Inamin ni Kylie Padilla na gusto sana n’yang makausap si AJ Raval, ang bagong nililigawan ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica, para naiwasan daw sana ang gulong nangyari sa kanila online.
Sinabi n’ya ito sa interview n’ya with Jessica Soho sa magazine show nitong Kapuso Mo, Jessica Soho o KMJS, kagabi, October 24.
Doon kasi ay nagpaunlak ng panayam ang aktres for the first time para ilahad ang kanyang side mula ng pumutok ang hamon sa kanya ni Aljur last October 19 kung saan pinaaamin s'ya nito sa publiko kung sino ang unang nag-cheat at sumira sa kanilang relasyon.
That deleted Facebook post ni Aljur ay ishinare din ng nililigawan nitong si AJ na kalaunan ay binura din matapos ulanin ng batikos. Maging ang Mommy Alyssa ni AJ ay ishinare din 'yon sa kanyang FB page at later on ay idinelete din.
Kaya naman natanong ni Jessica kung ano ang naging reaction ni Kylie tungkol sa pagshi-share na ito ni AJ ng FB post ni Aljur kung saan may akusasyon sa kanya ng pangangaliwa.
Sagot ni Kylie, gusto n’ya nga daw sanang makausap si AJ dahil alam n’ya ang pinagdadanan nito ngayon dahil napagdaanan n’ya daw ’yon noon.
“I actually wanted to talk to her kasi napagdaanan ko rin ’yan. Bina-bash ako dahil nililigawan ako,” sagot ni Kylie.
“And I wanted to talk to her, help her out on how to handle it para maiwasan lang ’yong nangyari ngayon.”
Pero wala daw naman umano s’yang natanggap na pagre-reach out mula sa kampo ni AJ.
“But my help was not being asked so I’m not gonna give it na lang,” sey pa ni Kylie.
Pagpapatuloy n’ya, naiintindihan daw n’ya ang pinagdadanaan nina Aljur at AJ ngayon mula ng ma-sight sila ng publiko na magkasamang nagsha-shopping.
“I totally understand kung doon sila nanggagaling kasi s’yempre siya ’yong bagong nililigawan…naba-bash na sila,” aniya.
“I’ve been on that side and I know how scary and confusing and sobrang nakakasira siya ng mental health, ’di ba?”
Pero sana daw ay naging maingat ang dalawa sa mga ikinilos nila kahit na napag-usapan na daw nila noon ni Aljur na p’wede silang makipag-date kung kanino nila gusto.
“But I wish na iningatan na lang nila. They can’t blame me for that too ’cause we had an agreement that we can both see other people.
“I wish you guys are more careful. Don’t blame it [bashing] on me,” pagtatapos ni Kylie.
Nauna nang humingi ng tawad si AJ kay Kylie at sa mga nasaktan n’ya dahil sa ginawa niyang pagshi-share ng FB post ni Aljur.
Sa inilabas n’yang TikTok video noong October 20, sinabi n’yang nadala lang s’ya ng emosyon kaya n’ya nai-share ’yon.
She said she only wanted to protect herself and her family mula sa mga masasakit na paratang sa kanya ng publiko.
Nag-decide na rin si AJ na mag-social media detox na muna for her mental health at babalik na lang umano s’ya sa online world next year.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber