Kris at Herbert, may closure na

“…nagtapos siya ng maayos and I don’t think can say that about anybody else. I never had a good closure pero sa kanya, maganda ’yong closure.”—Kris on ending her relationship with Herbert.

Photo: @krisaquino

“…nagtapos siya ng maayos and I don’t think can say that about anybody else. I never had a good closure pero sa kanya, maganda ’yong closure.”—Kris on ending her relationship with Herbert.

Nang i-post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram page ang picture nila ni Quezon City mayor Herbert Bautista na magkasamang nag-dinner noong gabi ng October 7, mrami ang nag-speculate na muli na namang nagkabalikan ang dalawa.

Since 2014 nang masubaybayan ng publiko ang galit-bati romance ng dalawa na dalawang beses muntik nauwi sa kasalan. 

Si Kris mismo ang nagdetalye tungkol sa twice-kaput wedding proposal sa December 2017-January 2018 cover story niya sa People Asia Magazine. Ang unang proposal daw ay noong April 8, 2014, pero binawi raw ni Herbert kinabukasan through text; at ang second time ay noong January 22, 2017, nang magtagpo sila sa Rome, Italy, kung saan binigyan pa siya nito ng singsing. Pero this time, si Kris naman ang nagbago ang isip at sinoli ang singsing.

In the said People Asia Magazine interview, she said: “I admire him so much because he was willing to be the knight in shining armor and he came back when I was already nobody. He came back when I had no network, I had no power, we had no base. Dun ako humanga sa kanya.

“We don’t even have a relationship at all. I don’t count it anymore because it was always nauudlot. I told him, ‘Tayo yung perfect na what-could-have-been so let’s just leave it there.’ I really appreciated it that he came back to my life when I was a nobody.”

ON AND OFF
In four years ay ilang beses ding natunghayan ng publiko ang mga tampuhan at pagbabati nila; ang pagpapasaring ni Kris at panunuyo ni Herbert. Huli silang nakitang magkasama in public noong May 17, 2018 sa special block screening ng pelikulang Kasal ni Bea Alonzo at matapos noon ay nagkatampuhan na naman sila.

Ang October 7 post ni Kris ay patunay lang na nagka-ayos na naman sila. It turned out na dumalaw si Mayor Bistek (petname kay Herbert) sa bahay ni Kris at niyaya siya nitong kumain sa labas. Ang pagdalaw ay bilang pangungumusta kay Kris na noon ay kagagaling lang ng Singapore for medical purposes. Nataon ding mainit pa ang usap-usapan noon tungkol sa diumano’y pananamantala ng isa sa mga empleyado ni Kris sa kanya regarding financial matters.

Sa caption ni Kris sa said IG post, ay idinitalye niya ang naging journey nila ni Herbert at kung paano sila nanatiling magkaibigan pa rin.

Her whole caption read:

“Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END.

“He’s been there whenever i needed a friend, hindi na ko nagulat- nandito sya ngayon... Bakit sya? This is my WHY: nabasa nya mismo my long term endorsement contracts- renewals plus 3 new ones.

“They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts. He wants me to regain my health & he supports my priorities.

“Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na: naging 1st daughter & 1st sister na ko- di mo ba na appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo?

“Binweltahan nya ko: kaya nga ang hirap mong maging ka relasyon kasi pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin?

"I chose to share this because our story has my perspective & his point of view. i’ve survived a lot recently & you deserve our TRUTH.”

Meanwhile, si Herbert naman, for his part ay consistent sa pagsasabing what he has with Kris is a special bond na “di kayo magboyfriend/girlfriend, di kayo barkada lang. Mataas na uri ng pagkakaibigan.”

Huling nakuhanan ng press na statement si Herbert regarding Kris noong July 6, during the launch of his book, Bistek@50 Life In Full Color: The Herbert Bautista Biography, na ginanap sa Amoranto Stadium in Quezon City. Doon ay nagpasalamat pa siya kay Kris dahil sa mga panahong inilaan nila sa isa’t isa ay kapwa siola maraming natutunan.

 “Naging moral booster siya sa akin, naging moral booster ako sa kanya at anchor yun ng isang matinding mutual respect.

“Maraming, maraming salamat sa iyo Kris, dahil iba, ibang klaseng tao."

“WE’RE NOT FRIENDS NOW.”
Pero sa interbyuhang naganap between Kris and this writer last October 25 para sa kanyang Life Updates for her YouTube Channel and Facebook account, nilinaw sa amin ni Kris na ang pagkikita nilang iyon ay hindi pagbabalikan o pagre-reconcile kung hindi isang closure.

Matapos daw noon ay napagkasunduan nilang huwag na mag-usap at tuldukan na talaga ang lahat.

“We’re not friends now ha,” sabi sa amin ni Kris. “We do not talk anymore. Kaklaruhin ko yan sa lahat. It ended there. That’s why nagtapos siya ng maayos and I don’t think can say that about anybody else. I never had a good closure pero sa kanya, maganda ’yong closure.”

Sa pag-uusap daw nila noong October 7 ay nangako siya ditong hindi siya magiging liability sa political career nito, at ’yon kahit hindi pa niya alam na hindi pala ng-file ng anumang candidacy ang kasalukuyang QC mayor.

“Siguro in clearer language, ‘hindi nila ako ever magagamit pambato sa’yo at panira sa’yo,’” pag-ulit ni Kris sa binitawan niya kay Herbert.

Moreover, tanggap na raw ni Kris na talagang wala silang future ni Herbert dahil mas pinili raw niya ang buhay niya ngayon na may mga multi-million contracts sa iba’t ibang kumpanya at produktong ine-endorso, kung saan kasali sa kontrata ang hindi pagkaugnay sa pulitika.

“Kahit i-boyfriend ang pulitiko, bawal at masunurin ako sa kontrata,” natatawang dagdag pa niya.

Sa puntong ito rin daw ay malinaw na kaya nila pinili ang mga anak kaysa sa pansariling kaligayahan.

“I learned from him. Our children should come first especially me ’cause ’yong dalawa ko [Josh and Bimby], they only have me.”

Kung isa-summarize ang naging ugnayan nila, Kris ended up saying this:

“I think we missed the chance and I think when the chance was there, we both we’re not ready.”

Here’s the video excerpt from that interview:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.