Kisses Delavin, pinaligaya ang mga nasasabik na fans sa kanyang pang-gulat na “comeback”

Ang tunay na pangalan ni Kisses na Kirsten Danielle Delavin ang mababasa kahanay ang iba pang official candidates na inilabas ng Miss Universe Philippines organization.

Photos: @kissesdelavin

Ang tunay na pangalan ni Kisses na Kirsten Danielle Delavin ang mababasa kahanay ang iba pang official candidates na inilabas ng Miss Universe Philippines organization.

Nag-trending ang young singer/actress na si Kisses Delavin sa Twitter isang araw bago ang official na announcement ng mga kandidata para sa Miss Universe Philippines.

Naging maingay ang pangalan ni Kisses na lalaban daw para sa Miss Universe Philippines. At kilala ang mga fan ni Kisses na talagang masipag at aktibo sa social media. In the past, madalas din siyang maipag-trending ng mga ito gamit ang iba’t-ibang Twitter hashtags.

Ang mga hashtags na ‘Kisses Miss U Na’ at “Kisses Eyeing The Universe’ ang dalawa sa hashtags na nag-trending at pumalo ng Top 1 at Top 2, kahapon, noong July 19.

Nagsimula ito nang maglabas ang Aces & Queens ng teaser sa social media na may isang mata ng babae at taga-Masbate.  Mabilis itong nahulaan ng mga netizen na si Kisses.  Lalo na at bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother noong 2016 ay nanalo na si Kisses sa ilang beauty pageant sa Masbate—ang Miss Teen Masbate noong 2013 at Miss Masbate at Miss Kaogma noong 2016.

Masayang-masaya ang mga tagahanga ni Kisses nang mabasa na nga nila ang pangalan nito na isa sa mga official candidates for the 2021 Miss Universe Philippines pageant.

Para sa kanila, isang napakagandang comeback daw ang ibinigay sa kanila ng kanilang idolo. Tila nag-hiatus kasi si Kisses sa kanyang showbiz career sa panahon ng pandemic at kahit bago pa ang pandemic, madalang na rin itong mapanood. 

Wala na rin si Kisses sa Triple A management. Ang management na humawak sa kanya simula nang umalis siya sa Kapamilya network.

Ang tunay na pangalan ni Kisses na Kirsten Danielle Delavin ang mababasa kahanay ang iba pang official candidates na inilabas ng Miss Universe Philippines organization. 

Kisses is 22 years old, may height na 5’4” at nire-represent nga niya ang kanyang hometown na Masbate.

Lumalabas naman ngayon sa social media ang clip ng interview ni Kisses sa online show na The Boy Abunda Talk Channel kunsaan, naging guest co-host siya ng King of Talk may dalawang buwan na ang nakararaan.

Doon ay naisabak agad ng host na si Boy Abunda si Kisses sa challenging na Q&A. Hiningi pa nito ang tulong ni Miss International 2016 na si Kylie Versoza para ito ang magbato ng tanong kay Kisses. 

At ang tanong ni Kylie ay kung sasali raw si Kisses sa isang national beauty pageant, alin daw ang sasalihan nito, ang institusyon ng Binibining Pilipinas o ang bagong-tatag na Miss Universe Philippines?

Natatawang sinagot pa ito ni Kisses ng: “Oh my goodness!

“Well, Ate Kylie, ever since maliit pa ’ko, s’yempre, I loved Miss Universe, but let’s see, let’s see… I’m so excited to learn and just explore.

“Kasi, I feel that beauty pageant is more about showing what you can do as a woman and I want to do that first before joining a beauty pageant. 

“I want to make something of myself so that my country will be proud of me when I do represent my country.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kisses Delavin leaves Star Magic; inks contract with Triple A management

Kisses Delavin hints she will be paired with another Kapamilya actor

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.