Ine-embrace na raw ng aktres na si Kris Bernal ang mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong nagdadalang-tao s’ya sa Baby No. 1 nila ng mister n’yang si Perry Choi.
Ngayon umano n’ya napatunayan na hindi madali ang magbuntis at maging isa nanay.
Inilahad n’ya ito sa tsikahan nila ni Boy Abunda ngayong araw, March 21, programa nitong Fast Talk With Boy Abunda.
Ayon kay Kris, tuluyan na n’yang niyakap ang pagbabago sa kanyang katawan. Hindi na raw kasi s’ya makapag-workout nang todo unlike before.
“Actually, I’m embracing talaga the changes in my life, not just physically. Kasi ako talaga, fitness fanatic ako, e. I’m used to having a flat tummy…super exercise ako, muscled ako,” lahad ng aktres.
“Pero ngayon nai-embrace ko na ganito ’yong pagbabago sa katawan ko, ganito ’yong changes sa lifestyle ko. Kailangan nag-a-adjust na ako para sa baby,” saad pa n’ya.
Na-experience na rin daw n’ya ’yong sinasabing sakripisyo ng isang ina hindi pa man n’ya tuluyang ipinanganganak ang kanyang baby.
“At saka ano pala, ’yong sacrifices ng isang ina nagsisimula nasa t’yan ka pa lang. Kasi talagang hirap na hirap ako, Tito Boy,” sumbong ng soon-to-be mommy.
“Talagang nu’ng first trimester ko bed rest ako then meron akong mga infection, ganyan. Pero titiisin mo talaga, e,” pagpapatuloy n’ya.
“Iinom ka ng gamot on time. Kakainin mo ’tong mga ito. Talagang simula pa lang nandu’n na ’yong sakripisyo mo.”
Napansin na rin umano ng aktres na nagbago na ang mindset n’ya dahil mas inuuna na daw n’ya ngayon ang magiging future ng baby nila ni Perry.
“Ang isip ko nasa future na ng bata. ’Yong, alam ko magastos ako, alam ng asawa ko ’yan, alam ng lahat magastos ako. Pero ngayon, ang iniisip ko na ’yong future ng baby. Nagugulat ako sa sarili ko kasi hindi naman ako ganito. Hahaha!” natatawang pag-amin n’ya.
Kahit na mahirap ay ini-enjoy naman daw ni Kris ang journey n’yang ito to motherhood.
“Looking forward din po ako sa experience, sa lessons, at saka dito sa lahat bago sa akin. Gusto ko matutunan lahat. Willing ako natutunan lahat with the baby,” pahayag n’ya.
Makakaasa naman daw ang mga fans na magkakaroon sila gender reveal party sa mga susunod na buwan kapag nalaman na nila ang gender ng kanilang paparating na baby.
Hindi naman n’ya napigilan na maging emosyonal nang matanong s’ya ni Tito Boy kung ano ang mensahe n’ya sa baby na nasa kanyang sinapupunan.
“I’ll try my best to become the best mom that you can ever have,” naiiyak na lahad ng aktres.
“Sana maging proud ka sa akin kasi ang hirap pala maging ina. Ang daming sacrifices.”
Wala pa daw talaga sa plano nila ng husband n’ya ang magkaroon ng anak pero masaya daw sila sa bagong chapter na ito ng kanilang buhay.
Magsusumikap din daw si Kris na maging best mom para sa kanyang anak.
“At saka sa totoo lang, hindi namin s’ya masyadong [plinano]. Kumbaga, surprise din s’ya sa akin kasi gusto ko pa magtrabaho,” pagtatapat n’ya.
“Pero sana maging proud sa akin ang anak ko and sana ma-appreciate n’ya ang sacrifices ng isang ina.
“Ako, talagang gagawin ko ang best ko para mapatunayan ko na I can be a best mom,” pagtatapos n’ya.
Matatandaang ibinalita ni Kris sa social media last March 3 na magiging parents na sila ni Perry after more than a year of being married.
YOU MAY ALSO LIKE:
Kris Bernal announces pregnancy after victorious first trimester
Kris Bernal, willing iwanan ang showbiz basta manalo muna ng best actress award
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber