Kris Bernal at 23 riders, nabiktima ng fake food deliveries; scammer, natukoy na

PHOTOS: @krisbernal on Instagram

PHOTOS: @krisbernal on Instagram

Nanawagan ng tulong ang aktres na si Kris Bernal matapos mabiktima ng fake Grab food deliveries nitong weekend.

Last Saturday, July 3, ay umabot sa 23 riders ang magkakasunod na dumating sa address nila Kris para mag-deliver ng food items kahit wala naman daw silang ino-order.

“I got 18 (And, counting) random GRAB FOOD deliveries all addressed to my house, all from the same name: Jen Jen Manalo. Sadly the amount of the deliveries are of no jokes. Even 2 vans arrived at our house saying that I will be picked up,” pahayag ng aktres sa kanyang unang Instagram post noong Sabado ng gabi.

Ayon sa nakausap ng mga riders, nagngangalang Jen Jen Manalo ang um-order ng lahat ng pagkain gamit ang contact number nito na 09510652215.

“I’m not the only victim here but also the GRAB RIDERS na nag-seserbisyo lamang and went all the way here to deliver several orders. I really feel bad for the riders’ efforts. This thing has been prevalent lately,” dagdag pa n’ya. 

”I am hoping to raise awareness and to whoever who did this, I can sue you. Harapin mo ako, maawa ka sa mga tao.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Makalipas ang ilang saglit ay may lima pang riders ang dumating sa kanila dala ang mga pagkain ordered by the same person using the same contact number.

“As of the moment, 5 more GRAB FOOD RIDERS are infront of my house, all from the same name: Jen Jen Manalo. Sadly the amount of the deliveries are of no jokes,” ani Kris sa kasunod n'yang IG post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Sa isang video kung saan naka-usap ng rider ang nagpakilalang Jen Jen Manalo, iginiit nitong ang kampo daw ang aktres ang um-order ng mga pagkain.

Sila po ‘yong um-order. Pakisabi d’yan kay Kris Bernal tingnan ‘yong Messenger niya,” sagot ni Jen Jen sa rider. “May umorder lang din sa ’kin at dalhin daw sa bahay nila.

Ay nako, kuya, ‘di ko na kasalanan ‘yan. Kasalanan ‘yan ni Kris Bernal,” dagdag pa n’ya.

Sey naman ni Kris, wala daw s’yang idea kung sino ang may pakana ng mga fake grab deliveries dahil wala naman daw s’yang kaaway o nakasamaan ng loob. 

“I neither have enemies nor did I offend someone. I have no idea who did this and I can’t remember any incident that triggered this to happen,” lahad n’ya. “All I know is I didn’t do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment.”

Ikinalulungkot din daw n’ya na nabiktima rin ang mga Grab drivers sa modus ng nagpakilalang Jen Jen Manalo.

“What saddens me the most is I’m not the only one affected in this situation but also the Grab drivers who were victims of the fake deliveries,” saad ni Kris. “I really hope that there was even a bit of sympathy to the riders. They are the main victims here. I hope the person who did this will feel a bit of conscience.”

Panawagan pa ng aktres sa kanyang online followers, “Please help me report to @grab_ph @grabfoodph. I am hoping to raise awareness. Please share. I'm sure this is not her real name. But this is the name and number that were recorded with all the deliveries today.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

K’wento pa ni Kris, hindi daw ito ang unang pagkakataon na ginamit ang pangalan n’ya sa isang modus. 

Bilang patunay, isang recorded conversation ang ipinost n’ya sa IG kung saan nagpakilala ang scammer bilang kanya daw assistant. 

“She pretended to be my assistant and asked to receive the products for free from a small business I promoted,” paglalahad ng StarStruck Season 4 graduate.

Nagbigay din s’ya ang abiso sa mga business owners. 

“To all the small businesses whom I promoted, continually promote, and will promote someday, please be informed that I DO NOT SUPPORT ANY OF THESE BOGUS BUYERS. 

“Please do a cross checking and don’t allow them if they pretend to be my assistant and ask for free goods.

“I’ll never ask someone to order for me. I’ll order and buy it personally,” pagtatapos ni Kris.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Sa ngayon ay nalaman na daw ni Kris ang pagkakakilanlan ni Jen Jen Manalo matapos s’yang kontakin ng mga dating members ng Sexbomb Dancers na naging biktima rin nito noon. 

Matatandaan na dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) sina Sexbomb Jopay, Aira at Grace last February para ireklamo ang dating personal assistant (PA) ni Grace sa pangha-harass nito sa kanila sa social media. Iisang tao lang daw ito at ang nambiktima kay Kris.

Ngayong hapon, July 5, ay dumulog na sa tanggapan ng NBI si Kris para tuluyang humingi ng tulong. 

“Sa akin kasi okey lang, e. Naabala ako, okey lang. Pero ‘yong mom ko kasi naabala din. S’ya ‘yong kumakausap sa mga Grab drivers kasi she wanted to protect me also and my mom is already a senior [citizen]. So, ayoko rin na lumalabas-labas s’ya… Naabala sya.

“So, this is actually not just for me but for my mother and also du’n sa mga riders na kahit saang delivery service na nasa-scam at naloloko at napi-fake booking,” pagtatapos ni Kris. 

 
Kris Bernal, dumulog sa NBI matapos mabiktima ng pekeng food delivery

Kris Bernal, dumulog sa NBI para ireklamo ang babaeng nag-order at nagpadala sa kaniya ng mga food delivery gamit ang kaniyang pangalan. Umabot sa 23 pekeng food delivery ang dumating sa bahay ni Kris Bernal nitong nakaraang weekend. | Manny Vargas/Super Radyo DZBB 594khz BASAHIN: https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/chikaminute/794017/kris-bernal-falls-victim-to-23-fake-grab-food-deliveries/story/

Posted by GMA News on Sunday, July 4, 2021

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Miss World Philippines warns pageant community of a clone Instagram account and its bogus transactions

Marian Rivera, Maine Mendoza, Vice Ganda, Angel Locsin and other celebrity victims of fake accounts schemes and online scams

Pika's Pick: Manager of Marian Rivera and Maine Mendoza warns the public about fake accounts using the actresses’ profiles and are promising cash prizes in exchange for likes and follows

Pika's Pick: Creator of Catriona Gray’s iconic “lava gown,” Mak Tumang, exposes fake account user who transacts business on his behalf; real owner of photo used in the account surfaces

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.