Komedyanteng si Chad Kinis, napaiyak matapos magka-COVID dahil sa paghiram ng lip balm

PHOTOS: Chad Kinis on YouTube & @chadkinis on Facebook

PHOTOS: Chad Kinis on YouTube & @chadkinis on Facebook

Naging emosyonal ang komedyanteng si Chad Kinis sa kanyang vlog entry na in-upload sa YouTube last March 20 dahil magkakahiwalay daw sila ngayon ng mga kaibigang sina MC Muah at Lassy Marquez ng Beks Battalion dahil nagka-COVID-19 outbreak sa bahay nilang tinatawag nilang BB House.

Minabuti daw ni Chad na mag-vlog kasama ang housemate nilang si Tonton para ipaalam ang naging sitwasyon nila kung bakit matagal na buhat nu’ng huli silang mag-upload ng vlog nang magkakasama. Madami daw kasi ang nagtatanong at nangungumusta sa kanila.  

Sa video, inilahad ng komedyante kung paano ba sila tinamaan ng COVID-19.

Una daw nahawa ang housemate nilang si Tonton na maaring nakuha nito sa kanyang paglabas dahil s’ya ang nakatalagang runner sa bahay para pumunta sa mga grocery stores at supermarket. 

Hindi naman daw nila inakala na COVID na pala ang sakit nito dahil nga napaka-mild lang nang naranasan nitong symptoms. 

Ang naramdaman ko lang kasi sakit ng ulo. Sumakit lang ang ulo ko,” pagre-recall ni Tonton sa video. “Parang normal lang na, ‘Mawawala ‘yan kapag ininuman mo lang ng gamot wala na.’ Totoo naman, nawala naman agad. Hindi ko lang naisip na COVID pala ‘yon.

Maging si Chad ay aminadong hindi n’ya inakala na dadapuan sila ng sakit lalo pa’t mahigpit daw silang sumusunod sa health protocol. 

Kami po dito sa buhay sobrang ingat namin. Ultimo pera ina-alcohol-an po namin,” paglalahad ni Chad. “Kapag may work po kami sa labas o may makakasalamuhang iba, automatic swab test po ‘yan. 

“We make sure everybody is negative. We make sure everybody is safe. Sinusunod po namin ang mga protocol and then very minimum lang talaga ‘yong mga tao na magkakasama.

Inakala daw nila na ang naranasan ni Tonton noon ay dala lang ng pagod. 

Kaya siguro nagkaroon ng [COVID-19] outbreak sa bahay kasi hindi namin napansin na may sintomas na si Tonton. Siguro ang mali lang namin du’n is hindi namin agad napa-check si Tonton,” sey pa ng Viva artist. 

Nanghiram pa daw si Chad ng lip balm kay Tonton dahil natutuyo na daw ang labi n’ya dahil sa iniinom na gamot para sa pimples. Pagkalipas daw ng ilang araw ay doon na s’ya nagkasakit. 

Nanghiram po kasi ako ng lip balm kay Tonton,” pagre-recall n’ya. “Unang-una, magkasama kami sa bahay. Lagi kaming magkakasama dito. Nag-lip balm ako then after several days nilagnat ako. Nu’ng nilagnat po ako, agad-agad, nag-quarantine ako dito sa bahay. Hindi agad ako lumabas.

Maliban sa tinamong lagnat at baradong ilong ay hindi naman daw nawala ang panlasa ni Chad. Gayunpaman, minabuti na daw n’ya na magpa-test dahil kailangan n’ya din ‘yon para sa pupuntahang taping.  

“I opted to have swab test kasi meron din po akong taping so kailangan ko po talagang magpa-swab,” aniya.  

At doon na nga n’ya nakumpirmang positive s’ya sa COVID. Agad daw n’ya itong ipinaalam sa kanyang mga Beks Battalion co-members at mga kasama sa bahay at in-encourage din silang magpa-RT-PCR Test para malaman kung sino-sino ang mga nahawa. 

Lahat po talaga, as in, lahat po walang nararamdaman [na sintomas]. Walang kahit sinong may sintomas,” k’wento pa ni Chad. “Nung nagpa-RT-PCR po lahat, nag-negative si Tonton. Ibig sabihin, natapos n‘ya ‘yong quarantine [period] n’ya.

Nag-negative din naman daw lahat ng mga kasama n'ya sa bahay. 

Importante po talaga that we regularly take test,” pagpapatuloy pa n’ya. “At kung meron talangang maramdaman agad kahit simpleng-simpleng sintomas po, sana po ‘wag kayong matulad o magaya sa amin. 

Inisip namin na baka wala ‘yan kasi walang masyadong nararamdaman. It will serve as a lesson na rin po. Lalo po kaming magdodoble ingat lalo na ngayon. Don’t be afraid to take swabs. ‘Wag po kayong matakot na ipa-check ang sarili ninyo kung may nararamdaman po kayo. ‘Wag n’yo pong babaliwalain.

Bagama’t nagpapatawa, nilinaw ni Chad na naging seryoso daw sila pag-comply sa health protocols. Ginawa lang daw nilang masaya ang kanilang quarantine para palakasin ang loob ng isa’t isa.  

Nu’ng habang [naka-]quarantine kami, we opted na to be sad,” pagtatapat n’ya sa video. “Sabi namin, ‘O, kahit na may sakit tayo, may COVID tayo…’ Hindi naman namin ‘to ginusto. Wala naman pong may gusto nito. 

Ang ginagawa po namin every now and then para malaman n’yo na okey kaming lahat, nagtatawagan po kami sa video call. Nagbibiruan po kami. Pinapasaya po namin ang bawat isa.

After gumaling ni Chad ay si MC naman daw ang dinapuan ng sakit kaya balik quarantine daw silang lahat. Nasa kanyang condo unit daw ngayon si MC at nagpapagaling.  

Ito po ang usapan namin talaga na ‘wag kayong malulungkot pag nagkaroon kayo ng COVID,” payo pa ng comedian-actor. “‘Wag kayo magpapatalo sa depression, sa anxiety, sa stress kasi it will lessen your immune system. 

Kaya pinag-usapan talaga namin walang bibitaw. Kapit tayo. Walang bibitaw. Papatawanin natin ang isa’t isa. Papasayahin natin ang bawat isa. Mag-positive man po sa COVID, hindi dapat mawala ‘yong positivity natin sa buhay.

Dagdag pa n’ya, malaking tulong din daw ang pagdarasal para malagpasan ang delikado at nakakahawang sakit. 

“We pray for each other every night. ‘Yon po ang pinakamahalaga,” ani Chad. “You pray for each other and kapit lang po talaga sa faith. Mahirap po bumitaw. Mahirap po ang kalaban, hindi natin nakikita. Ang magagawa po natin ngayon ay mag-ingat ay nanampalataya.

Sa ngayon daw maayos naman ang lagay ni MC at nagpapagaling na ito. 

Okey naman po si Kuya MC. Actually, tumawag naman po [s’ya]. Ang tawag nga po namin sa isa’t isa, mga pusit…mga pusit-ive. Since si MC po ang pinakamatanda s’ya po si Tia Pusit,” pagbibirong sey pa ni Chad. 

Bawi n’ya sa kanyang sinabi, “Hindi, pinapangiti lang po namin kayo. We have to keep our smiles…”

Humingi rin s’ya ng dasal para sa lahat ng COVID-19 patients.  

“We’re just asking for prayers sa lahat-lahat po,” panawagan ni Chad. “Naisip ko rin po at na-imagine ko rin po ang ating mga kababayan na nag-suffer din  po sa COVID. ‘Yong konting hirap natin, actually mahirap na ‘yon. What more du’n sa ibang kababayan natin na nag-suffer talaga. And we are praying for those who are fighting for COVID and for those…”

At sa puntong ito na naging emosyonal ang komedyate. 

Ayokong umiyak. Sabi ko ayokong umiyak,” pahayag n’ya. “Naano lang ako kasi it’s been a month, this March has been really, really… Tinatago ko lang ‘yong sadness and everything kasi kung makita n’yo we are all affected. The work, lahat tayo. Kasi hindi tayo magkakasama sa bahay. Magkakahiwalay tayo. Tapos kailangan nating magpagaling lahat. 

Pero siguro okey na din ‘yong magkakahiwalay muna tayo ngayon para pag nagsama-sama na uli tayo okey na po. Kasi this is a family. We are family here,” pagtatapos ni Chad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Chad Kinis achieves YouTube milestone as he reaches 1,000,000 subscribers

Chad Kinis gives out free tablets to kids taking online classes to honor the generosity of the late Lloyd Cafe Cadena

Beks Battalion na sina Lassy Marquez, MC Muah, at Chad Kinis, niregaluhan ni Megastar Sharon Cuneta ng living room, dining room, at bedroom showcase!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.