Engaged na ang Kapuso actress at isa sa stars ng magsisimulang Dragon Lady (pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez) na si Joyce Ching sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon.
No’ng Thursday, February 28, sa kanyang personal at verified Instagram (IG) account ay nag-post si Joyce ng blurred photo nilang dalawa ng kanyang boyfriend pero prominent naman sa frame ang kanyang engagement ring.
“So, this happened three days ago,” at tinapos ito ng aktres ng ring at pink hearts emoji.
Magkakasama naman kami nina Kristoffer—along with Kyline Alcantara, Bulacan Board Member Alex Castro (na ikakasal bukas, March 2 kay Sunshine Garcia) at Jeric Gonzales- no’ng gabi ng Thursday sa 10th anniversary celebration ng St. Anne’s Power Academy- Marilao, Inc. (SAPAMI)—at nahingan namin ng reaksiyon ang Kapuso hunk tungkol sa engagement ng kanyang ex-girlfriend for three years.
“Masaya ako for her at sa magiging future husband niya,” tipid na pahayag ni Kristoffer.
Naging magkasintahan sina Kristoffer at Joyce nu’ng panahon ng Tween Hearts” at winakasan nila ang kanilang relasyon no’ng 2013.
Pagpasok naman ng 2014, muling nagsama sa isang GMA project ang dalawa pero wala nang balikang naganap sa kanila.
Nagtapos ang reunion project nina Joyce at Kristoffer na Paraiso Ko’y Ikaw no’ng March 28 that same year at dahil single si Joyce that time, nakapag-concentrate naman ang una sa kanyang pag-aaral sa Meridian International College of Business & Arts, Inc at nitong 2018, nag-graduate siya ng kursong Bachelor of Arts in Films.
Last quarter naman ng 2017, nakilala ni Joyce si Kevin and after almost two years, naganap ang wedding proposal nang huli.
“I just wish them the best at ipinapanalangin kong maging successful ang kanilang married life,” sambit ni Kristoffer bago sumampa sa entablado para kumanta.
Pagbalik sa holding area, ibinalita rin ni Kristoffer na may special participation sila nina Bea Binene at Derrick Monasterio sa Dragon Lady at mapapanood daw sila sa pilot week ng serye.