Kyle Echarri, naranasan na raw "hindi seryosohin;" babaeng sasabihan ng "I'm serious" sa music video, ayaw pang i-reveal. (Si Francine Diaz kaya?)

Sanay at di na raw masyadong na-aapektuhan ng mga bashing si Kyle Echarri pero aminado siyang napapagod siya sa paulit-ulit na tema. At yon ay ang pagiging chickboy niya diumano. Kaya idinaan nalang niya sa pagsulat ng kanta at nabuo niya tuloy ang RnB na “I’m Serious.”

Photos: @kyleecharri

Sanay at di na raw masyadong na-aapektuhan ng mga bashing si Kyle Echarri pero aminado siyang napapagod siya sa paulit-ulit na tema. At yon ay ang pagiging chickboy niya diumano. Kaya idinaan nalang niya sa pagsulat ng kanta at nabuo niya tuloy ang RnB na “I’m Serious.”

Five months palang na-lockdown sa Talisay, Cebu ang guwapong The Voice Kids (2015) alumnus na si Kyle Echarri. In fact, ang first five months ng quarantine ay ginugol niya doon kasama ang pamilya. Ito ang isa sa mga nai-tsika ni Kyle sa ginanap na Zoom conference kaninang hapon para sa launch ng latest single niyang “I’m Serious” under Star Music.

Ang Cebuana Philstar entertainment editor na si Vanessa Balbuena ang nakasalang sa Q&A kaya natural na ring napag-usapan ang Cebu.

Wala naman daw na-Covid sa pamilya at mga ka-anak niya, kahit pa naging hot spot ng Covid and Cebu, at ipinagpapasalamat daw nang wagas ni Kyle ang bagay na ’yon.

Thankful din si Kyle na nagsilbing “reset” daw ng pamilya niya ang lockdown kaya’t nakapag-spend sila ng quality time. At dahil daw dito, kaya lalong lumabas ang kanyang creative juices.

Bukod kasi sa ang sipag niyang mag-update ng kanyang YouTube Channel, nakapag-compose din ng mga bagong songs si Kyle including ang nilo-launch na “I’m Serious” na aminado siyang ka-tunog ng “Intentions” ng idol—at pinagkukumparahan sa kanya—na si Justin Bieber.

“I want to go for the Justin Bieber vibe for this song,” tsika ni Kyle.

Ani Kyle, nabuo daw niya ang kanta noong mga panahong umaani siya ng katakut-takot na bashing kahit pa naka-quaratine. Madalas daw siyang masabihang chickboy at para isahang sagot nalang, sumulat siya ng kanta para sabihing “I’m serious” at loyal sa sinumang may-ari o magma-may-ari ng puso niya. 

Nauna na raw niya itong naipaliwagan sa kanyang YouTube channel kung saan niya unang ipinarinig ang kanta.

“Sinulat ko ’to para do’n sa mga taong tumatawag sa akin na chickboy at that time coz there’s so much people bashing me at that time,” paliwanag ni Kyle, this time, to MJ Felipe ng ABS-CBN News.

Imbes daw na ma-down, he turned his energy nalang to create something positive out of something negative.

Ani Kyle, friendly daw kasi siya by nature at name-misinterpret daw kadalasan ’yon ng ibang mga fans.

“I am a friendly person and I have a lot of friends na babae...kapag nakikita po nilang may kasama akong babae, bina-bash po nila ’yong babae tapos sasabihin nila na magka-dyowa po kami kahit magkaibigan lang...there’s a lot of assumptions, there’s a lot of different rumors made about me, how I am...”

Sanay at di na raw siya masyadong naaapektuhan ng bashing pero aminado siyang napapagod siya sa paulit-ulit na tema. Kaya idinaan nalang niya sa pagsulat ng kanta.

In effect, ang gusto niyang iparating na mensahe ay: hindi siya chickboy at kung compliment daw sa ibang lalaki ang masabihan noon, sa kanya ay hindi.

“Chickboy is not a compliment ’coz it means you’re a player,” dagdag-paliwanag ni Kyle. “I don’t think it’s good to be a player...’yong iba kasi ang feeling nila ang g’wapo-g’wapo nila pag tinatawag silang chickboy...para sa akin, ’yong mga tao pong gano’n,  they’re more insecure about themselves that’s why whenever they’re called chickboy, they feel good about themselves

“It’s not right to be a player. Dapat stick to one po tayo lahat.”

Dahil din sa kanyang friendly demeanor, kaya madalas din daw makaranas si Kyle na hindi sya sineseryoso ng mga tao.

“A lot of people don’t see me as the most serious person,” natatawang pag-amin ni Kyle. “Before quarantine, a lot of people didn’t see as the most serious person because I was always the life of the party at times. Or I was always the one that was making jokes...

“So, may mga ilang beses po na nangyari ’yon pero never naman naging seryoso ’yung usapan na nagagalit ako na sinasabi ko na, ‘I’m serious!’”

So far ay lyric video palang ang natapos gawin ni Kyle para sa “I’m Serious” single niya pero nilalatag na raw ang plano para sa music video nito. Inaayos lang nila ang mga needs para makasunod sa safety protocols ng ABS-CBN.

But definitely daw ay meron. However, ayaw pang i-reveal ni Kyle at ng mga Star Music execs kung sino ang babaeng sasabihan ni Kyle ng “I’m Serious” sa video. Pero maraming umaasa na sana ay ang ka-Gold Squad loveteam niyang si Francine Diaz ang mapanood nila.

“Abangan n’yo po. Abangan n’yo po,” nakangiting hikayat ni Kyle.

Bukod sa “I’m Serious,” nakatakdang makipag-collab si Kyle sa kaibigan at kasing-talented din niyang si Darren Espanto. And possibly also soon, with Moira dela Torre naman.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kahit sweet at nagho-holding hands, Francine Diaz, sinabing bestfriends lang sila ni Kyle Echarri

Pika's Pick: Zephanie Dimaranan teases collaboration with Kyle Echarri and Jason Dy

Pika's Pick: The Gold Squad is set to have their first big-screen film together!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.