Kuya Kim Atienza, itinuturing na sign ang biglaang pagkikita nila ni Alden Richards para ituloy ang palipat sa GMA Network

PHOTOS: @kuyakim_atienza & @aldenrichards02 on Instagram

PHOTOS: @kuyakim_atienza & @aldenrichards02 on Instagram

Nagsilbi raw sign para sa Kapamilya-turned-Kapuso TV host na si Kuya Kim Atienza ang aktor na si Alden Richards para tanggapin ang offer ng GMA-7 to switch network. 

Ikinuwento ito ni Kuya Kim sa virtual media conference n’ya kahapon, October 5, bilang bagong Kapuso. 

Pinag-iisipan daw n’ya nang malalim noon ang alok ni Nessa Valdellon, ang First Vice President of GMA Public Affairs at humihiling s’ya ng signs mula sa D’yos para malaking desisyong gagawin n’ya kung sakali. Seventeen years din kasi s’yang namalagi sa ABS-CBN at hindi madali for him na iwanan ito.

“May message from VP Nessa Valdellon. When I got that message, sabi ko, ‘Oops, naku, the opportunity is open. Merong opportunity na puwede sa GMA-7,’” pagbabalik-tanaw ni Kuya Kim.

At nangyari daw ang sign na hinihingi n’ya nang mapadpad s’ya sa isang coffee shop sa Pasig City.

“Tamang-tama, meron akong tambayan dito sa Pasig. Ang pangalan n’ya Caferista Cafe. Ano ’yan, e…tambayan ng mga nagmo-motor,” lahad ni Kuya Kim sa press. 

Kasama n’ya daw noon ang mga kaibigan n’ya na hinihingian n’ya ng payo kung tatanggapin ba n’ya ang offer mula sa Kapuso network.

“Nandu’n ako. Kasama ko ang motor ko. Nagka-kape kami sa gilid ng motor ko,” pagpapatuloy niya.
“I have a friend who’s a commercial director and one friend who used to be one officer of marketing in ABS-CBN. Since they are both marketing people, tinanong ko sila. ‘Would it be wise to move networks at this point? It’s been a year and a half already since the network [ABS-CBN] closed. Give me advice.’”

At doon na raw nagpakita ang senyales na hinihintay n’ya. 

“When they were giving me advice I told them, ‘You know, I am praying for sign from God, e.’ God has spoken to me very clearly when it comes to signs, e. Habang sinasabi ko ’yon at habang nagkukuwentuhan kami sa mga advice nila, someone called my name,” pagre-recall pa rin ni Kuya Kim. 

“May gym kasi sa ibabaw ’yong tinatambayan ko, e. ‘Kuya Kim! Kuya Kim!’ Lumapit, naka-gym clothes. Pag lapit, naka-face mask. Hindi ko makilala kung sino. And then nu’ng malapit na s’ya, tinanggal n’ya ’yong face mask n’ya. Si Alden.”

Dahil doon, sinabihan daw s’ya ng mga kausap n’ya na ’yon na ang sign na hinihiling n’ya mula sa D’yos. 

“Ang sabi nu’ng dalawang kausap ko…napatahimik sila. Sabi nila, ‘Kim, parang sign ata ’yon,’” aniya.

“Sabi ko, ‘Oo nga, no?’ Pinag-uusapan natin ang GMA-7, ang paglipat, biglang one of the biggest stars ng GMA-7 comes in, calls my name.”

Never daw kasi n’yang nakita doon si Alden kahit minsan kaya kakatwang pangyayari ’yon para sa kanya. 

“Hindi naman pumupunta doon si Alden kahit kailan, e. Bihirang-bihira. Never ko s’yang nakita doon [before]. Bigla na lang nandu’n si Alden. Pumasok sa kotse n’ya. Nagpaalam. Pinakilala ko [s’ya] doon sa dalawang kausap ko. That was one of the signs actually, e,” pagtatapos ni Kuya Kim. 

Ngayong nasa GMA Network na s’ya, mapapanood si Kuya Kim sa sarili n’yang segment sa 24 Oras

Magkakaroon din s’ya ng bagong show na Dapat Alam Mo with Emil Sumangil and Patricia Tumulak na mapapanood naman sa GTV soon.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.