Kuya Kim Atienza at mga Pinoy Netizens, dinipensahan si Kakai Bautista sa “demand letter” issue ng kampo ni Thai actor Mario Maurer

PHOTOS: @kim.atienza.37 on Facebook & @ilovekaye on Instagram; INSET: @mario_mm38 on Instagram

PHOTOS: @kim.atienza.37 on Facebook & @ilovekaye on Instagram; INSET: @mario_mm38 on Instagram

Nagpahayag ng supporta ang TV host na si Kuya Kim Atienza kay comedienne-singer Kakai Bautista matapos umugong ang balitang nakatanggap ito ng demand letter mula sa kampo ng Thai actor na si Mario Maurer

Sa nasabing letter ng Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd.- ang management company na may humahawak sa career ni Mario - na ipinadala sa manager ni Kakai na si Freddie Bautista, “unauthorized” daw ang pagbanggit at pag-uugnay ng Pinay actress sa sarili nito sa kanilang talent.

Nakasaad din doon na kapag hindi daw nag-comply si Kakai ay mapipilitan ang kampo ng Thai heartthrob na magsampa ng kaso laban sa kanya. 

Maraming Pinoy ang nagpahayag ng pagkadismaya sa isyu at ipinagtanggol ang talented Pinay comedienne. Kabilang na nga doon ang TV host na si Kuya Kim. 

“In other news, Hayaan mo @kakaibautista you deserve to be linked to someone more deserving of you and your talent. Kainis,” pahaya ng It’s Showtime co-host sa Twitter.

Isa namang netizen ang sumisigaw ng diskriminasyon sa Twitter dahil sa ginawa ng kampo ni Mario kay Kakai. 

“[W]ere they really concerned about Kakai's unauthorized use of Mario's name in statements, or they couldn't like the fact na si Kakai ang gumamit? [K]asi, kung si Liza 'yan, baka mag-inintiate pa sila ng collaboration, eh,” sey ng Twitter user.  

“[W]ouldn't take this as anything else, it's discrimination,” dagdag pa n’ya.

(Ang tinutukoy ng netizen ay ang aktres na si Liza Soberano.)

Hanash naman ng isang fan, hindi na daw kasalanan ni Kakai kung nawawalan ng project si Mario dahil ilang taon na ang lumipas nang mangyari ang sinasabing linkage n’ya kay Kakai. Unfair daw kung sa Pinay actress pa ‘yon isisisi ng management ni Mario. Kung meron man daw dapat sisihin ay ang managers ng aktor dahil ito ang mga incompetent sa trabaho nila.

“It's not Kakai's fault why Mario hasn't been receiving tons of projects recently,” aniya. “Suddenly Its Magic has been now years and blaming Kakai in replacement to his agency's incompetence isn't fair. It's just there are new breed of Thai actors who got more attention than him ATM.”

Nadismaya din ang isang Pinoy fan ni Mario pero mas papanigan daw n’ya si Kakai sa isyu na ito. 

“I'm not disappointed with Mario Maurer but to its management. I agree with you to some extent but is it necessary to be like this? I ain't sorry for I stand Kakai rather than Mario. He's been always a great actor but I wont let Filipina like Kakai suffer from this. Godbless!”

Matatandaan na naging close sina Kakai at Mario nang magkasama sila sa movie na Suddenly It’s Magic kung saan bumida ang Thai actor with Erich Gonzales as his on-screen partner. 

Sa naging interview ni Kakai sa Tonight With Boy Abunda, sinabi n’yang naging close sila noon ni Mario at na-fall s’ya sa “realness” nito pero never silang nagkaroon ng relasyon.

Heto ang ilan pang pagtatanggol ng Netizens kay Kakai:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kakai Bautista, nagbigay-inspirasyon ngayong magkakabahay na: "Walang deadline ang pangarap!"

Dasal ni Kakai Bautista matapos magka-COVID-19: "Lord, hindi pa ako p'wede mamatay. Mababawasan ang maganda sa mundo."

Kakai Bautista happily roams the grandeur of London

Maymay Entrata effortlessly sings with Kakai Bautista

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.