Kim Chiu, minsan nang nakaranas ng one-sided love

Kim Chiu, minsan nang nakaranas ng one-sided love

Ilang linggo matapos aminin na sila na ng loveteam partner na si Xian Lim, nagkuwento si Kim Chiu tungkol sa dati niyang mga karanasan sa pag-ibig.  

Isa na rito ang “one-sided love” na minsan na niyang ininda.

Paano nalaman ni Kim na one-sided na lang ang relationship na iyon?

“Syempre may sina-cite na siyang ibang love, napunta na sa one-sided. [Sabi ko sa sarili ko,] ‘ako na lang yata ‘to.’”

Hindi nagbanggit ng pangalan ang aktres, pero naniniwala daw siyang minahal naman daw siya ng taong iyon kahit papaano.

“Sadyang sa pagkakataon, sa tagal… Lumamang lang ako.

“Parang sa laro lang ’yan, may lumalamang, may nananalo, lumamang, natatalo.”

Payo ni Kim sa mga katulad niyang lumalamang: “Wag gano’n.”

“Syempre marami naman kasing ibang lalake sa mundo. Wag kang manatili sa isang love na di naman binabalik sayo. Dapat ibalik sa’yo.

Kaya do’n pumapasok ’yong true love. Kasi nagcocompromise kayo sa isa’t-isa, ganyan-ganyan.

Ano naman ang takeaway ni Kim sa kaniyang past experiences?

“Siyempre natuto. Sa mga experiences naman sa love, may natututunan tayo. Pag wala, tanga na yon. Sa pelikula nga, ‘move on, tanga!’

Ang tinutukoy na pelikula ni Kim ay One Great Love, na isa sa walong kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Kasama dito Kim sina Dennis Trillo, JC de Vera, at Eric Quizon, na siya ding nag-direk ng pelikula. Parte din ng Regal-produced film sina Miles Ocampo at Marlo Mortel.

Mapapanood ang One Great Love at iba pang MMFF entry simula sa araw ng Pasko, December 25.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.