Korean dancer/influencer Dasuri Choi, wish magka-Pinoy boyfriend; “Gusto ko din mag-try ng Filipino Oppa.”

Korean dancer/influencer Dasuri Choi, who’s been in the Philippines for eleven years now, has just been launched as the brand ambassador of the Korean brand, Hyundai Home Appliances. Hindi raw makapaniwala ang pamilya niya sa Korea when she told them about it. “Nu’ng sinabi ko po sa Korean family, akala nila I’m joking because Hyundai brand is really well-known and one of the biggest companies in Korea.  Parang ang reaction nila, ‘Sino ka? Bakit ikaw?’ Parang ganu’n ’yong reaction in Korean. And of course, I’m super duper proud sa achievement ko so ipe-flex ko po palagi sa mga Korean friends ko.”

Photos: @dasurichoi_ | Hyundai Home Appliances

Korean dancer/influencer Dasuri Choi, who’s been in the Philippines for eleven years now, has just been launched as the brand ambassador of the Korean brand, Hyundai Home Appliances. Hindi raw makapaniwala ang pamilya niya sa Korea when she told them about it. “Nu’ng sinabi ko po sa Korean family, akala nila I’m joking because Hyundai brand is really well-known and one of the biggest companies in Korea. Parang ang reaction nila, ‘Sino ka? Bakit ikaw?’ Parang ganu’n ’yong reaction in Korean. And of course, I’m super duper proud sa achievement ko so ipe-flex ko po palagi sa mga Korean friends ko.”

Eleven years na pala sa Pilipinas ang South Korean dancer and social media influencer na si Dasuri Choi kaya naman ang tatas-tatas niyang managalog. 

“S’yempre, marunong po akong mag-Tagalog kasi eleven years na,” masayang opening tsika niya sa pa-press conference sa kanya ng gawang-Korea din na Hyundai Home Appliances, which she is now endorsing. 

“Hello, mga foreigners na nandiyan, you have to learn Tagalog,” pangungumbinsi pa niya.

May business daw kasi ang pamilya nila sa Pampanga kaya sila napa-stay ng Pilipinas. Pero sa ngayon, sila nalang daw ng tatay niya ang naiwan dito at magka-hiwalay pa dahil naiwan umano ito sa Pampanga, habang siya naman ay nasa Manila.

Dasuri endeared herself sa mga Pinoys when she joined—and won 2nd runner-up—sa Eat Bulaga’s top-rating segment na “You’re My Foreignay” in 2014. That paved the way para maging co-host siya sa GMA News TV’s reality-lifestyle show na Day Off opposite comedian Boobay and singer-actress Julie Ann San Jose. But prior to coming here, naging back-up dancer pala siya ng ilang K-Pop idols.

Nakaranas na rin siyang um-akting-akting ng slight sa ilang shows ng GMA-7 such as Pepito ManalotoMy Korean Jagiya, and Inday Will Always Love You

At dahil adik sa anything Korean ang mga Pinoys, kaya hindi nakapagtatakang umangat agad siya sa influencer level sa social media. Currently, she has 9.6M followers sa Tiktok, 1.6M subscribers sa YouTube, at half a million naman sa Instagram.

Kaya naman nang mag-isip na kumuha ng “local” brand ambassador ang Hyundai Home Appliances, siya na agad ang top of mind dahil malawak na rin ang reach niya.

At her virtual media conference, ang isa sa agad tinanong namin sa kanya ay kung ano ang ibig sabihin ng pangalan niya. Usually kasi ay ganoon sila sa Korea and even sa Japan.

“Actually my Korean real name is Da-seul Choi pero it’s hard to pronounce, you know, for the foreigners, so naging Dasuri,” Tag-lish na tsika niya may accent that would remind you of how Sandara Park talks in Tag-lish.

Tapos ’yong Da-seul ang meaning po is govern the world. Parang you control life, you control the world, parang ganu’n. I will control the Hyundai! Hahaha!” biro pa ng kikay na Koreana.

But when asked if the meaning of her name applies to her life now, she says: “Hindi naman like govern the world or lead the world like as president...hindi naman ganu’n. Parang basta ’yong life, you’re controlling it. Wow! Haha! Mga ganu’n. So, feeling ko naman po I’m doing alright.” 

According to Dasuri, nami-miss naman daw  niya ang Korea especially her mom’s home-cooked meals at ’yong four seasons. But she opted to stay here for eleven years dahil feel na feel daw niya ang warmth ng mga Pinoy at naka-adapt na siya nang husto sa buhay-Pinas. In fact, aakalain mo ngang isang maputing Pinay si Dasuri kung hindi mo kilala dahil even kung paano mag-joke ang mga kabataang Pinoy, parang naka-built in na sa kanya.

“Of course sa Korea po kasi we have four seasons like winter, may spring din kaya parang sakura (Cherry blossom) fest. Sobrang ganda.

“But mas na-appreciate ko dito kasi ’yong mindset ko, mga Pinoy kakaiba talaga. Like sobrang positive at saka it doesn’t matter kahit hot or humid or palaging may bagyo and everything, baha... it doesn’t matter. My mindset is like, very peaceful here more than like when I was staying in Korea.

“Sobrang saya po ako dito and sobrang hospitable ’yong mga Filipinos kaya sobrang hindi ko masabi like speechless po talaga...sobrang everyone is very welcoming to foreigners like me. So, ’yon po mas pinili ko po ang Philippines.”

Ang dami nga naman niyang magagandang opportunities dito. Saka ngayon lang naman daw pandemic siya nakaranas ma-homesick dahil before, anytime ay nakakadalaw siya sa Korea. Ngayon, since magtwo-two years na ang pandemic kaya two years na ring hindi nakikita ang mom niya.

No’ng mag-start daw siyang ma-homesick, inayusan daw niya ang condo niya sa Manila ng stuff that would remind her of Korea, including appliances. Unti-unti na raw siyang nagpupundar ng mga Korean-made stuff at hindi niya akalaing dadating sa buhay niya ang Hyundai kaya malaki raw natipid niya sa pagbili ng gamit sa bahay.

Aniya, favorite niya ang inverter aircon ng Hyundai to replicate the Korean climate sa kuarto niya and she attests na malaki daw ibinaba ng kuryente bills niya since she started using the Hyundai brand. Syempre, kailangan may Hyundai UHD TV na lagi umanong naka-bukas para feeling may kasama siya sa bahay kahit wala.  

At dahil na-adopt na niya ang hilig ng mga Pinoy sa kape, she got herself a Hyundai electric takure, a grill for her samgyupsal, at rice cooker na may capacity to minimize the starch content ng rice. Taray!

Pero noong una, noong inaalok palang siyang maging brand ambassador ng Hyundai Home Appliances, hindi raw niya mapaniwalaan until mag-contract signing na.

“Tototo ba? Laking project nakuha ko,” kinikilig na pagre-recall niya in staggered Ryan Bang-ish Tag-lish.

Pero mas hindi daw makapaniwala ang pamilya niya sa Korea lalo pa’t sikat na sikat doon ang Hyundai brand na nag-expand na nga rin to home appliances.

“Nu’ng sinabi ko po sa Korean family, akala nila I’m joking because Hyundai brand is really well-known and one of the biggest companies in Korea.  Parang ang reaction nila, ‘Sino ka? Bakit ikaw?’ Parang ganu’n ’yong reaction in Korean. And of course, I’m super duper proud sa achievement ko so ipe-flex ko po palagi sa mga Korean friends ko.”

But according to COO Gerry Alava ng GTC-Aldis Philippines, Inc., ang exclusive distributor of Hyundai Appliances in the Philippines, perfect daw si Dasuri, na mahal na ng mga Pinoys, sa ongoing efforts nila  to diversify its operations and to forge a stronger relationship with their Pinoy customers dahil she relates to the brand. 

Sa ngayon, wala naman daw siyang big dreams gaya ng pagsunod sa yapak ni Sandara Park o ma-invade ang acting world. Okay na daw siya sa pa-guesting-guesting. 

“Para sa akin po, wala po akong future plan na gusto kong maging ganito after one year or two years, wala po akong specific plan,” esplika ni Dasuri, who, by nature is a spontaneous person daw. 

“Basta ang focus ko sa akin is gusto kong maging happy at saka everyday kailangan maging productive ’yong day ko. Hindi ko din po akalain na maging TikToker po ako. Last year po ako nag-start. At saka hindi ko rin akalain na maging vlogger or artist ako dito. Parang everyone will never know what will happen in the future. So, wala po akong plano na after two years mag-quit ako ng TikTok tapos mag-asawa ako. Wala po talaga akong plan. Basta masaya po ako ngayon. I’m so happy to be here.”

Kung aktingan naman daw...

“Actually po nag-gi-guest ako sa mga sitcoms, tapos mga teleserye na kailangan ng Korean at K-Pop idols. Kaya ko naman po mag-act pero hindi ko kaya ng mga hagulgul level. Hahaha! Comedy p’wede po if may chance.” 

Ang sure lang siya sa ngayon ay ang kagustuhan niyang magka-dyowa ng Pinoy.

“Of course, nandito po ako sa Pinas, so, gusto ko naman magka-dyowa ng mga Pinoy,” may-halong bunigisngis na revelation niya. “Gusto ko din mag-try ng Filipino Oppa. Hahaha! Try lang. Kasi dati po puro Korean Oppa ’yong naging dyowa ko, ngayon naman s’yempre Pinoy naman. Para iba po, diba po?”

When asked kung sino mga crush niya sa showbiz:

“Actually po it’s not more on crush pero I want to work with mga artist-dancer sa GMA like hindi lang puro lalaki po pero s’yempre Rayver Cruz, tapos si Ate Rochelle [Pangilinan] po kasi sobrang idol ko po hindi lang mga lalaki kundi mga babae din.

“Madami din po akong crush pero hindi po matatapos itong show [press conference] kung sasabihin ko lahat ng crush ko. Hahaha!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.