K’wento ng personal encounter with God, ibinahagi ni Diego Loyzaga

‘I know talaga it’s the higher power controlling ’yong mga nangyayari. Sobrang galing talaga. Amazing ’yong power at ’yong kaya Niyang gawin.”—Diego Loyzaga on his personal encounter with God

Photos: Anna Pingol

‘I know talaga it’s the higher power controlling ’yong mga nangyayari. Sobrang galing talaga. Amazing ’yong power at ’yong kaya Niyang gawin.”—Diego Loyzaga on his personal encounter with God

Hindi na nag-detalye pa si Diego Loyzaga tungkol kung ano ang mga naganap noong tailend of 2018 at buong taon ng 2019.

He just described those bygone times as him being on a “hot spot.”

Pero in those times din daw siya nagkaroon ng maituturing niyang direct encounter and connection with God.

Matatandaang noong 2018 ay pansamantala niyang iniwan ang showbiz. Ang balita-balita noon ay na-depress ang aktor sa mga ganap sa buhay niya.

But after a two-year hiatus, nasilayang muli ang kakisigan ni Diego. Upon signing up with Viva in August 2020, tila ibang Diego ang nag-resurface sa publiko.

Mas matikas at maaliwas ang aura at friendly ang demeanor. Wala pa si Barbie Imperial sa buhay niya ng mga panahong ito kaya’t masasabing walang outside factor na nag-contribute sa kanyang sunshiny disposition. It’s all coming from within, kumbaga.

Sa recent physical press conference ng TV series nila ni Cristine Reyes na Encounter, isa sa naitanong kina Diego at Cristine ang tungkol sa maituturing nilang personal encounter nga with God.

At dito na nga slight na nagkwento si Diego tungkol sa kanyang pinagdaanan.

“There was a time back in...it wasn’t just one specific time pero siguro the whole course of 2018—late 2018 until late 2019—the entire year, I was in a hot spot...there were certain things I was praying for— night after night. Gabi-gabi talaga,” very emphatic na lahad niya.

“And I was just saying, ‘God talagang if you just give me or show me how I can make it there. Give me this opportunity para makarating ako doon, para maging okey, para maging clear ’yong kailangan kong gawin.’”

He didn’t elaborate kung ano ang “doon” na tinutukoy niya. Pero aniya, marami daw ibinigay na signs ang Diyos sa kanya that time kaya marahil siya nakaramdam ng peace within.

“And every day He gave me some way or sign na, ‘Darating ka doon.’ It wasn’t just one night, e, it wasn’t just one night.

“It’s how many nights of me doing the same routine, these same prayers...and he would give me signs talaga in the weirdest ways... whether I’d be somebody I would see na would say something to me na parang may double meaning na parang this is God’s way of telling me na parang I’m supposed to do this or parang I shouldn’t go here or do that.”

Nang dumating na raw ang kaliwanagan, he attributed everything to this higher power that brought him to his present vibrant state.

“And until it all made sense and it brought me back to where I am today and I have no one else to thank but Him talaga.

“Kahit kung pa’no ko pa tingnan, parang sobrang perfect naman kung sabihin kong coincidence [ang] lahat nang nangyari. I know it’s a higher power, I know it was God.”

Humingi siya ng paumanhin sa hindi pagbibigay ng detalye. Ang mahalaga raw ay eto na siya ngayon at muling hinaharap ang buhay with a positive attitude. At dahil doon, magaan din ang pasok ng grasya kay Diego dahil after ng Encounter at ng Vivamax movie niyang Death of a Girlfriend ay may isang malaking project na naman siyang pinaghahandaan. In fact, ang project na ito ang dahilan ng new look niyang semi-kal [bo].

“I wish I can be more specific about what those things were. But I leave it muna at that,” pasubali ni Diego. “But I know talaga it’s the higher power controlling ’yong mga nangyayari. Sobrang galing talaga. Amazing ’yong power at ’yong kaya Niyang gawin.”

Samantala, ang press conference para sa Encounter ay para i-anunsyo na ipapalabas na rin ito sa Vivamax starting July 23; habang patuloy pa ring mapapanood ang mga natitirang leading-to-finale episodes nito sa TV5 at 9PM every Saturdays.

In this Pinoy adaptation of a hit Korean drama, Diego plays Gino Hilario, isang simple guy with a simple background na mai-in love sa isang may- kayang former actress, played by Cristine Reyes (as Selene Cristobal) na unhappy sa kanyang married life. 

Kung may chance ba ang kanilang love story ang siyang main plot ng kwento. And sa mga sumusubaybay at sa mga gustong makahabol, you now have two ways to view it. Either on TV5 o kaya naman ay sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store and App Store. For only P29, you can unli-watch all Vivamax titles for three days. You can also subscribe for P149/month and P399 for 3 months for bigger savings.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ai-Ai delas Alas, nagngingitngit sa “pagpatay” sa kanya ng isang YouTuber

Max Collins neither confirms nor denies marital discord with Pancho Magno

Sheree, matapang na ibinuyangyang ang kanyang “African jungle” sa sexy-drama movie’ng Nerisa

Cristine Reyes, nanghihinayang pa rin na hindi personal na natanggap ang first international acting award last year

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.