Kumpara dati, Mikael Daez, open na sa idea na mag-baby na sila ni Megan Young; “Maybe one of these days. Baka magulat na lang tayong lahat.”

Excited si Mikael Daez na mapanood ng fans ang bago n’yang show na The Best Ka! lalo na’t ang asawa n’yang si Megan Young ang kanyang buena-manong guest co-host sa first episode na mapapanood na sa Linggo, February 20, 3:50 p.m. sa GMA Network.

PHOTOS: @mikaeldaez on Instagram

Excited si Mikael Daez na mapanood ng fans ang bago n’yang show na The Best Ka! lalo na’t ang asawa n’yang si Megan Young ang kanyang buena-manong guest co-host sa first episode na mapapanood na sa Linggo, February 20, 3:50 p.m. sa GMA Network.

Tila nag-iba ng tono ang actor-TV host na si Mikael Daez nang matanong tungkol sa future baby nila ng misis n’yang si Megan Young.

Kung dati kasi ay sinasabi nilang wala pa sa plano nila ang pagkakaroon ng anak, iba ang naisagot ng Kapuso star nang matanong s’ya tungkol dito ng entertainment press sa virtual media conference kahapon, February 15, para sa upcoming TV show n’ya na The Best Ka!

“I’m not sure nga, e. Feeling ko parang biglaan na lang ’yon, e,” sagot ni Mikael tungkol sa magiging baby nila ni Megan. 

Dati sinasabi ko, wala, hindi, not yet. Pero now…maybe. Maybe one of these days. Baka magulat na lang tayong lahat. Don’t worry. Pati ako magugulat, promise. Hahaha!”

Mukhang may aabangan ang fans sa sagot na ito ni Mikael na enjoy na enjoy ngayon at niyakap na ang buhay-probinsya nilang mag-asawa sa Subic in Olongapo City, Zambales. 

Pagbabahagi pa ng aktor, maluwag daw doon kaya nakakagalaw sila nang maayos. Aniya pa, kaya naman daw nilang mag-uwian sa Subic kapag may work sila sa Manila. 

“Number one, I’m in love with Subic. In love na in love ako sa lugar na ’yon. And two, now that we spent siguro a total of a couple of months already in Subic. Ang sarap ng buhay doon, e. Maluwag, maaliwalas, there’s so much you can do. Madaming coffee shops na rin doon,” masayang paglalarawan ng Kapuso hunk. 

“And nakita namin na kayang-kaya pala mag-back and forth. Kunwari, kailangan namin umuwi ng Manila in the morning, at night I can drive back home. Tapos salitan kami ni Bonez [term of endearment n’ya kay Megan]. Ako ’yong nagda-drive for one hour, s’ya nagda-drive sa another hour. Masaya s’ya and doable pala s’ya

Ngayon kampante kami na, ‘Okay, Subic really is our home,’” pagtitiyak n’ya. “Alam mo naman kami ni Bonez...byahe here, byahe there, byahe everywhere. I’d like to call Subic our main home pero it will take some time. Marami pa ring kailangang gawin sa bahay. Luma ’yong bahay, e. So unti-unti.

Willing nga daw s’ya na doon na i-tape ang mga episodes ng bago n’yang show para hindi na n’ya kailangan pang lumuwas pa-Manila. 

The Best Ka!, if you would like to move our regular production to Subic or Olongapo area… we could also move up north. Madaming magagandang probinsya d’yan. I am willing to do that. FYI lang. Hahaha!” natatawang panawagan n’ya sa production team.

Anyway, ang The Best Ka! ang first-ever full show ni Mikael kung saan magkakaroon s’ya ng iba’t ibang guest co-hosts. Kung dati kasi ay panay hosting sa isang segment ang ginagawa n’ya, this time ay s’ya mismo ang main host. 

Kaya naman natanong dito si Mikael kung may pressure ba on his part bilang s’ya na mismo ang magiging mukha at magdadala sa show. 

May pressure naman lagi pero ang mas importante ay maibigay mo lahat at mag-enjoy ka. ’Yong dalawang bagay na ’yon,” sagot n’ya. 

Ibigay mo lahat. Prepare well. Read your script. If you have objective, understand the objective pero at the same time enjoy-in mo pag nandu’n ka na. Once you have those two things the rest will play out,” pagpapatuloy n’ya. 

Kasi hindi natin alam, minsan you give your best and then ’yong expectations mo hindi s’ya nami-meet,’ di ba? Pero one thing you can control is to give it your all and you should be happy with the blessings that follow after that,” pagtatapos n’ya. 

Excited si Mikael na mapanood ng fans ang bago n’yang comedy-infotainment show na The Best Ka! lalo na’t ang asawa n’yang si Megan ang kanyang guest co-host sa first episode na mapapanood na sa Linggo, February 20, 3:50 p.m. sa GMA Network.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.