Kumpronta ni Barbie Forteza kay Jak Roberto: “Ikaw ba ‘yung tipo ng boyfriend na conservative sa [suot ng] girlfriend?”

SCREENSHOT: Jak Roberto on YouTube

SCREENSHOT: Jak Roberto on YouTube

Tinanong ng aktres na si Barbie Forteza ang boyfriend n’yang si Jak Roberto kung ito ba ang tipo ng lalaki na conservative pag dating sa pananamit ng kanyang girlfriend.

Nagkaroon kasi nang maikli pero masayang diskusyon ang magkasintahan sa vlog entry ng Kapuso actor na in-upload sa YouTube last March 20. 

Sa nasabing vlog, lumabas ang magdyowa para sa kanilang post-Valentine date kung saan sa simula ay ipinakita pang medyo nahirapan si Barbie sa pagsakay sa upgraded pick-up truck ni Jak.

Para sa Kapuso Primetime Princess, ang suot n’ya daw na mini-skirt ang dahilan kaya medyo challenging para sa kanya ang pag-akyat sa sasakyan ng nobyo. 

Siguro kasi naka-skirt ako kaya aware ako sa gap,” ani Barbie. “Kumbaga, parang naka-skirt ako, pag-umakyat ako, makikitaan na ako. Ganu’ng level.”

Dito na napasok sa usapan nila ang tungkol sa pananamit ng aktres. 

Bakit ka kasi pala-skirt?” tanong ni Jak kay Barbie. “Nu’ng Valentine’s natin…

“I’m a lady,” putol ni Barbie sa sinasabi ng nobyo. 

Kaya naman napa-comment na lang ang aktor at sinabing, “Napaka-revealing, e.”

At sa parteng ito na naging “confrontational” ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday lead star.

Ikaw ba ‘yong tipo ng boyfriend na conservative sa girlfriend? ‘Yong parang gusto n’ya parang papunta na sa winter lagi ‘yong suot ng babae?” kompronta n’ya kay Jak. 

Tugon naman ng binata sa kanya, “Hindi naman ganu’n ka-OA.Yong mga simpleng pants lang naman at tsaka simple shirt. Magaganda naman na kayo. Hindi n’yo na kailangang mag-reveal pa ng skin. Ang sa amin kasi mas simple, mas maganda.

Pero imbes na maputol ang usapan ay muli na namang nagtanong si Barbie na tila taliwas sa isinagot ni Jak sa kanya. 

E, bakit hindi naman ganu’n ‘yong mga sinu-zoom in mo sa Instagram?” tanong ni Barbie sa boyfriend. 

Natatawa pero halatang yamot na ibinalik ni Jak ang tanong kay Barbie at sinabing, “Kailan ako nag-zoom in-zoom in sa Instagram?”

At nagkatawanan silang dalawa.

After few seconds ay muling na-hot seat si Jak habang nagmamaneho dahil muling nag-usisa ang dalagang aktres.

May tanong ako sa’yo,” sey pa ni Barbie. “Bakit kapag girlfriend mo na ayaw mo magsuot nang revealing clothes pero kapag nag-i-Instagram ka talagang aliw na aliw ka du’n sa mga sobrang naka-fit ng leggings tapos naka-sports bra na nagyo-yoga?

Sabihin na natin, kapag may nakabihis nang revealing, sasabihin ‘chicks’ pero kapag girlfriend mo ayaw mo pagbihisin nang revealing?” magkasunod n’yang tanong sa nobyo.

E di ganu’n ka na din. Magsuot ka na din nang ganu’n,” sagot ni Jak na halatang gusto nang putulin ang kanilang diskusyon.  

Naku. Tinatapos n’ya na lang ‘yong usapan. Mahaba pa ang araw,” paalala ni Barbie.

Kaya nga, e. Gusto mo bang ibaba na kita? Iikot na kita?” kalmado namang hamon ni Jak sa kanya. 

Sumbong ng aktres sa viewers, “Ganyan. Ganyan s’ya [si Jak].”

Talaga ba? Kailan mo naman nakita na nag-zoom ako ng mga naka-leggings tsaka naka[sports bra]?” napangising tanong ni Jak sa nobya. “Pinapakita ko nga sa’yo. ‘Tingnan mo, mahal, o. ‘Wag mong gagayahin ‘yan.’ ‘Yon sinasabi ko.

Hindi na ito sinagot pa ni Barbie at muling nagsumbong sa viewers, “Alam n’yo, kunwari nagpi-picture ako ng suot ko tapos sini-send ko sa kanya… Kahit simpleng rehearsal [clothes] lang ‘to ng All-Out Sundays tapos naka-leggings ako, naka-sando lang, sasabihin n’ya, ‘Oh, hindi ka naman nagsusuot nang ganyan.’

Ayaw n’ya nang nagsusuot ako nang masyadong fit kasi nakikita ‘yong totoong hubog ng katawan...” 

Na…?” tanong ni Jak na halatang naghihintay nang karugtong na sagot. 

Pang-caterpillar,” natatawang biro ni Barbie sa sarili. 

Alon-alon,” pag-aalaska naman ni Jak sa kanya. 

Hindi ito nagustuhan ni Barbie kaya isang hampas ang ipinatikim n’ya sa braso ni Jak. Napa-aray naman ang aktor.

“Happy?” kastigo pa ni Barbie sa nobyo.

“Happy,” mapagpakumbabang tugon naman ni Jak sa kanya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Pag-momotorsiklo ni Jak, di approve kay Barbie  

LOOK: Jak Roberto and Barbie Forteza's sweet photos in Japan

Barbie, saludo sa tapang ni Mika 

Pika’s Pick: Look who got their silver button plaques? Congrats, Miss Regine and Jak!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.