lang. Dito bugbog ka talaga. So, huge respect sa mga boxers at sa mga naging trainers ko nu’ng ina-aral ko ’tong pelikula na ’to," he added. 

Patuloy pa rin naman daw siya na magbo-boxing bilang parte ng kanyang workout pero hindi daw siya iyong tipo na talagang makikipagsagupaan sa loob ng ring. 

"Ginagawa ko pa rin naman po s’ya but not professionally. Parang mahirap po ’yon. Hahaha! Hindi kaya [maging fallback]. Mahirap po," natatawang sabi pa niya. 

Bukod pa roon, may ibang repercussion daw ang pagbo-boxing na makaka-apekto sa iba pa niyang hilig.

"Pagkatapos [ng training] nanginginig ’yong kamay [ko]. Hindi ako makapag-piano…May conflict na," pagtatapos ni Xian. 

Anyway, mapapanood muli sa big screen nationwide ang KimXi couple after eight years para sa movie nilang Always simula September 28.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kim Chiu, dismayado sa pag-aaway nila ni Xian Lim: “…kasi hindi n’ya ako pinapatulan.”

Xian Lim, magpapa-presscon pag ia-anunsyo na ang kasal?

Kim Chiu at Xian Lim, nagbunyagan ng amoy; Kim, ayaw payakap kay Xian offcam during the shoot ng Always

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.