Kristoffer Martin at ex-girlfriend na si AC Banzon, nagkabangayan sa Twitter

PHOTOS: @kristoffermartin_ & @acbanzooon on Instagram

PHOTOS: @kristoffermartin_ & @acbanzooon on Instagram

Nagkabangayan sa Twitter sina Kristoffer Martin at ang non-showbiz ex-girlfriend n’yang si AC Banzon, who also happens to be the mother of his first born.

Ngayong araw kasi, February 20, sunod-sunod na nag-tweet ang aktor na bagama’t walang binabanggit na pangalan ay tila patama n’ya ito sa kanyang dating nobya. 

Tila na-trigger si Kristoffer sa ginawang pagpapa-interview ni AC.

“Di lahat maaamo mo. Di lahat kakampi sayo. Kasi alam nila yung totoo,” unang pahayag ni Kristoffer sa Twitter.

“Isasahin mo sacrifices ko before versus sa mga merch mo. Mygahd,” sey naman n’ya sa kasunod n’yang tweet.

“Sana binanggit mo kung pano ako naubos. Hindi yung ‘gatas lang’ yung ginawa ko. Sana lang,” pagpapatuloy pa n’ya.

Nag-ugat ang lahat sa ginawang pag-amin ni Kristoffer noong January 21 sa pagkakaroon n’ya ng four-year-old daughter sa dating n’yang kasintahan na si AC. 

Sinabi rin n’ya na hiwalay na sila ng mommy ng anak n’ya dahil, “Things didn’t work out, e. We talked about this and nag-usap talaga. I won’t go into details kasi hindi naman na dapat sabihin.”

Sa panig naman ni AC, pinili daw n’yang magsalita sa entertainment website na Philippine Entertainment Portal para depensahan ang kanyang sarili. Pagkatapos daw kasi na lumabas ang report tungkol sa anak nila ni Kristoffer ay marami s’yang natanggap na komento tungkol sa kanyang pagkatao kaya umano sila naghiwalay ng aktor. 

Ikinuwento din n’ya na pitong taon sila naging magkasintahan hanggang sa nag-break sila nito lang December 19, isang araw matapos makabalik si Kristoffer mula sa kanyang isang buwang lock-in taping.

Ikinagulat daw n’ya ang pakikipaghiwalay sa kanya ng aktor dahil bago daw ito sumabak sa lock-in taping ay okey pa sila. 

Pagdedetalye pa n’ya, unang dahilan daw ng Kapuso actor ay “pagod na” s’ya sa kanilang relasyon pero kalaunan sa kanyang pag-uusisa ay umamin itong may third party na involve. 

Nabanggit din ni AC na sa ngayon ay mag-isa n’yang itinataguyod ang anak nila. Noong nakararaang buwan naman daw huling dumalaw si Tuntun [nickname ni Kristoffer] sa kanilang anak at nagbigay lang umano ng gatas.

Ito na marahil ang binabanggit ng aktor na gatas sa kanyang naging tweet. 

May isang tweet din si Kristoffer na sinagot ni AC at sinabing, “Isa isahin ko kaya kalokohan mo hahahahaha"

SCREENSHOT: @acbanzooon on Twitter

Naghamon naman ang aktor sa kanyang naging reply at sinabing, “Go. Dahil gusto mo ko sirain sa trabahong bumuhay satin before. Sa trabahong nagdala satin kung saan saan. GO.”

SCREENSHOT: @flinsTUNS on Twitter

“Ikaw ang sumira sa’yo. Your actions. Not me," tugon pa ni AC.

SCREENSHOT: @acbanzooon on Twitter

Habang “Noted,” naman ang isinagot dito ni Kristoffer.

Burado na ang mga sagutan tweets nila nila sa ngayon.

However, nagpahabol ng dalawa pang tweets ang aktor. 

“You know what I did. You know why I left. Enough,” aniya.

“‘Empty cans make the loudest noise’ - D” pahayag naman n’ya sa isa pa n’yang tweet. 

Hati naman ang opinyon ng mga fans sa nangyaring sagutan ng dating magkasintahan.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Former Pinoy Big Brother housemates Andre Brouillette and Lou Yanong break up

Pops Fernandez sa pag-uugnay sa kanya kay Derek Ramsay: "Hindi po totoo....We don't talk to each other. We don't really text each other."

Gladys Guevarra, kinausap ang sarili after ng devastating break up: “... kahit saan tayo umabot, walang ibang magmamahal sa’yo ng tunay na tunay kundi ako din.”

Pika's Pick: Daniel Matsunaga confirms break up with Polish model girlfriend Karolina Pisarek

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.