Ibang-iba daw ang naging atake ni Kokoy de Santos sa kanyang karakter sa upcoming Kapuso comedy show na Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento na prequel series ng kapareho nitong title ng 11 years on air.
Kilala kasi si Kokoy sa mga romcoms o kaya naman ay mga serious dramahan. Pero aniya, ang Pepito ang bale second comedy project niya this year na totally different daw sa Stay-In Love na pinagbidahan nila ni Maris Racal sa TV5 mula November 2020 hanggang February 2021.
“Actually, this year pangalawa [na comedy project] pero magkaiba po kasi ng klaseng atake siguro in terms of…sa mismong istorya and character,” lahad ng aktor sa entertainment press during the virtual media conference para sa show last July 14.
Gagampanan ni Kokoy ang role na batang Patricio “Patrick” Generoso, ang best friend ng bida na ginampanan ng komedyanteng si John Feir sa mga naunang seasons ng serye.
Pag-amin n’ya, na-challenge daw s’ya sa character n’ya dahil iba daw ang comedy ng totoong Kokoy.
“’Yong humor siguro ibang-iba. Dito kasi ang challenge sa akin is… Ako kasi, bilang Kokoy, ang alam ko kasing comedy medyo iba, medyo makalat so hindi s’ya p’wede sa TV,” natatawang sabi ni Kokoy na ikinatawa rin ng press. “’Yon po siguro ’yong napakalaking adjustment para sa akin, ‘yong humor.”
Dagdag pa n’ya, mahilig naman daw talaga s’yang manood ng mga light at nakakatawang show gaya ng mga family sitcoms kung saan s’yang genre ngayon kabilang.
“Very fan ako ng ganitong klaseng family sitcom talaga. Ganu’n na talaga ako pag manonood ng series o pelikula gusto ko feel good lang,” aniya.
“Kasi minsan, tingin ko, kung ano ang papanoorin mo ’yon din ang mapi-feel mo minsan, e, the whole day or the next day. Dadalhin mo ’yon, e. Hindi lang ‘yong aral pati ’yong emosyon.
“Very refreshing sa akin ‘yong pagganap ko dito,” pagtatapos n’ya.
Napuri naman ni Michael V. — ang creator at original na bida ng sitcom mula nang mag-umpisa ito way back 2010—ang husay ng mga cast members, kabilang si Kokoy, maging ang creative team sa likod ng show.
“I always believe na ’yong foundation ng comedy is good acting,” sey ng comedy genius. “And hindi mo matatawaran talaga ‘yong galing ng cast na napili sa Unang Kuwento pag dating sa ganyan.
“And ’yong creative group, ’yong mga writers…ano sila, e, malaking part din ng character na ginagampanan ng mga artista na ’to. So, pag pinag-combine mo ’yon, good writing plus good acting, you can’t go wrong. I don’t think so.”
Kasama ni Kokoy sa comedy series ang new tandem na sina Mikee Quintos at Sef Cadayona na gumaganap na mga batang Elsa at Pepito na originally ay ginampanan nina Manilyn Reynes at Michael V. Kabilang din sa show sina Gladys Reyes at ang bagong Kapuso na si Pokwang.
Mapapanood na pilot episode ng weekly sitcom simula mamayang gabi, July 17, sa GMA Network.
YOU MAY ALSO LIKE:
Exclusive: Manilyn Reynes, never nanghihinayang na hindi na nagka-anak ng babae
Michael V. defends live-action remake of Voltes V: Legacy from bashers
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber