Kim Chiu, dismayado sa pag-aaway nila ni Xian Lim: “…kasi hindi n’ya ako pinapatulan.”

“Sometimes lang po kasi hindi n’ya ako pinapatulan. Sabi n’ya, ‘Usap na lang tayo bukas.’ ‘Ay, wala na. Hindi na ako galit bukas.’” - Kim Chiu

PHOTOS: Viva Films

“Sometimes lang po kasi hindi n’ya ako pinapatulan. Sabi n’ya, ‘Usap na lang tayo bukas.’ ‘Ay, wala na. Hindi na ako galit bukas.’” - Kim Chiu

May nakakatawang sagot si Kapamilya star Kim Chiu sa tanong kung nag-aaway ba sila at all ng nobyo n’yang si Xian Lim.

Nausisa kasi ang KimXi couple ng entertainment press sa media conference nila kahapon, September 15, for their upcoming reunion movie na Always, kung saan natanong sila kung nagkakaroon pa ba sila ng pagtatalo bilang magkasintahan. Isa kasi sila sa may pinaka-kalmadong relationship sa showbiz.

“Sometimes lang po kasi hindi n’ya ako pinapatulan,” tila nagmamaktol na sagot ni Kim na ikinatawa ng press people. “Sabi n’ya, ‘Usap na lang tayo bukas.’ ‘Ay, wala na. Hindi na ako galit bukas.’

Mabait daw kasi itong si Xian kaya hindi na raw ipinagpipilitan ni Kim na makipagtalo dito kapag may hindi sila napapagkasunduan. 

Ganu’n po s’ya na tao. So, sobrang madalang lang po talaga [kami mag-away]. Hindi n’ya po ako papatulan kapag ganu’n. Parang… ‘Ano ba ’yan? Nakipag-away ako. Wag na lang.’ ’Yong mga ganu’n,” natatawang kwento ni Kim. 

Salo naman ni Xian sa paliwanag ng kanyang nobya, tumatahimik lang din naman daw si Kim kapag s’ya naman ang galit. 

“And vice versa din. Pag ako naman ’yong galit, parang ganito, ‘Kim, away naman tayo,’ hindi n’ya ako pagbibigyan,” natatawang sabi ng aktor. 

Pero, ’di ba, ’yong dynamics natin pag nag-aaway tayo is tapusin na s’ya kaagad?” pag-a-address pa n’ya kay Kim.

Aminado naman s’ya na noong mga unang taon nila bilang magkasintahan ay madalas silang mag-away pero nagbago na raw ito over the years. 

Siguro nu’ng una, nu’ng mga bago-bago pa kami, nagpapakipot si Kim, naggagalit-galitan ako. Pero ngayon kasi parang we make sure na bago kami matulog, e, magkakabati na agad kami. Pag-usapan na, tapusin na. Pag-usapan na ang kailangang pag-usapan,” lahad pa ni Xian. 

Singit naman ni Kim, “Sabi n’ya, ‘Tama na. Magbabati din tayo mamaya.’ ‘Huh? Pinapatagal ko pa kasi.’ ’Yong mga ganu’n.

A muling natawa ang press people sa inilahad ng aktres. 

Nagtatawanan na lang kami. Parang galit talaga kami, ganito, ganito. Pag nagkatinginan kami sa isa’t isa natatawa na lang kami,” dagdag pa ni Xian.

Samantala, natanong din si Kim sa pang-iintriga ng ilang netizens kung bakit tila hindi na raw s’ya nag-a-“I love you” kay Xian sa Instagram. 

Hindi naman kailangang sabihin sa social media ang lahat ng gusto mong sabihin sa isang tao. Personal na buhay na namin ‘yon so siguro meron din kaming sariling desisyon kung ano ang ipo-post namin sa hindi,” sagot n’ya. 

“And hindi naman natin maiwasan sa fans na humingi nang humingi. Depende na lang kung ano ang ibibigay mo sa personal mong buhay. Ganu’n po,” pagtatapos ni Kim. 

Muling mapapanood sa big screen nationwide ang patok na tambalan nina Kim at Xian after eight years sa movie nilang Always simula September 28.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Balik ni Kim Chiu sa nang-nega sa video greeting sa kanya ni VP Leni: “Ikaw ba nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?”

Xian Lim at Glaiza de Castro, parehong hindi pa ready na magkaroon ng mini me

Glaiza de Castro, snub ang impression kay Xian Lim; Xian, intimidating naman ang tingin kay Glaiza

Ashley Ortega on her new leading man Xian Lim: “Super sweet and super humble… Wala ’yong feeling star.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.