Kyle Echarri, aminadong nagkaka-bwisitan sila minsan ni Seth Fedelin

PHOTO: @thegoldsquad_official on Instagram

PHOTO: @thegoldsquad_official on Instagram

Ikinuwento ng singer-actor na si Kyle Echarri kung paano nila inaayos ang mga conflicts at tampuhan nila ng mga co-members n’ya sa Gold Squad na sina Francine Diaz, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes

(Nabuo ang Gold Squad nang magkasama-sama ang apat sa top-rated Kapamilya afternoon drama na Kadenang Ginto na nagsimulang umere noong October 2018 at tumagal hanggang February 2020. Dito rin nabuo ang love teams na KyCine nina Kyle and Francine, at SethDrea nina Seth at Andrea.)

Natanong kasi ang young actor tungkol dito kamakailan sa digital media conference for his second full-length album entitled “New Views” kung saan s’ya mismo ang nagsulat at nag-produce ng seven original tracks. 

Aniya, hindi naman daw mawawala ang away at tampuhan sa isang grupo na katulad ng sa kanila pero inaayos daw kaagad nila ‘yon.

S’yempre, mga bata pa lang kami nagsimula, imposible namang hindi kami magkaroon ng kaunting away [o] tampuhan sa isa’t isa,” lahad n’ya sa entertainment press via Zoom. 

Pero lagi naman naming inaayos. Kasi at the end of the day, we’re the Gold Squad,” pagpapatuloy ni Kyle. “We need to make sure there’s no tampuhan because we’re gonna be working together for a long time. Pag may mga ganu’n dapat diretsuhan na, e.

S’ya nga daw ang tumatayong peacemaker sa kanila para hindi na daw lumala pa ang mga tampuhan. 

Minsan I see two people under Gold Squad fighting. Hindi ako kasama du’n. Sinasabi ko talaga sa kanila na, ‘Ayusin n’yo na ‘yan,’” pagre-recall ng Kapamilya artist. “Kasi hindi naman matatapos ‘yon kung hindi mo aayusin agad.

Dagdag pa ng Filipino-American singer-actor, “I’m a very straightforward person. Ako ‘yong tipong kung may problema sa akin ang isang tao lalapitan ko kagaad.

Na-curious naman si Edward Barber na s’yang naging host sa press conference at tinanong si Kyle kung nagkaroon na ba sila ng pagtatalo ng kapwa n'ya lalaki sa Gold Squad na si Seth. 

“Many times, many times,” natatawang sagot ni Kyle. “Mga buwisit na moment, e. Sometimes I felt Seth is a very lazy person. Kasi pag dating sa lock-in [taping], pag late s’ya, late din ako. Kasi late [s’ya].”

And as usual, hindi din naman daw ‘yon tumalagal.

“I mean, hindi naman ako perpekto. Minsan late ako, maaga s’ya. There are times like that. Pero sinasabihan naman namin ang isa’t isa. We don’t make the fight go on too long,” lahad pa n’ya.

Hindi rin daw sila nagpapaapekto sa mga isyu na nabibigyang kulay na nami-misinterpret ng kanilang mga fans. Ang mahalaga daw sa kanila ay ang tibay ng kanilang pagkaka-ibigan. 

Alam naman n’ya [Seth] kung may problema sa fans, e. Alam ko din. So whenever there’s problem with the fans we make sure that nasa kanila [fans] ‘yon," lahad pa n'ya.

“Basta hindi magbabago ‘yong relationship namin sa isa’t isa. Hindi lang kami ni Seth, also with Blythe [nickname ni Andrea] and Francine,” pagtatapos ni Kyle. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Seth Fedelin, umaming in love kay Andrea Brillantes sa IG Live!

Pika's Pick: The Gold Squad is set to have their first big-screen film together!

Pika's Pick: Zephanie Dimaranan teases collaboration with Kyle Echarri and Jason Dy

WATCH: Kyle Echarri, kinilig nang i-recall ang surprise ball proposal niya kay Francine Diaz!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.