Naging madamdamin ang pag-amin ng aktor na si Kristoffer Martin tungkol sa pagiging ganap niyang ama sa four-year-old daughter na si Precious Christine (Prè for short).
Ibinahagi ito ng 26-year-old Kapuso actor sa online interview sa kanya ni Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, January 21.
Pagsisiwalat ni Tuntun (nickname ni Kristoffer), alam daw ng mga kaibigan n’ya sa showbiz ang tungkol sa bagay na ito. Katunayan, ninong at ninang pa daw sa binyag ni Prè ang mga kasabayan n’ya sa industriya na sina Alden Richards at Bea Binene na mga co-stars n’ya sa teen romance series na Tween Hearts (2010).
“My friends know,” aniya. “Maraming nakakaalam. Ninong pa nga si Alden. Ninang si Bea, si Rodjun, si Thea, marami pa, as in marami pang nakaalam. Tapos yo’ng iba na hindi nakakaalam, nagtatanong kasi nga may haka-haka. Sinasabi ko talaga.”
Natanong din si Kristoffer kung bakit n’ya ito inilihim sa publiko gayong marami pala sa mga showbiz friends n’ya ang nakakaalam na ng tungkol kay Prè.
“Hindi naman kasi ako malabas ng personal, e,” paliwanag ng aktor kay Nelson. “If you’re going to search du’n sa mga account ko talaga sobrang konti lang makikita mo sa personal life ko. That’s me. Alam ko kasi i-balance yo’ng work ko sa personal life, e. Sabi ko nga, I want to give Prè yo’ng privacy na deserve niya.”
K’wento pa n’ya, ito daw ang unang pagkakataon na nawalay s’ya sa kanyang anak. Nasa poder kasi ito ngayon ng kanyang non-showbiz mother.
“Si Prè, nasa mommy n’ya. Ako kasi nasa Olongapo. Nasa ano siya sa pangangalaga siya ng mommy n’ya ngayon.”
At nang matanong ang Kapuso actor kung okey ba sila ng mommy ng anak n’ya, bahagyang napaisip si Tun bago sumagot.
“A, pa’no ba? Things didn’t work out, e. We talked about this and nag-usap talaga. I won’t go into details kasi hindi naman na dapat sabihin,” sabi n’ya.
Pangako naman n’ya, magiging responsabling ama daw s’ya kay Prè.
“Hinding-hindi ko pababayaan si Prè,” pahayag ni Kristoffer. “Hindi n’ya mararamdaman na nawalan s’ya ng tatay, na wala ako doon. Sabi nga, kahit anong mangyari anak ko si Prè. So good thing, meron kaming ganu’ng usap.”
Dagdag pag-amin pa n’ya, matagal na daw n’yang gustong isapubliko ang tungkol sa kanyang anak at proud s’ya sa sarili na nagawa n’ya ito ngayon.
“Sobrang tagal ko ng gustong ilabas [ang tungkol kay Prè]. As in, sobra. Sabi ko, ‘Lord, pahingi lang ng sign.
"Proud ako na nagawa ko ‘to kasi she deserves this. She really deserves this.”
At naiyak pa ang celebrity dad nang ipahayag n’ya kung gaano n’ya kamahal at kung gaano n’ya nami-miss ang anak.
“I love Prè, I love my daughter. I really love my daughter,” paglalahad n’ya habang umiiyak. “I miss here everyday. Every time I call her, I tell her, ‘Daddy misses you everyday and daddy loves you so much.”
Sa kanyang Instagram, kagabi rin, ipinakita ni Kristoffer sa kanyang mga followers ang kanyang anak by posting her photo.
“Hi everyone. Meet my daughter, Prè,” ani Tun sa caption ng kanyang IG post.
Masaya namang tinanggap ng kanyang mga showbiz friends ang kanyang daughter sa kani-kanilang mga naging comments.
YOU MAY ALSO LIKE:
Ryza Cenon shares stunning maternity shoot with partner Miguel Cruz
Jhong Hilario, girlfriend Maia Azores expecting first child
Leandro Muñoz is one supportive father to trans son Frankie
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber