Kris Bernal, napasabak agad sa mga kissing scenes sa mga leading men ng Artikulo 247 matapos ikasal: “Parang mas marami pa ’yong halikan ko sa kanila kesa sa asawa ko.”

Wala naman daw problema sa kanyang businessman husband na si Perry Choi kung may mga kissing scenes man siya. Alam naman daw nitong it comes with the territory. And for Kris naman, ginagawa lang daw n’ya ang kanyang trabaho bilang artista.  “Ang asawa ko hindi s’ya nangingialam sa trabaho ko, e. Sabi ko nga, I just follow kung ano ’yong hiningi ng direktor, kung anong hiningi ng script and as long as in-approve naman ng production. Mabilis akong kausap. ‘Sige, gawin ko ’yan.’ Ganu’n lang. “Pero ’yon nga, pag dating sa asawa ko, wala s’yang ano doon. Hindi ka n’ya papakialaman. Kung kailangan mong gawin, gawin mo.”

PHOTOS: @herrasmarkangeloofficial, @jomesilayan, and @imiketan; and INSET: @krisbernal on Instagram

Wala naman daw problema sa kanyang businessman husband na si Perry Choi kung may mga kissing scenes man siya. Alam naman daw nitong it comes with the territory. And for Kris naman, ginagawa lang daw n’ya ang kanyang trabaho bilang artista. “Ang asawa ko hindi s’ya nangingialam sa trabaho ko, e. Sabi ko nga, I just follow kung ano ’yong hiningi ng direktor, kung anong hiningi ng script and as long as in-approve naman ng production. Mabilis akong kausap. ‘Sige, gawin ko ’yan.’ Ganu’n lang. “Pero ’yon nga, pag dating sa asawa ko, wala s’yang ano doon. Hindi ka n’ya papakialaman. Kung kailangan mong gawin, gawin mo.”

Kung kailan s’ya ikinasal at nagkaroon ng asawa ay doon pa tila mas naging palaban sa kissing scenes ang aktres na si Kris Bernal.

Usually kasi, nagiging wholesome ang mga babaeng artista at umiiwas na sa mga mapupusok na eksena kapag married na sila pero tila kabaliktaran ang nangyayari kay Kris.

Magsisimula sa pagtataksil na mauuwi sa pagkamatay ng isang lalaki ang kuwento ng Artikulo 247. Ang character ni Kris ang makakapatay sa mister n’ya matapos n’ya itong mahuli sa akto na may kasamang iba sa kama. 

Pero dahil legally married sila, destierro o banishment ang parusa sa kanya, base sa Article 247 under the Revised Penal Code, ang siyang naging inspirasyon ng istorya ng bagong teleserye ng GMA-7.

Nakasaad doon na: “Any legally married person who having surprised his spouse in the act of committing sexual intercourse with another person, shall kill any of them or both of them in the act or immediately thereafter, or shall inflict upon them any serious physical injury, shall suffer the penalty of destierro.

“If he shall inflict upon them physical injuries of any other kind, he shall be exempt from punishment. These rules shall be applicable, under the same circumstances, to parents with respect to their daughters under eighteen years of age, and their seducer, while the daughters are living with their parents.

“Any person who shall promote or facilitate the prostitution of his wife or daughter, or shall otherwise have consented to the infidelity of the other spouse shall not be entitled to the benefits of this article.”

At dahil mature nga ang mga roles sa TV series, hindi mawawala ang mga mapupusok sa eksena na game namang ginawa ni Kris. Kakaiba itong maituturing dahil nakasanayan siya ng viewers sa mga wholesome roles niya in the past.

Hindi lang kasi sa isa n’yang co-actor nagkaroon ng kissing scene si Kris kundi sa tatlong leading men ng serye.

Si Mark [Herras], si Jom [Silayan], si Mike [Tan]. Lahat sila hinalikan ko. Hahaha! My goodness,” natatawang k’wento ng aktres sa virtual media conference ng Artikulo 247 kagabi, March 1. “Binilang ko nga. Parang mas marami pa ’yong halikan ko sa kanila kesa sa asawa ko. Kasi nag-lock-in ako kaagad, e [after ng wedding].”

[Kris exchanged I dos with her non-showbiz boyfriend, Perry Choi, in September last year.]

Wala naman daw problema dito ang kanyang businessman husband na si Perry Choi. And for Kris naman, ginagawa lang daw n’ya ang kanyang trabaho bilang artista. 

Ang asawa ko hindi s’ya nangingialam sa trabaho ko, e. Sabi ko nga, I just follow kung ano ’yong hiningi ng direktor, kung anong hiningi ng script and as long as in-approve naman ng production. Mabilis akong kausap. ‘Sige, gawin ko ’yan.’ Ganu’n lang,” paliwanag n’ya.

Pero ’yon nga, pag dating sa asawa ko, wala s’yang ano doon. Hindi ka n’ya papakialaman. Kung kailangan mong gawin, gawin mo.

Katunayan, ang mister mismo ni Kris ang nagdala ng mga kailangan n’ya noong sumalang na s’ya sa lock-in taping. Ganu’n daw ka-supportive sa kanya si Perry. 

Oo, grabe s’ya. Sobrang spoiled ko. Hahaha! Sobrang spoiled ko. Happy wife, happy life,” masayang lahad ni Kris. 

Dagdag pa ng StarStruck Season 4 grand winner, kampante naman s’ya na gawin ang mga eksena nila dahil tiwala s’yang safe sila at sumusunod sa mga safety protocol. 

Sinabi na rin ni Rhian [Ramos] na the production naman makes sure na safe. I mean, lahat naman talaga naka-bubble,” aniya. 

“And very responsible din naman ’yong mga [co]-actors namin. Talagang we stay in our rooms lang kahit rest days namin. Kumbaga, somehow, comfortable ka nga and kampante ka na safe.”

Kasama ni Kris sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Mark Herras, Mike Tan, at iba pa sa Artikulo 247 na mapapanood na simula March 7 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.