Kris Bernal, pinutakti na naman ng mga body-shamers

Balik ni Kris Bernal sa mga body-shamers niya: “My purpose is way bigger than anyone's opinion of me. And, I will never sacrifice who I am because someone else has a problem with it.”

PHOTOS: @krisbernal on Instagram

Balik ni Kris Bernal sa mga body-shamers niya: “My purpose is way bigger than anyone's opinion of me. And, I will never sacrifice who I am because someone else has a problem with it.”

Nabiktima na naman ng online bashing and body-shaming ang aktres na si Kris Bernal

 

Kasunod iyon ng pagpo-post n’ya last August 10, sa social media ng kanyang photo kung saan kita ang kanyang toned body. Tungkol sa mga stressors niya sa business ang laman ng caption at ayon sa kanya ay kini-convert niya ang stress into something positive. Pero deadma doon ang mga bashers at ang larawan niya ang pinuntirya ng mga ito.

 

Umani ng magkakasalungat ng comments at opinyon ang nasabing post. May nagsabing “Lola goals,” ang itura ni Kris, may nagpatutsadang “Nakakatakot ka na po,” may nasabi ring “laylay na” siya at may nagsa-suggest ding magpataba ito nang kaunti. May mga diretsahang din tumawag sa kanya ng “pangit,” “buto-buto,” “zombie,” “kalansay,” at iba. 

 

Pero to the rescue naman ang kanyang mga fans sa pagsalungat sa mga bashers at sinabing ‘wag diktahan ang aktres sa gusto nitong gawin sa katawan nito. Para sa iba, hot, at hindi mukang lola ang aktres. Body goal nga daw at sexy ito.

 

Marami ring fans ang naka-appreciate kay Kris dahil tanggap n’ya at ipinagmamalaki kung anong body type meron s’ya dahil nga sinabi rin niyang “beauty comes in all shapes and sizes.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

 

Isang tagapag-tanggol ni Kris ang umabot pa sa pag-i-screenshot ng mga negative comments about Kris para i-post ang mga iyo sa sarili niyang Facebook page, under the name of Laurence Sy.

 

Paliwanag ni Sy sa mga bashers sa kanyang post kahapon, August 12: “Hindi ko tatakpan pangalan niyo kasi deserve niyo rin naman mabash dahil sa mga ugali niyo. 

 

“Sa totoo lang i really hate body shaming. Isn't it too harsh? [C]alling her kalansay, buto and so whatever. You have no rights to do that. 

 

“Besides, there's nothing wrong on her picture but y'all know the real problem here is yung mga kagaya niyo. Shame on you guys!”

 

 

Hindi ko tatakpan pangalan niyo kasi deserve niyo rin naman mabash dahil sa mga ugali niyo. Sa totoo lang i really hate...

Posted by Laurence Sy on Wednesday, August 11, 2021

 

Paalala naman ng admin na may hawak sa Facebook page ni Kris, wala daw karapatan ang sinuman na manghamak ng ibang tao dahil lang sa kanilang katawan. 

 

“Ang daming bashers! Stop body shaming guys,” pahayag ng FB admin ni Kris sa comment section. 

 

“Haynaku!  Ako na naawa sa inyo. Ma payat man, fit, mataba or ano pa yan, you have no right to say negative to someone. We have our own lives to live. Manahimik nalang kung walang magandang masabi.”

 

SCREENSHOT: @KrisBernalOfficial on Facebook

 

Ikinalulungkot din daw ng admin na ilan sa mga nangba-body shame kay Kris ay mga kapwa-babae pa man din. 

 

“It's so sad to read negative comments from kapwa babae. Women should empower women. Sana lang hindi mangyayari sa inyo yan. God bless your soul, girls!” pagtatapos ng Admin.

 

SCREENSHOT: @KrisBernalOfficial on Facebook

 

Hindi ito ang unang beses na na-bash si Kris sa kanyang pagpi-fitness goal.

 

Noong August 11, sa kanyang Instagram at Facebook, ay muli niyang in-address ang mga pambabatikos.

 

“Yeah, right, whatever,” pahayag ni Kris sa post. 

 

“My purpose is way bigger than anyone's opinion of me,” pagpapatuloy ng ikakasal ng aktres. “And, I will never sacrifice who I am because someone else has a problem with it. 

 

“In a time when emotional and mental wellbeing are gravely impacted, I hope more people will normalize our bodies for keeping us alive (No matter what shape it's in!). 

 

Dagdag pa ni Kris: “Normalize shunning 'beauty standards' because there's none. We are all strong and beautiful just as we are.”

 

Ibinida din ng aktres ang kanyang worth as a person. 

 

“I work hard. I am responsible. I dress well to feel better. I put myself together every morning,” aniya.

 

“I manage my money. I pay my bills. I run my businesses finding out my greater purpose of providing jobs.

 

“I am educated and respectful. I have visions and plans for the future. Who doesn't value those, doesn't deserve me. 

 

“Love and light! Find your inner peace!!” pagtatapos ng StarStruck Season 4 alumna. 

 

 

Yeah, right, whatever. 🤷🏻‍♀️ My purpose is way bigger than anyone's opinion of me. ✨💪🏼 And, I will never sacrifice who...

Posted by Kris Bernal on Wednesday, August 11, 2021


 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

Ogie Diaz sa mga bashers ni Angel Locsin: “Kung ikamamatay n’yo na ganu’n ang size ni Angel, ipalilibing ko kayo...”

Aiko Melendez reacts to bashers body shaming her sexy photos; asks why “people can’t be happy when someone just achieved her goal”

Denise Laurel on people calling her fat: “I love you anyway.”

Angel Locsin trends on Twitter for photos of current figure; netizens express different views on body positivity

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.