Kylie Padilla, itinangging nanliligaw sa kanya si JM de Guzman

“Magkaibigan lng kami ni JM. This is not true,” sagot ni Kylie Padilla sa isang fan na tahasang nag-tanong sa kanya sa Instagram.

PHOTOS: @kylienicolepadilla & @1migueldeguzman on Instagram

“Magkaibigan lng kami ni JM. This is not true,” sagot ni Kylie Padilla sa isang fan na tahasang nag-tanong sa kanya sa Instagram.

Wala raw katotohanan na ang Kapamilya actor na si JM de Guzman ang dahilan ng hiwalayan nina Kylie Padilla at mister n’yang si Aljur Abrenica.

Lumutang ang pangalan ni JM sa isyu nang magtanong ang isang online follower ni Kylie sa kanyang Instagram post last July 13.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Tanong ng fan na may username na @sfb_mrvin sa comment section, “Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo?”

Inalam din nito kung may katotohanan ba ang sinabi daw ng controversial online personality na si Xian Gaza na isa si JM sa mga nanliligaw sa kanya.
 
“Tapos po maraming mayayaman ang naliligaw sa you pati mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang Sabi ni Xian Gaza eh Salamat po [heart and two crying face emojis],” lahad pa nito.

“Magkaibigan lng kami ni JM. This is not true,” maikli at direktang tugon ni Kylie sa commenter.

SCREENSHOT: @kylienicolepadilla on Instagram

Matatandaang nito lang July 7, sa vlog ng talent manager and comedian na si Ogie Diaz, ay kinumpirma ni Robin Padilla na hiwalay na ang anak n’yang si Kylie sa asawa nitong si Aljur at third party umano ang dahilan.

Sa inilabas namang statement ni Kylie, humiling s’ya na irespeto ang desisyon nila ni Aljur na maghiwalay. Nagsisikap din daw sila na maging maayos ang kanilang co-parenting set up para sa kanilang dalawang anak. 

On Aljur’s end, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng aktor sa kinasasangkutan niyang kontrobersiya kahit na nakakaladkad s’ya sa isyu ng pambababae.

Ilan sa mga nadadawit ng pangalan as third party umano ay ang mga aktres na nakatrabaho na n’ya gaya ng leading lady n’ya sa pelikulang Nerisa na si Cindy Miranda, ang GirlTrend member na si Maika Rivera na naging co-actor n’ya sa Kapamilya series na Sandugo, at si The World Between Us co-actress Erin Ocampo na nakasama naman n’ya noon sa FPJ's Ang Probinsyano.

Nauna nang itinanggi nina Cindy at Maika ang alegasyon ng pagkaka-link nila kay Aljur habang hindi pa nagsasalita tungkol sa kontrobersiya si Erin.

Tahimik din ang kampo ni JM de Guzman. 

Sa ngayon, bukod sa paglipat ng bahay ay tila abala si Kylie sa paghahanda para sa isang role. 

Mapapansin ding nagpapaka-positibo siya despite ng mga naganap recently.

Ang pinaka-huli niyang Instagram post ang nagpapatunay nito.

There, she said: “In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better. Life is about growth. Silence the noise and make the best out of your life. Claim it, I’m happy, I’m healthy, I’m alive. I’m hoping the same for you ✨”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Robin Padilla, kinumpirmang hiwalay na ang anak na si Kylie at si Aljur Abrenica at third party ang dahilan; “Sabi ko, ‘Lalaki ’yang asawa mo. Pasalamat ka nga at lalaki.”

Aljur Abrenica, umaming nagka-problema sila ng asawang si Kylie Padilla

Former GirlTrend member Maika Rivera, itinangging siya ang “third party” sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Mga cryptic posts ni Kylie Padilla, patama ba sa asawang si Aljur Abrenica?

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.