Dapat pala ay noong 2022 pa nagawa ang reunion movie nina Direk Darryl Yap at ng KimJe couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles, ang romcom na Seoulmeyt.
Pero dahil saglit na nagkahiwalay ang landas nila noong presidential elections, na-identified si Direk Da sa Unity Team habang ang pambato naman ng kulay Rosas na koponan ang sinuportahan ng magkasintahan.
Namalayan nalang nila na may gap na rin sila, especially Darryl and Kim. Kahit papaano raw kasi ay may open line pa rin naman daw si Direk kay Je.
Prior to that, okay na okay pa raw sila.
"Nanood kami ng Spider-man [No Way Home, which was shown January 2021 ] sa Podium...'cause we're really tropa, e. After no'n, nagpa-hapyaw lang ako ...sabi ko, 'Kim, Je, parang hindi n'yo magugustuhan 'yong susunod kong mga gagawin.' Sila naman, 'Bakit? bakit?' Ang saya-saya pa nila. Hanggang sa nandoon na kami sa campaign period, hindi na kami nakapag-usap."
Nabuksan ang topic na ito during the Seoulmeyt mediacon na ginanap sa Le Revé event's place in Quezon City, the same venue kung saan din nag-presscon noon ang matagumpay na #Jowable movie na kauna-unahang tambalan nila bilang director and muse.
Ang tanong lang kay Direk Da that time ay kung sinasabayan ba niya ang Korean wave kaya niya naisip gawin ang pelikulang ito. Pero aniya, not necessarily dahil matagal nang nakalatag ito at ang orig schedule ng shoot ay dapat daw noong 2022 pa. Kasunod daw ito dapat ng Maid in Malacañang.
But things happened nga.
"During the election, medyo nagka-gap kami ni Kim, e," walang patumpik-tumpik na lahad ng walang-prenong si Direk Da. "Because she was supporting the color of your table [cloth, which was pink] and I was supporting the color of the carpet [which was red]," patawang patukoy n'ya sa mga gamit sa loob ng Le Revé bilang pag-iwas niya sa pagbanggit ng mga pangalan o political party,
"So, ngayon, ako naman, sabi ko, 'Paano ko kaya sila kakakusapin?' It was more of an issue for the [Viva] bosses way back 2022...kung paano kami magwo-work together nang hindi kami nag-uusap pa."
"Because alot of Kim's friends are not my friends," pagkukunteksto ni Direk Da. "It's like that. Hindi ko alam kung paano kami mag-uusap noon, e. So, 'yong project na Seoulmeyt, 2022 pa sana siya. Na-move nang na-move hanggang sa it was the birthday na of Boss Vic [del Rosario in November 2022].
"Sabi lang sa akin ni Boss, 'Pumunta ka na to break the ice. Para hindi na kayo awkward ni Kim.' No'ng pumunta ako, sira ulo talaga ko, naka-pink ako. Doon kami nagkita for the first time after the election. So, hinintay talaga ng Viva na ma-break 'yong ice. It just so happened na 2024 na kami naging okay... with the schedules and all."
"Pero I never recall na meron akong sama ng loob kay Kim," pahabol na diin ni Direk Da. "Ewan ko lang sa kanya. Pero ako, wala akong anything."
At bagamat nagkita na sila sa birthday ni Boss Vic, may animosity pa rin sa pagitan nila. Kaya naman during the shoot—or the look test for, that matter—aminadong silang naging very awkward ang simula.
"Before kami magkita, nagcha-chat na kami...ang huli naming chat was about politics...Kim was asking me, 'Do you really have to do this, do you really have to say this? You know I have friends...friend kita...' 'Yon 'yong huli naming chat. 'Nasaktan mo 'yong kaibigan ko, Darryl. Kailangan mo ba talagang gawin 'to?' Hindi ako nagre-reply sa gano'n mga niya, e.
"No'ng nagkita kami sa look test, we just hugged each other pero hindi pa kami nag-uusap. Nag-usap nalang kami konti no'ng nasa Korea [for the Seoulmeyt shoot] pero nakapag-usap talaga kami no'ng nasa Pilipinas na."
Ani Darryl, gets naman niya ang pinanggalingan ng bigat ng dibdib ni Kim.
"It was very different for me. But it was very hard for them. Me, I don't mind being bashed or if people hate me. I don't really care, e. Sila, they're really good people so they get affected most of the time.
"Hanggang sa ang dami na naming napag-usapan na issue...sa totoo lang, sa pag-uusap namin, si Ate Kends [Candy Pangilinan], si Isay [Alvarez], naging wardrobe na, sila na 'yong nagpapalit sa mga arista kasi ang tagal naming nag-usap du'n sa shoot. Nag-iyakan kami.
"In-explain ko sa kanya why I campaigned for these people, siya naman, why she has to campaign for these people. It was very heartwarming because you get to understand your friend.
"Sa akin, hindi mahirap. But sa k'wento Kim, kita ko talaga 'yong hirap niya, e, being Darryl Yap's friend in the midst of, you know, showbiz people who are known to be the [supporters of the] color of our table."
Sa puntong ito, nagpapahid na ng luha si Kim sa tabi ni Direk Da.
Pero pag-uulit ni Direk Da: "For me, I don't remember myself feeling anything bad for them specifically because I know na mas sila 'yong makaka-receive nang hindi maganda. Kasi kilala ko 'yong mga nakasamaan ko ng loopb sa showbiz, friends nila, e. So, I'm sure, sinasabihan sila, 'Kim, Je, ba't naman ganyan si Darryl?'"
Nang maipasa naman ang mikropono kay Kim, agad niyang inamin na kabado siyang mabubuksan talaga ang tungkol sa naging gap nila ng itinuturing niyang katuwang n'ya sa pag-angat sa showbiz. Pero aniya, kailangan niyang harapin ang issue para tuluyan nang matuldukan.
"Paano ba?" basag ang boses na panimula ni Kim. "It was very hard during that time....Tama 'yong sabi ni Da na no'ng look test, hindi namin alam kung ano 'yong mangyayari. Lahat parang, 'Ano na, ano na? Ready na ba? Mag-uusap ba about it?'
"Kasi sa totoo lang po, ahhh, wala sa amin, e...I mean, hindi sa wala...it was a very hard time for me and Je. So, gusto namin kasi na makapag-work kami nang maayos kasi alam namin kung paano kami mag-trabaho lalo na kaming tatlo...actually kaming apat kasi lahat ng movies namin kasama namin si Ate Candy.
"So, kaming apat, talagang, 'Paano ba natin 'to gagawin?' E, kami pag nagtatrabaho talaga kami, gaguhan kami—as in. Lumalabas 'yon sa mga eksena namin which is a good thing, kasi kailangan siya.
"Tapos, ang dami ring nag-aano sa akin na, 'Mag-usap kayo ni Da, mag-usap na kayo ni Da.' Tapos, nagkaroon ng time na nag-message sa amin si Darryl. This was like months before the look test. 'Kim Magka-away daw tayo?' 'Yon ang text niya sa amin. Ang random. 'Ha? Sino me sabi?'
"Ayun, pinagbabati kami ng mga boss, ng mga artista...hindi naman kami nag-away. Although he knows na hindi ako pabor do'n sa mga pinag-gagagawa niyang mga bagay-bagay. And I was very honest and open about it. And ang dami kong questions sa kanya but then again I'm the kind of friend na tinanggap kita, e, kaibigan kita. I will be right by your side, kaya kitang ipagtanggol. But this time around, I will not talk to you muna. Alam n'yo po 'yong ganoong klaseng kaibigan?
"So, ang hirap kasi during that particular time, alot of people would ask me to talk because I am [his] Jowable and have to say something because...
"Sobrang laking issue niya no'ng lumabas kami ni Je doon [sa campaign ni Leni Robredo]. 'Ayan, magka-away na sila, Magsasalita na siya about it.'
"Pero hindi kasi kami ganoon as persons. We would explain kung bakit kami doon pero hindi kami, alam mo 'yon....Hay, hirap magsalita!"
In short, nahirapan sila ni Je dahil napagitna sila.
"Sobrang ipit na ipit po kasi parehong malapit sa puso ko, di ba, 'yong mga kaibigan ko tapos 'yong isang kaibigan ko na sabay kaming nangarap, sabay kaming bumaba sa stairs na 'yan, sabay kaming na-launch," emosyonal na lahad ni Kim na ang tinutukoy ay ang press conference ng launching movie niyang #Jowable noong 2019 na nagsilbing launching movie din ni Darryl as a cinema director.
"So, ako 'yong Elsa niya. So, ang hirap no'ng panahon na 'yon na gusto mo siyang yakapin kasi inaaway siya pero gusto ko rin siyang sapakin...Ang hirap kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Da," patuloy na pagpapaka-totoo ni Kim.
"So, this film is really special to me because nakasama ko ulit 'yong kaibigan ko na ka-gagu-han ko...kasi palagi ko ngang sinasabi na ang daming hindi nakaka-alam ng isang side ni Darryl na ako lang ang nakakakita...kasi hindi n'yo alam 'yong Darryl na kasabay ko, hawak ko 'yong kamay sa taas tapos sabay kami, pababa kami diyan sa handan [ng Le Revé]. Iniisip namin noon, 'Tatanggapin ba tayo ng tao?' Ako bilang bida at siya bilang direktor.
"Tapos, that happened na I couldn't talk to him anymore. So, that was hard. Gitna. Ang daming mahirap. Kaya important itong movie na ito for me."
"Just to let it all out. Mas'werte pa rin ako because Philippine showbiz is really a monster and when you have friends like Kim and Jerald, you get to count your blessings more," pagra-wrap up ni Darryl.
"Ang dami ko kasing kaibigan na arsita din, na producers o director din na talagang no'ng elections, talagang nawala 'yong mga kaibigan nila. That's why ako, masaya ako na nandiyan pa rin 'yong mga kaibigan ko. Kasi ako I have very few friends in showbiz, e. Tapos, lahat pa sila nasa kabila...etong katabi, Pangilinan pa apelyido," sundot n'ya about Candy Pangilinan na kamag-anak ng co-candidate na hindi niya sinuportahan.
"Sabi ko, if they will remain as my friends, it's a huge huge thing...'cause alot of artistas, they lost their friends. Halimbawa, sumampa lang sa stage nong isa, kumanta lang, sumayaw, iniwasan na; nagsolian na ng kandila.
"Pero sa amin ni Kim at Jerald, they try to ano, e...siguro babalik ako do'n sa dahil matalino sila. 'Yun 'yon , e...I always tell nga, you choose your friends, choose intelligent people, smart people. You don't have to explain them everything. Napaka-s'werte ko na matatalino 'yong mga kaibigan ko.
"And with Seoulmeyt, it all fell into place because I guess it's the right time to do it. I'm just so happy that I'm working with friends again."
All's well that ends well din ang lahat para kay Kim.
"For sure meron po sa inyong nag-iisip, 'Kumusta 'yong mga friends ko now that I'm working with Darryl again?' Okay sila. They're actually excited for the film. They know about the film, sine-share nila, hina-heart nila... They're still supportive of me and Je and Da...Tama 'yong sinabi ni Da na you have to choose your friends. Mas'werte kami ni Je na tama 'yong mga kaibigan namin."
Sa May 29 na theatrical showing ng Seoulmeyt, ang pelikulang nagbigay-daan para maplantsa ang gusot sa pagitan ng KimJe at ni Direk Daryl Yap. It was shot almost entirely in Korea at tungkol ito sa pagmamahalan that was borne out of lies.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber