Diretsahang inamin ni Kristoffer Martin na magkasintahan na sila ng Kapuso actress na si Liezel Lopez at handa s’yang ipaglaban ang pagmamahal n’ya para dito.
Ito ang inilahad ng aktor nang ma-hot seat s’ya sa comedy show na The Boobay and Tekla Show (TBATS) na ipinalabas noong April 4.
Sa show ay natanong si Kristoffer ng mga personal questions na may kinalaman sa kanyang love life at game naman n’yang sinagot ang mga ‘yon.
Isa na nga doon ay kung may mga iniyakan ba s’ya noon pagkatapos ng break up. Iba daw kasi kapag lalaki na ang umiyak sa isang relasyon, ayon kay Boobay.
“Bakit? Hindi ba kayo lalaki dati?” pagbibirong tanong ni Kristoffer sa hosts na sina Boobay at Tekla. “Lahat umiiyak. Mas nai-streotype kasi ang lalaki na ‘di [umiiyak]. Mas iyakin ang lalaki. Mas grabe lang kami mag-keep [ng emosyon] pero once na lumabas…”
Natanong din ang 26-year-old GMA Network star kung ano ba ang kanyang ideal girlfriend.
“‘Yong tanggap ka,” simpleng lahad n’ya sa show. “Iba rin kasi ‘yong sinusuportahan ka sa lahat ng bagay.”
Inalam din ni Boobay kung minsan ba sa buhay ni Kristoffer ay nagkamali na ito ng taong minahal.
Sagot ng aktor, hindi naman daw n’ya mamahalin ang isang tao kung sa umpisa pa lang ay alam n’yang mali na ito.
“Sa akin, hindi kasi in the first place hindi mo naman mamahalin ‘yong tao kung alam mong mali s’ya, e. Kung may makita ka mang mali makikita mo pa rin ‘yong tama sa tao na ‘yon,” paliwanag ni Kristoffer.
At sa puntong ito na naitanong sa kanya kung may relasyon nga ba sila ng co-star n’ya sa afternoon drama na Babawiin Ko Ang Lahat na si Liezel Lopez.
“Magkasama tayo sa Bora[cay], ‘di ba? So ano ‘yong nakita mo?” natatawang kambyo ng aktor sa tanong ni Boobay.
“‘Wag mo ako dinadamay. Baka tawagan ako [ng management] sa taas,” pagbibirong tugon naman sa kanya ng komedyante.
“Magkatabi pa tayo sa Bora,” natatawang pagpapatuloy pa ni Kristoffer. “Tatlo tayo doon… Yes.”
Matapos ang kanyang pag-amin ay natanong pa s’ya kung handa ba s’yang ipaglaban ang pagmamahal n’ya sa nobyang aktres.
“Yes,” diretsahan n’yang sagot. “‘Yon ‘yong ginagawa ko ngayon, namin ngayon. Lumalaban kami.”
Matatandaan kasi na naging kontrobersyal si Kristoffer dahil sa mga ginawa n’yang pag-amin nitong mga nakaraang buwan.
Maliban kasi sa pagkakaroon n’ya ng anak, si Prè, ay hiwalay na daw sila pero in good terms ng nanay nito na si AC Banzon.
Kinontra naman ni AC ang mga inilahad noon ni Kristoffer sa kanyang naging media interview at umabot pa sa puntong nagkabangayan sila sa Twitter.
Marami ang nag-akusa kay Kristoffer na isa s’yang cheater dahil, ayon sa kwento ni AC, nakipag-break daw ang aktor pagkagaling nito ng lock-in taping. Umamin din daw ito sa kanya na may involve na third party.
Kaya naman naitanong din sa aktor sa show kung ano ang masasabi n’ya sa kanyang mga basher at sa paratang ng mga ito sa kanya.
“Lahat naman entitled sa kanya-kanyang opinyon, e,” kalmadong pahayag ni Kristoffer. “Natapos ko naman kung anong dapat tapusin. We are moving forward naman. Naayos na.”
Nahingan din s’ya ng mensahe para sa kanyang four-year-old daughter na si Prè.
“Hi Pre. Lagi ko ‘tong sinasabi sa’yo. Daddy misses you everyday,” sey ni Kristoffer.
“Magulo lang ngayon. Alam mo namang mahal na mahal kita. Kahit gan’to man ang sitwasyon, always know na kasama mo pa rin ako sa buhay.
“Hinding hindi kita papabayaan. Mahal na mahal ka ni daddy,” pagtatapos ng aktor na hindi napigilang maging emosyonal.
YOU MAY ALSO LIKE:
Ryza Cenon shares stunning maternity shoot with partner Miguel Cruz
Jhong Hilario, girlfriend Maia Azores expecting first child
Leandro Muñoz is one supportive father to trans son Frankie
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber