Kokoy de Santos, thankful sa dami ng projects sa kabila ng pandemya; bibida sa bagong romcom series ng TV5

PHOTO: @kkydsnts on Instagram

PHOTO: @kkydsnts on Instagram

Hataw sa dami ng projects ngayon ang aktor na si Kokoy de Santos sa kabila ng ongoing COVID-19 pandemic. 

Katatapos lang kasi ng pinagbidahan n’yang Boys Love (BL) series na Gameboys kung saan naka-love team n’ya si Elijah Canlas, pinapalabas naman ngayon sa iWantTFC ang isa pa n’yang BL series na Oh, Mando! kung saan kasama naman n’ya sina Alex Diaz at Barbie Imperial

At ngayon naman, eere na sa TV5 ang isa pa n’yang weekly series every Tuesday night na Stay-in Love directed by Rod Marmol kung saan magkaka-love triangle sila nina Maris Racal and Marc David.

Isa itong romantic comedy series na produced ng Cignal at Cornerstone Entertainmnent Inc., isang creative agency na blocktimer ngayon sa Kapatid network. 

At dahil lalaki ang role ni Kokoy sa series, natanong s’ya sa virtual bloggers conference kahapon, November 23, kung nakabitaw na ba s’ya sa mga roles n’ya before kung saan mga boys ang love interest n’ya. 

Kailangan, e. Kailangan natin lagyan ng flavor, kumbaga,” sagot ni Kokoy via Zoom. “Bagong character, e. Tingin ko, nakatulong du’n ‘yong katrabho ko, co-actors ko. Sila Mariz, sila Marc. At s’yempre, sa gabay din ni direk kung pa’no ko titimplahin ‘yong magiging charater ko.

Tsika pa ng 22-year-old actor, mas nanibago daw s’ya sa pagti-taping sa mismong location kesa sa ka-love team. 

Ang main [theme] talaga dito is ‘yong love. Nandu’n pa rin naman ‘yong love,” lahad ni Kokoy sa press. “Tingin ko mas nakakapanibago kasi on set na talaga at lock-in. Talagang iba ‘yong dating compare du’n sa shoot from home, work from home.”

K’wento pa ni Kokoy, gusto n’ya ang karakter n’ya ngayon na si Mon sa Stay-in Love bagama’t hindi s’ya masyadong nagdetalye para hindi daw ma-spoil ang audience.  

S’yempre, maliban sa pagiging makalat ni Mon, may mga characteristics din naman [s’ya] na na-in love naman talaga ko,” patikim n’ya sa blogcon. “S’yempre, ayokong i-spoil sa inyo ‘yon. Panoorin n’yo. May bubog. May kanya-kanyang pinanggagalingan, kumbaga, bakit naging ganu’ng klaseng tao si Mon.”

Thankful daw ang aktor sa dumadating na projects kahit challenging ang mga panahong ito sa showbiz industry. 

Sobrang thankful,” paglalarawan pa ni Kokoy sa nararamdaman n’ya ngayon. “Blessed talaga kung ‘yun ‘yong salitang makakapag-describe ng iniisip ko at sobrang overwhelming. Kasi sino ba naman makakaisip kung kelan may pandemya ay magkakaroon ng proyekto. At hindi lang isa, hindi dalawa. At ‘yong nabibigay na blessings ni Lord talaga namang iba. Ibang klase. Kaya, tingin ko, salamat. Salamat talaga kay Lord.”

Maliban kina Maris Racal at Marc David, makakasama din ni Kokoy sina Ruffa Gutierrez, Bobby Andrews, Pooh, at marami pang iba sa romcom series na mag-e-air na simula ngayong araw, November 24, 9:30 PM sa TV5.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Creators of the successful BL series Gameboys postpone its three upcoming episodes due to MECQ

The Butcher | The best Pinoy BL series of the season

Direk Adolfo Alix, Jr. to helm new BL series for Taiwan-based streaming platform featuring supporting roles from Rosanna Roces, Alan Paule, and more

Kahit may paghuhubad, Jerome Ponce, ayaw na "pinagnanasaan" siya ng viewers sa pinagbibidahang BL series; “Hindi porke’t BL series, paglilibugan, pagnanasahan."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.