Kylie, may nanay ulit

PHOTO: Anna Pingol & @kylienicolepadilla

PHOTO: Anna Pingol & @kylienicolepadilla

Marami ang nagulat nang dumating sa ABS-CBN Ball ang Asintado star na si Aljur Abrenica na akay ang partner niya sa buhay na si Kylie Padilla na kasalukuyan pa ring contract star ng GMA-7, na dati ring home station ni Aljur. Matatandaang nangibang-bakod si Aljur sa ABS-CBN in July last year.

 

Pero agad namang nagpaliwanag si Aljur na ipinagpa-alam naman nilang dalawa nang maayos sa mga GMA executives ang ginawa nilang ito at ang tanging naging kondisyon lamang daw ng mga taga-GMA ay hindi maaaring magpa-interview si Kylie sa media habang nasa  loob sila ng event na iyon.

 

Kaya naman nang sinubukan ng pikapika.ph na matanong si Kylie ng ilang detalye tungkol sa pag-uwi ng ina nitong si Liezl Sicangco mula Australia para dalawin siya at ang first born niyang si Alas ay tila piping sumenyas sa amin si Kylie na agad namang sinalo ni Aljur.

 

“Pasensya na po at hindi talaga siya p’wedeng magsalita,” agap ni Aljur habang pinipisil-pisil ang kamay ni Kylie. “Ako muna po ang spokesperson niya ngayon…Opo, nandito po ngayon si Mommy [Liezl] niya at napakiusapan naming ni Kylie na kung p’wede magbigay siya ng panahon sa amin

kasi matagal na taon niyang hindi nakasama si Kylie at ’yong apo niya—kasi one year old na no’ng nakasama niya.”

 

[Baby Alas turned one last August 4.]

 

August 30 nang unang isa-publiko ni Kylie ang pagdating ng ina niya sa pamamagitan ng pag-post niya ng mga larawan nito kasama siya at ang anak niyang si Alas, na unang apo ni Liezl sa kanya. Dito na rin inabutan ng birthday niya si Liezl noong September 23.

 

Sa IG post na ito ni Kylie noong August 30, ay very touching niyang sinabi na: “I don’t take for granted how lucky I am to still have my mom with me. Seeing her with Alas is like feeling safe. In her hands I know he will be alright and that’s all I could ever want. Ang next mission ko, dapat magpaturo akong magluto sa kanya dahil napaka sarap mag luto ng nanay ko. Walang biro. Para ready na talaga for another milestone in my adult life. Lol. Love you ma 🥀 thank you for today.”

 

Sa kasalukuyan daw ay sa bahay ni Aljur sa Quezon City nanunuluyan ng mommy ni Kylie, isang bagay na ikinasasayang mabuti ni Kylie.

 

Dugtong ni Aljur: “Very grateful kami…nagpapasalamat kami na ginagabayan niya kami, pinagluluto niya kami... Nabigyan pa kami ng oras ni Kylie—tulad ngayon— kasi may mapagkakatiwalan kami na mapag-iiwanan kay Alas sandali.”

 

Kung silang mag-partner daw ang tatanungin ay nais sana nilang mas magtagal pa sa Pilipinas ang mommy ni Kylie pero baka daw early next year ay magbalik na ito sa Australia, kung saan may sarili na rin itong pamilya.

 

Kylie’s parents, Robin Padilla and Liezl, were divorced in 2007 and both have remarried yet nananatili silang good friends. Samantala, sina Aljur at Kylie naman—na seven years nang magkasintahan—ay inaasahang magpapakasal na anytime soon.

 

“Konting-tiis nalang po,” pabiting sabi ni Aljur. “Malapit na po.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.