Kylie Padilla assures people concerned about her that she’s okay; “Masaya ako and I will protect my happiness.”

Taong 2018 nang magpakasal sina Aljur at Kylie. February this year naman nang pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa na pinatotohanan naman ng father ni Kylie na si Robin Padilla sa interview nito with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz last July.

Taong 2018 nang magpakasal sina Aljur at Kylie. February this year naman nang pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa na pinatotohanan naman ng father ni Kylie na si Robin Padilla sa interview nito with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz last July.

Taong 2018 nang magpakasal sina Aljur at Kylie. February this year naman nang pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa na pinatotohanan naman ng father ni Kylie na si Robin Padilla sa interview nito with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz last July.

Tiniyak ni Kylie Padilla sa kanyang mga supporters na sa kabila ng mga maiingay na isyu kaugnay sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica, na nasa maayos s’yang kalagayan. 

Marahil ay dinagsa ng messages ng fans ang aktres matapos mag-viral sa social media ang hamon ng kanyang estranged husband na si Aljur nitong October 19. 

Sa Facebook post kasi idinaan ni Aljur ang tirada sa kanya at hamon na aminin sa lahat kung sino sa kanilang dalawa ang una umanong nagloko kaya nasira ang kanilang marriage. Tila pinalalabas doon ng aktor na naunang nangaliwa si Kylie na s’yang dapat daw n’yang aminin para hindi siya ang tumatanggap ng lahat ng puna at pamba-bash ng netizens. 

Isang simpleng quote card  na naglalaman ng mga katagang: “Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes” ang tila naging responde ni Kylie sa kanyang Instagram Story sa post na ito ni Aljur.

Na sinundan ng isang “#passdivorcebill” tweet.

Nakadagdag din sa ingay ng issue ang pagshi-share ni AJ Raval, ang bagong nililigawan ni Aljur, ng “cheating accusation” post ng aktor na kaagad din naman nitong binura. Sa paliwanag ni AJ, she only wanted to protect herself mula sa mga binabato sa kanyang masasakit na paratang gaya ng kabit at homewrecker. 

READ AJ Raval, nag-sorry kay Kylie Padilla; nagdesisyong mag-social media detox muna

Nagsalita din ang ina ni AJ na si Alyssa Alvarez pabor kay Aljur na isiniwalat daw ang puno’t dulo ng separation nila ng aktres. Tinawag pa n’ya itong "anak" ang aktor at pinasalamatan dahil sa ginawa daw nito ay parang sinabi nito sa publiko na hindi ang anak n’yang si AJ ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Kylie. 

READ Mommy Alyssa ni AJ Raval, tinawag na “anak” si Aljur Abrenica; nagpasalamat sa pagtatanggol nito sa daughter niya

Kumalat din sa social media ang FB post ng pinsan diumano ni Kylie na si Princess Paulino na nagsasabing Kylie “never cheated” at si Aljur daw talaga ang totoong nangaliwa sa kanila nang ilang ulit. 

READ Pinsan umano ni Kylie Padilla, may resbak kay Aljur Abrenica; nilinaw na marami pa umanong nauna kay AJ Raval sa buhay ni Aljur

At noong October 20, sa radio and online show na Cristy Ferminute naging subject ng usapan ng mga hosts na sina Cristy Fermin at Romel Chika ang umano’y pakikipag-usap nang madalas ni Kylie sa isang hindi pinangalanang indibidwal noon habang nagsasama pa sila ni Aljur. 

Quoting a source sinabi din ni Manay Cristy ba pinagugutuman din daw ng aktres noon ang kanyang mister dahil hindi naman daw ito ang gumagastos sa bahay nila dati, ayon pa rin daw sa source. 

Hindi naman ito pinalagpas ni Kylie kaya binuweltahan n’ya ang veteran showbiz news writer and online-show host in her now-deleted FB and Twitter posts. 

Tanong siya sa deleted post, ano daw ba ang napapala ng beteranang showbiz writer sa paninira sa kanya?

READ Tanong ni Kylie Padilla kay Cristy Fermin: “Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP.”

At dahil lumaki at nagsanga-sanga na ang isyu, dinadagsa na marahil si Kylie ng messages of support from her fans, na kanya namang in-address sa kanyang Facebook post ngayong araw, October 22.

Aniya, wala na daw s’yang mahihiling sa ngayon dahil masaya na s’ya sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay. 

“I have all I could ever want already,” aniya sa post kalakip ang larawan na kasama ang mga anak na si Alas at Axl.”

“Para sa lahat ng nag aalala sakin. I’m really ok. Masaya ako and I will protect my happiness. No matter what,” patuloy ng Kapuso actress and mother of Aljur’s two sons.

Nakuha pa n’yang i-promote ang lesbian-themed digital series nila ni Andrea Torres na Betcin.

“Oh and those watching BETCIN on VIP, EP 4 comes out later. One of my fav episodes in the series. See you sa IFLIX and @wetvphilippines,” pagtatapos ni Kylie. 

 

I have all I could ever want already. Para sa lahat ng nag aalala sakin. I’m really ok 🙏🏻 Masaya ako and I will protect...

Posted by Kylie Padilla on Thursday, October 21, 2021

Taong 2018 nang magpakasal sina Aljur at Kylie. February this year naman nang pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa na pinatotohanan naman ng father ni Kylie na si Robin Padilla sa interview nito with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz last July. 

Sa interview, sinabi ni Robin na third party daw ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.