Kim Chiu insists na hindi siya pabor sa cheating dahil na-cheat na rin siya

Kim Chiu reiterates her stand on cheaters: “Gusto ko lang sabihin sa lahat at linawin na hindi po ako pabor sa cheating at never po talaga ’kong magiging pabor do’n dahil naging biktima rin naman po ako and it was not easy and it was very painful.”

Photos: @chinitaprincess / screengrab ABS-CBN Entertainment YT

Kim Chiu reiterates her stand on cheaters: “Gusto ko lang sabihin sa lahat at linawin na hindi po ako pabor sa cheating at never po talaga ’kong magiging pabor do’n dahil naging biktima rin naman po ako and it was not easy and it was very painful.”

Hindi pinalampas ni Kim Chiu ang pagkakataong maipaliwanag nang maayos ang stand niya about “cheating” during the September 22 live episode ng It’s Showtime, kung saan isa siya sa mga co-hosts.

Prior to that, nag-trending kasi ang actress-TV host dahil sa naging pahayag niya about “cheating” during the ‘Reina ng Tahanan’ segment, kung saan naging topic ito.

Ang pahayag ni Kim went: "Baka mag-chi-cheat kung hindi siya naging masaya. Baka bubukas ‘yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya,”

Agad siyang sinalag ni Vice Ganda at sinabing anuman ang estado ng emosyon ng isang tao ay hindi pa rin iyon lisensya para mang-betray ng karelasyon.

“Masaya ka o hindi, Hindi dapat maabswelto kung nanloko,” ani Vice kay Kim.

Sinang-ayunan din naman ni Kim ang sinabi ni Vice.

“Yeah, that’s bad,” say ni Kim.

Pero after that episode, nag-trending na si Kim dahil   na-misinterpret ng mga manonood at netizens ang remarks ni Kim. Tingin nila ay kayang unawain ni Kim ang “cheating” depende sa sitwasyon ng cheater. 

Kaya naman nang makakuha ng pagkakataon, nagpaliwanag muli si Kim ng side niya at sinabing siya rin naman daw na-biktima na rin ng cheating at masakit nga daw ito. 

“Isisingit ko lang talaga ‘to,” panimula ni Kim sa It’s Showtime noong Miyerkules. “Noong isang araw kasi, hindi ako nabigyan ng chance to explain further ’yung sinabi ko.

“Gusto ko lang sabihin sa lahat at linawin na hindi po ako pabor sa cheating at never po talaga ’kong magiging pabor do’n dahil naging biktima rin naman po ako and it was not easy and it was very painful.”

Dagdag pa niya: “Mahabang talakayan kasi ang cheating at hindi ’yun matatapos ng isang salita.

“Two hours, five hours...p’wede ngang one week n’yong pag-usapan ’yun. Pero again, [as] Kim Chiu, I am not in favor of cheating and I will never be in favor of that.”

“S’yempre wala naman may gustong masaktan or walang may gustong niloko ka.”

Nang sabihin ng mga co-hosts ng It’s Showtime na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz na dapat, ang hanapin talaga ni Kim ay isang loyal na lalaki.

Bigla niyang binati ang boyfriend na si Xian Lim sa ere na ang pahiwatig ay nakita na niya ang “loyal na lalaki” na iyon.

Pagkatapos ay idinugtong pa ni Kim na: “At saka ano lang, love, love, love, respect, respect, respect. Let’s spread love and happiness.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.