Kylie Padilla, inamin sa dating ka-loveteam na si Ruru Madrid na “takot na takot” siya nang mabuntis siya sa kalagitnaan ng Encantadia noon

Nag-reunite onscreen ang dating magka-loveteam na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla. It’s for an episode of the Regal Studio Presents, na ipinalabas sa GMA Network noong January 2.  	Matapos noon ay kapwa na sila busy sa kani-kaniyang projects. Bibida sa upcoming pantaseryeng Lolong si Ruru kung saan makakatambal n’ya sina Shaira Diaz at Arra San Agustin; habang gaganap naman bilang billiard genius si Kylie para sa upcoming project n’ya na Bolera kung saan makaka-tandem n’yang muli si Rayver Cruz.

PHOTOS: @kylienicolepadilla, @rurumadrid8 & gmaencantadia on Instagram

Nag-reunite onscreen ang dating magka-loveteam na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla. It’s for an episode of the Regal Studio Presents, na ipinalabas sa GMA Network noong January 2. Matapos noon ay kapwa na sila busy sa kani-kaniyang projects. Bibida sa upcoming pantaseryeng Lolong si Ruru kung saan makakatambal n’ya sina Shaira Diaz at Arra San Agustin; habang gaganap naman bilang billiard genius si Kylie para sa upcoming project n’ya na Bolera kung saan makaka-tandem n’yang muli si Rayver Cruz.

Napa-throwback ang aktres na si Kylie Padilla sa kanyang pinagdaanan nang malamang buntis s’ya noong panahong kainitan ng pag-ere ng fantaseryeng Encantadia.

Naganap ito nang mag-guest s’ya sa vlog ng dati n’yang ka-love team sa nasabing serye na si Ruru Madrid na in-upload naman kahapon, January 20, on YouTube. 

Five years na rin kasi ang lumipas mula ng magtambal sila sa Encantadia bilang sina Amihan at Ybrahim. Although nagtambal silang muli sa The Cure noong 2018 at TODA One I love the following year.

At dahil nag-reunite onscreen ang dalawa for an episode of the Regal Studio Presents, na ipinalabas sa GMA Network noong January 2, sinamantala na raw ni Ruru ang pagkakataon na mai-guest si Kylie sa kanyang vlog para mapagbigyan ang request ng mga KyRu fans. 

Doon ay napag-usapan ng dalawa na malayo na rin ang narating nila mula ng magsama sila sa Encantadia. 

Nag-grow tayo as individuals na sobrang laki, sobrang lawak,” sabi ni Ruru kay Kylie. 

Lalo ka na,” sagot naman ni Kylie sa aktor.

Natatawang tanong tuloy ni Ruru, “Bakit? Sinasabi mo na isip-bata ako dati?

Hindi naman,” sey ng aktres. “Malaki lang talaga ’yong growth mo bilang isang tao. Even sa trabaho natin last time, mas makulit na ako. Hahaha!”

Sinang-ayunan naman ito ng Kapuso leading man. Mas open at bungisngis na kasi ang aktres ngayon kung ikukumpara n’ya sa nakilala n’yang Kylie noon. 
 
Totoo. Dati, guys, kung hindi n’yo matatanong, si Kylie nu’ng panahon ng Encantadia hindi ’yan nakikipag-usap,” pagbabalik-tanaw ni Ruru.

Kunwari may mga eksena kami, sweet-sweet-an, and minsan kissing scene. After nu’n, gusto ko pa sanang makipagkulitan sa kanya pero…pupunta ng kotse.

Sa puntong ito na inamin ni Kylie na mas pinili n’ya lagi ang mapag-isa noon dahil nga nagdadalang-tao na s’ya kay Alas na panganay nila ng estranged husband n’yang si Aljur Abrenica

Aalis na ako kasi nasusuka na ako nu’n. Buntis na ako nu’n, e,” pag-amin n’ya kay Ruru.

Totoo?” balik na tanong naman ng aktor. 

Oo nga. Kaya nu’ng bandang huli na, three months… Hindi, two months… Nagtataka na lahat bakit hindi na ako lumalabas ng kotse kasi nga buntis na ako,” lahad pa ni Kylie sa vlog. 

Komento naman ni Ruru sa mga inilahad n’ya, “’Yon  na ’yon? Kaya hindi ka na talaga nakikipag-usap.

Paliwanag n’ya, natakot daw kasi s’ya noon dahil nangyari ang kanyang pagbubuntis kung kelan maganda ang takbo ng kanyang showbiz career. 

S’yempre, takot na takot ako nu’n. Gets mo ’yong [pakiramdam] ko? Ang ganda ng show ko. Ang ganda na ng character. Tapos biglang buntis. Hahaha! Ang dami kong iniisip nu’n,” pagre-recall pa n’ya.

Ramdam naman daw ni Ruru na may kakaiba talaga kay Kylie nu’ng mga panahong ’yon kahit hindi pa nito ipinapaalam ang kanyang kondisyon.  

Kahit hindi pa nago-open up sa akin alam ko na there’s something between us na koneksyon na parang kahit hindi mo na sabihin. I guess, ’yon din ang naging advantage natin sa ibang love teams kasi this is unexpected, e,” pahayag ng aktor. 

Pag-amin pa ni Kylie, sinadya rin daw n’ya na umiwas kay Ruru noon dahil ayaw daw n’yang may magselos. 

Inaamin ko naman na mali talaga ’yon kung paano ako before. Ano lang siguro… I don’t know. Hahaha! Ito kasi… Bawal. What!? Pero hindi, ’yon lang kailangan ko lang dumistansya,” aniya. 

Saad naman ni Ruru, “Totoo naman. Alam mo naiintindihan ko nu’ng mga panahon na ’yon. Nu’ng magkatrabaho tayo sa Encantadia parang ang daming restrictions sa ating dalawa. 

Kahit sobrang effective natin as Ybrahim and Amihan, sobrang effective natin sa TV pero off cam I am not saying na hindi tayo nag-uusap pero merong wall,” pagtatapos ni Ruru. 

Sa ngayon, busy sa kani-kaniyang projects ang dating magka-love team. 

Bibida sa upcoming pantaseryeng Lolong si Ruru kung saan makakatambal n’ya sina Shaira Diaz at Arra San Agustin; habang gaganap naman bilang billiard genius si Kylie para sa upcoming project n’ya na Bolera kung saan makaka-tandem n’yang muli si Rayver Cruz.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.