Kris Bernal, aminadong nag-self-doubt nang hindi ni-renew ng GMA-7 ang kontrata niya

“...somehow, kinu-kuwestiyon mo ’yung sarili mo, saan ako nagkulang? Alam mo ’yun… may mga gano’n ako. May mga araw akong hindi makatulog. Sabi ko, kailan ba ‘ko nag-attitude? Ano ba ’yung mga naging issue sa akin? Saan ba ‘ko nagkulang? Ano ba ’yung hindi ko ginalingan? Nag-doubt ako sa sarili ko.”—Kris Bernal

Photos: @krisbernal

“...somehow, kinu-kuwestiyon mo ’yung sarili mo, saan ako nagkulang? Alam mo ’yun… may mga gano’n ako. May mga araw akong hindi makatulog. Sabi ko, kailan ba ‘ko nag-attitude? Ano ba ’yung mga naging issue sa akin? Saan ba ‘ko nagkulang? Ano ba ’yung hindi ko ginalingan? Nag-doubt ako sa sarili ko.”—Kris Bernal

Noong isang taon ay naging freelancer na si Kris Bernal mula sa pagiging isang Kapuso noong 2006 by virtue of her winning the reality search StarStruck Season 4.

Sa TV5 siya unang napanood sa labas ng GMA-7.  At nang makausap nga namin siya kamakailan lang, sinabi niyang freelancer pa rin siya hanggang ngayon.

Ayon din kay Kris, nag-sign up siya kamakailan lang sa bagong management, pero hindi pa raw muna niya p’wedeng sabihin kung sino ang bago niyang manager.

“Hanggang ngayon, gano’n pa rin, wala akong kontrata with any networks,” lahad niya.

Hindi raw niya masasabing personal choice niya lang na wala siyang kontrata sa kahit na anong networks, pero sa ngayon, wala rin naman daw siyang natatanggap na offer sa kahit anong istasyon.

“ ‘Yun ang totoo,” sey niya.

“I was never offered a contract naman from ABS. I was offered like a several roles, tinatanggap ko siya, pero parang at the end of whatever, hindi ko siya nakukuha.

“Those we’re the inquiries sa Cornerstone pa. May mga pumapasok na inquiries pero hindi ko alam kung bakit hindi natutuloy.”

Nagpa-manage rin si Kris sa Cornerstone nang maging freelancer siya. Ang Cornestone ay ang talent management agency na may hawak kina Catriona Gray, Empoy Marquez, at Iñigo Pascual to name a few.

“Sa TV5 naman, I don’t think they’re offering contracts. Wala pa yata… alam ko, wala pa yata. So, I was never offered a contract with them. Parang per-project lang, so freelancer talaga ’ko.”

Kung tutuusin, tila si Kris ang unang Kapuso artist na naglakas-loob na mag-freelancer sa panahon ng pandemya

Sabi nga namin sa kanya, tutal ay noong isang taon pa naganap ang pangyayari at ilan na rin naman ang sumunod sa kanyang Kapuso na lumipat na rin sa ibang network, ay baka p’wede nang linawin ang issue.

Hindi ba ni-renew ng GMA-7 ang kanyang network contract o siya ang hindi nag-renew dahil gusto niyang sumubok na makagawa ng projects sa iba?

“Maganda ang relationship ko sa mga bosses ko, maganda ang relationship ko sa GMA Artist Center, but it’s just that, hindi ako ni-renew ng GMA for a network contract,” pag-amin niya.

“So, parang nagkaintindihan naman kami. Naghintay pa ’ko ng ilang months if mabibigyan ako. Kumbaga, parang umaasa pa ’ko. Pero ’yun nga, patagal nang patagal, parang wala pa.

“So, nagpaalam muna ko. ‘Okay po ba na tumanggap muna ng project sa TV5 or ibang network and pinayagan naman nila ko. Pinayagan naman ako ng GMA Artist Center. Pinayagan ako ng mga boss ko sa GMA Network kaya ngayon, kahit kausap ko sila, gano’n pa rin ang relationship namin. Kasi, wala naman talagang bad blood sa isa’t-isa.

“Kumbaga, malinis.”

Nakaramdam ba siya ng tampo sa GMA-7 na hindi nga siya na-renew?

“Siyempre nagtampo ako,” natatawang pag-amin niya.

“Aaminin ko, nagtampo ako dahil siyempre, tao lang naman ako. Nag-trabaho ka sa isang company for so many years. And then somehow, kinu-kuwestiyon mo ’yung sarili mo, saan ako nagkulang? Alam mo ’yun… may mga gano’n ako. May mga araw akong hindi makatulog.”

“Sabi ko, kailan ba ‘ko nag-attitude? Ano ba ’yung mga naging issue sa akin? Saan ba ‘ko nagkulang? Ano ba ’yung hindi ko ginalingan? Nag-doubt ako sa sarili ko,” natatawa pa rin niyang sagot.

Naisip din naman daw niya na dahil sa pandemic, marami talaga ang naapektuhan.

“Naisip ko rin na because of the pandemic, halos lahat naman naapektuhan. So, I understand them na may mga issues or problems siguro na kailangan pang ayusin or may mga ibang priorities din ang network. So, naiintindihan ko ’yun.

“Nagtampo lang siguro ko do’n sa point na, ‘Ano ba ‘yung nagawa ko? ’Yung gano’n. Naging pasaway kaya ako?”

Si Kris na rin ang nagsabi na may mga naririnig o nakakarating din daw kasi sa kanya na kung anu-anong tsismis.

“Kasi sa totoo lang, ang daming kung anu-anong tsismis. ‘Ah kasi, attitude ‘yan.’ ‘Ah kasi, ganyan-ganyan ‘yan kaya hindi siya ni-renew,’” patuloy na pagre-recall niya.

“Pero in all honesty, wala akong maalala na nag-attitude ako, naging problema ako sa set.  May isyu pa nga, nagpapataas daw ako ng talent fee kaya hindi ako ni-renew. Hindi talaga totoo.”

Dagdag biro pa niya: “Kahit na hindi pa matuloy ang wedding ko, hindi talaga totoo.”

(Nakatakdang ikasal si Kris sa businessman na si Perry Choi sa September.)

Sa ngayon daw, kahit saan daw siya lumabas ay okay lang basta’t may trabaho. 

“Ang importante kasi ngayon, basta may trabaho. And sana rin, makapag-explore ako sa movies,” umaasam na pagtatapos niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kasal nina Kris Bernal at Perry Choi, sa September na; sasagutin ang gastos sa swab tests ng 100 na dadalo

Kris Bernal, nakikisali sa #ReformatGMANetwork clamour ng Netizens?

Sunshine Dizon on her estranged husband: “Nadapa at nagkamali...[pero] hindi ko naman matatawaran si Timothy [Tan] bilang tatay.”

Kapatid na si Leon, biggest fan daw ng new Viva Recording artist na si Claudia Barretto

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.