Kylie Padilla, humihiling na irespeto ang desisyon nilang maghiwalay ni Aljur Abrenica

PHOTOS: @kylienicolepadilla & @ajabrenica on Instagram

PHOTOS: @kylienicolepadilla & @ajabrenica on Instagram

Binasag na ng aktres na si Kylie Padilla ang kanyang pananahimik tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ng mister n’yang si Aljur Abrenica.

Kasunod ito ng pagkukumpirma ng daddy n’yang si Robin Padilla sa interview nito sa vlog ng talent manager and comedian na si Ogie Diaz na hiwalay na nga sila ni Aljur at third party umano ang dahilan. 

Sa kanyang inilabas na statement sa GMA News kagabi, July 8, sinabi ni Kylie na dumaan sa pagsubok ang kanilang pamilya at nasa yugto na sila ngayon ng healing at pagmo-move on. 

“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal. We forget the kids and people that are involved. In the past months, our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on,” pahayag ng aktres sa kanyang statement na ini-report sa 24 Oras

Sa ngayon ay respeto ang hiling ni Kylie para sa kanyang pamilya at para sa kampo na rin ni Aljur na tatay ng kanyang mga anak. 

“All we need right now is respect—first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and to our families from both sides who have guided us along the way,” lahad pa n’ya.

Pinagsisikapan din daw nina Kylie at Aljur na magkaroon nang maayos na co-parenting relationship para sa kanilang mga supling. 

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake,” saad ng Encantadia actress. “We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.

“Thank you for your love and support,” pagtatapos ni Kylie.

Noong December 2018 nang magpakasal ang dating celebrity couple. February this year naman nang pumutok ang isyu na nagkalabuan ang kanilang relasyon.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Robin Padilla, kinumpirmang hiwalay na ang anak na si Kylie at si Aljur Abrenica at third party ang dahilan; “Sabi ko, ‘Lalaki ’yang asawa mo. Pasalamat ka nga at lalaki.”

Aljur Abrenica, umaming nagka-problema sila ng asawang si Kylie Padilla

Aljur Abrenica, kasama si Kylie Padilla at dalawa nilang anak sa kanyang 31st birthday celebration

Aljur Abrenica, napa-“Oh, men!” kay Shaina Magdayao; Kylie Padilla, di naitago ang selos

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.