Kim Chiu, todo kilig matapos ma-feature sa sikat na Korean entertainment media outlet

In the Dispatch feature, Kim was described as a "femme fatale" and that she attracted audience attention with her "colorful costumes and doll-like visuals."

PHOTOS: dispatch.co.kr

In the Dispatch feature, Kim was described as a "femme fatale" and that she attracted audience attention with her "colorful costumes and doll-like visuals."

Walang mapagsidlan ng tuwa ang actress-TV host na si Kim Chiu matapos niyang malaman na na-feature siya sa Dispatch, isang sikat na Korean entertainment media outlet na may 12M followers sa Instagram palang.

Hindi umano niya napigilang kiligin sa surprise na ito dahil ito raw agad ang bumungad sa kanya pagka gising niya ngayong Araw ng mga Puso, February 14.

"Woke up to this!!! KINIKILIG AKO!!!!! Hala @koreadispatch news realness!!! OMG!!!! Im shaking!!!" panimulang pahayag ni Kim sa kanyang IG post today.

Kalakip nito ang ilang screenshot photos niya na kinunan nang mag-host and mag-perform siya sa final audition ng talent search na Dream Maker last Sunday, February 12.

In the feature, Kim was described as a "femme fatale" and that she attracted audience attention with her "colorful costumes and doll-like visuals."

Ang Dream Maker ay ang reality talent show na hino-host ni Kim along with Ryan Bang kung saan ang mapipiling Top 7 finalists ay ila-launch bilang idol group sa South Korea. It was produced by ABS-CBN Entertainment, MLD Entertainment and KAMP Global, at napanood sa Kapamilya Channel.

Biro pa ni Kim sa kanyang post, pagbigyan na raw ang kanyang hyper reaction sa Dispatch feature dahil bilang isang Kpop fan ay malaking bagay daw ito sa kanya. 

"Medyo OA but yun talaga naramdaman ko being a kpop fan!!!" aniya. 

Katunayan, hindi pa nga rin daw siya nakaka-move on sa naging final show nila for Dream Maker noong Linggo ng gabi. 

"Im still on my #DreamMakerTheDreamFinale high I haven’t posted anything yet coz di pa ako maka move on sa lahat ng nangyari, sa isip ko paano nangyari yun? 3hours show? It went by so fast," lahad ng tinaguriang Chinita Princess.

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa pamunuan ng Dream Maker sa ibinigay sa kanyang opportunity na makapag-host nito.

"My heart is bursting with gratitude and overflowing joy and truly grateful sa lahat ng bumubuo ng @dreammakerofc. di ko alam paano ko kayo mapapasalamatan ang lahat ng bumubuo dream maker fam. Salamat sa tiwala na binigay nyo sa akin," sey pa ni Kim.

"Nung una di rin ako makapaniwala na paano ko magagawa to? Ang unang sinabi ko pa, paano to?… bakit ako? its like a kid that doesn’t know how to swim but found her way kung paano gawin through time and of-course the people behind me," dagdag pa ng aktres.

Kaya naman kahit hindi naman siya content ay feeling winner na din daw siya sa nangyari.

"NEVER ENDING THANK YOU. para na din akong nanalo," pagdidiin niya.

"[M]arami pa akong gustong sabihin, but for now savor ko muna tong #DispatchKR news hay!!!! Salamat Po PAPA GOD for all the guidance! as what Padre Pio say. 'Pray, Hope and Don’t worry.' @dreammakerofc," pagtatapos ni Kim.

Proud naman sa achievement na ito ni Kim ang long-time boyfriend niyang si Xian Lim, maging ang ilan pa niyang celebrity friends gaya nina Vhong Navarro, Bianca Gonzalez, Isabel Oli, Ina Feleo, and more.

SCREENSHOT: @chinitaprincess on Instagram

We're happy for you, Kimmy!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kim Chiu, ayaw mag-ala-Manny Pacquiao ang boyfriend na si Xian Lim

Kim Chiu, dismayado sa pag-aaway nila ni Xian Lim: “…kasi hindi n’ya ako pinapatulan.”

Kim Chiu at Xian Lim, nagbunyagan ng amoy; Kim, ayaw payakap kay Xian offcam during the shoot ng Always

Balik ni Kim Chiu sa nang-nega sa video greeting sa kanya ni VP Leni: “Ikaw ba nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.