Kylie Padilla, inaming ini-stalk pa rin sa social media si Aljur Abrenica

Isa sa tatlong mahahalagang payo ni Robin Padilla sa anak na si Kylie ay ang huwag ilayo ang kanilang dalawang anak sa ama na alam naman daw niyang hindi gagawin ng anak niya. “Kailangang may father image, [despite] kung anuman ang pinagdadaanan n’yong dalawa o anuman ang arrangement n’yo,” ani Robin.

PHOTOS: @kylienicolepadilla & @ajabrenica on Instagram

Isa sa tatlong mahahalagang payo ni Robin Padilla sa anak na si Kylie ay ang huwag ilayo ang kanilang dalawang anak sa ama na alam naman daw niyang hindi gagawin ng anak niya. “Kailangang may father image, [despite] kung anuman ang pinagdadaanan n’yong dalawa o anuman ang arrangement n’yo,” ani Robin.

Napaamin ang aktres na si Kylie Padilla na sa kabila ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica ay patuloy pa rin daw s’yang nakamasid sa social media nito. 

Ito ang sinabi n’ya sa “heart-to-heart” na vlog nila ng ama n’yang si Robin Padilla entitled “The conversation I Never Had With my Papa” na in-upload last November 27 sa YouTube. 

Nagkumustahan kasi ang mag-tatay at isa nga sa mga naitanong ni Robin sa anak ay ang estado ng relasyon nito sa kanyang estranged husband na si Aljur. 

Okey na kayo [ni Aljur]?” tanong ni Binoe kay Kylie. 

Sagot naman ng Kapuso actress, “Okey na kami. Thank God.”

At dahil hindi kumbensido, hamon ng aktor sa kanyang anak, “Sige, nga. Tinitingnan kita sa mata, e. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin, e.

Okey na po talaga, Pa. I promise,” natatawang sagot ni Kylie. “Ayoko na  lang mag...basta ang importante okey kami sa mga bata.”

Masakit pa?” sundot pa ni Robin. 

At dito na nagsimulang maging emosyonal si Kylie.  

“To be honest, Pa, ang mahirap lang talaga du’n sa nangyari sa amin is ’yong never ko nang mae-enjoy ’yong pinapanood ko silang naglalaro. ’Yun lang. Kasi alam kong dumating na talaga ’yong time na hindi na s’ya [relasyon] nagwo-work,” paliwanag n’ya sa ama. 

“But bilang nanay…Oh my God! Hahaha! ’Yon lang kasi favorite ko ’yon, e. Favorite ko ’yong pinapanood ko ’yong mga anak ko at tatay nila na magkasama. 

’Yon lang talaga ’yong isang bagay na… Nagtatanong ako. ‘Tama ba ’to o hindi?’ Pero kung titingnan ko as a whole mas maganda ’yong nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic.”

Pag-amin pa n’ya, “Mahapdi sa aking puso na hindi ko na ’yon makikita, mae-enjoy in that way na buo kami. Mas happy na ako ngayon, realistically. Kasi after ng mga nangyari hindi na ako makakabalik doon, e.

Saan?” tanong pa ni Robin. 

Doon sa kung paano ako before. Masyado na’ng maraming nangyari,” tugon naman sa kanya ni Kylie. 

Ako naman ata ngayon ang malulungkot. So, wala na talagang pag-asa?” pag-uusisa pa ng aktor sa kanyang anak. 

“It is best for what it is now. Tinitingnan ko rin kung in the future maging friends kami talaga. Ngayon kasi, after ng nangyari… We’re friends pero there’s a distance. Dumidistansya na ako kasi s’yempre nagulat ako,” lahad pa ng Encantadia actress. 

(Ang tinutukoy ni Kylie ay ang pagiging sirkus nang hiwalayan nila sa social media matapos maugnay si Aljur sa aktres na si AJ Raval. Ito ang pinag-ugatan ng kung anu-anong akusasyon ng netizens laban kay Aljur. At sa pagtatanggol nito sa sarili ay nauwi naman sa pagpapasaring sa estranged wife. Sa ngayon ay tila humupa na ang init. Ayon nga kay Kylie ay hindi man sila friends pa at civil lang, at least hindi na sila toxic).

Pero nga, bilang nanay ng mga anak ko I have to be civil. I try to be the better person, mas mature na tao. Naging klaro lang kung nasaan ’yong priorities n’ya. So, it made it more clear to me. Pero bilang nanay din ng mga anak ko, Pa, masakit sa akin ’yon. Hindi ko na nga mae-experience ’yon sa kanila.

At dito na n’ya inamin na magpa-hanggang ngayon ay sumisilip pa rin s’ya sa social media accounts ni Aljur para makita ang mga photos na pinu-post nito na kuha tuwing nakaka-bonding nito ang anak nilang sina Alas at Axl. 

Naghihiraman kasi sila sa kanilang mga anak bilang parte ng kanilang co-parenting agreement.

Kaya I have no shame in saying sino-stalk ko pa rin [s'ya sa social media] kasi gusto kong makita na, ‘Okey, masaya sila.’ Buo pa rin ’yong relasyon nila bilang magtatay,” pahayag ni Kylie. 

“So, happy na ako. Kasi on my side may guilt, e, kesa sorry. ’Yon lang pero ready na ako mag-move forward talaga. Hanggang saan ba ang kaya ko bilang babae na mag-isa lang ako? I’m okay.”

Masaya ka na?” tanong pa ni Robin. 

“Yes,” sagot ni Kylie.

Samantala, humingi naman ng payo ang aktres sa kanyang ama kung paano ba palikihin ang dalawa n’yang anak na lalaki bilang isang single mom. 

Itanim mo sa mga anak mo ang faith. Magkaroon sila ng faith sa God. Number one ’yon. [Noong] mga bata naman kayo may ganu’n, e, may seed,” mabilis namang tugon ni Robin.

“Number two, huwag mo ilalayo sa tatay nila. Alam kong hindi mo gagawin. Kailangang may father image, [despite] kung anuman ang pinagdadaanan n’yong dalawa o anuman ang arrangement n’yo. 

Pangatlo, ’wag mo palalakihin na spoiled. Kailangan talagang hayaan mo na nasasaktan kasi iba ang babae sa lalaki. Ang babae shini-shield mo ’yan. Ang lalaki hinahayaan mo ’yang masaktan. Darating ang time n’yan na aabutin n’yan ’yong masasaktan ’yan,” pagtatapos ni Robin. 

Matatandaan na mismong si Robin ang nagkumpirma na hiwalay na sina Kylie at Aljur,  at third party daw ang dahilan, sa naging interview nito with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz last July.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.