Kylie Padilla takes the high road; chooses not to lambast Aljur Abrenica

“Ang dami kong p’wedeng sabihin na ikakasira niya because we were in the marriage but I chose to keep quiet nalang about the details. Hindi naman makakatulong sa amin. He knows what he did wrong, I know what I did wrong. If we do wanna blame each other, maybe we can do it in the right place not on social media.”—Kylie on Aljur

Photos: @kylienicolepadilla / @ajabrenica

“Ang dami kong p’wedeng sabihin na ikakasira niya because we were in the marriage but I chose to keep quiet nalang about the details. Hindi naman makakatulong sa amin. He knows what he did wrong, I know what I did wrong. If we do wanna blame each other, maybe we can do it in the right place not on social media.”—Kylie on Aljur

Nabigo ang mga Marites na nag-abang ng highly promoted interview ni Kylie Padilla sa Kapuso Mo, Jessica Soho, kagabi, October 24.

Inasahan nang marami na nasa warpath ito dahil sa mga binitiwang salita ng kanyang estranged husband sa now-deleted controversial “Breaking Silence” Facebook post nito noong October 19.

Sa nasabing post, inakusahan ni Aljur ang asawa- pa-rin-sa-papel na si Kylie bilang mas nauna umanong nangaliwa sa kanilang dalawa.

Aminado si Kylie na ito ang nag-udyok sa kanya para ilabas ang side niya kay Jessica Soho.

Pero kalmado at disenteng hinarap ni Kylie ang issue. Walang pinalutang na mga pangalan on both ends, walang binitiwang salita ukol sa mga naba-blind items na umano’y financial woes nila.

“Yes, ’yung lumabas na statement, medyo nagulat din ako. It’s unfair,” saad ng malumanay na Kylie sa beteranang broadcast journalist. “I don’t have a say because I was part of the marriage, dalawa kami. Gusto kong matapos ’yung nangyari sa amin na friends kami, but parang nag-iiba yata ang ihip ng hangin.

“I was doing really well,” dagdag niya. “But ’yong statement lang medyo nasaktan ako nang konti because ayoko sanang pumunta du’n. But all aspects of my life, I was doing very well. Kaya nga nakakatawa, parang babalik naman ako, reverse ulit. Abante ulit. Ganu’n naman ang buhay, e, diba? I-conquer natin ’yong mga dumadating [na challenges].”

Humingi na ng paumanhin si Aljur ukol sa naging akto niyang sa ginanap na face-to-face press conference ng pelikula niyang Manipula last October 23. Aniya, hindi siya proud sa nagawa niya. Dala lang umano ng impulse o bugso ng damdamin kaya niya nagawa iyon.

Ani Aljur: I think, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gusto pang i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila. I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ’yung babaeng ’yun. And I valued our family more than anything. So I was really affected nang nangyari ’yun. Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako and for the sake of our children sina Alas at Axl, gusto ko na lang matapos ’to because in the future they’re gonna see ‘tong isyu na ito. She’s still the mother of my children, and may pinagsamahan pa rin kami. I will never forget that. Ipinagpapasalamat ko ’yun.”

(Pero kapansin-pansin na hindi niya binawi ang mga binitiwang salita sa post.)

In the same manner, aminado rin si Kylie na ang mga cryptic posts niya noong Pebrero ang pinag-ugatan kaya nalaman ng publiko ang pinagdadaaan ng kanilang marriage. Out of impulse din ang dahilan dahil gulong-gulo umano siya noon kaya siya nakapag-post.

Napagalitan ako doon and that moment, it was reckless for me to post that,” pag-amin niya. It started nu’ng February and I opened the door so everyone can have a say. But for me kasi that time I was suffering I did know how to handle what I was going through and I’m sorry I learned from that mistake.

“I suffered in silence, e,” dagdag niya. “I really suffered. But in February, that’s why nakapag-post ako. Ayokong mag-stay du’n sa suffering and pain and hate kasi lahat yan dinaan ko. Naglasing ako... all that. ’Yong ginagawa ng nagmu-move on? I did it. But I did it in private so that hindi sila gagaya. I’m trying to be a better person na lang.” 

Pero ibang usapan umano ang akusahan siyang unang nag-cheat at sumira ng kanilang pamilya.  “Mabigat,” ayon nga kay Jessica. At tila ’yun lang ang pakay ni Kylie sa pagpapa-interview kay Jessica, ang nalinis ang pangalan niya.

“Yeah, ang dami kong p’wedeng sabihin na ikakasira niya because we were in the marriage but I chose to keep quiet nalang about the details,” patuloy ni Kylie.

“Hindi naman makakatulong sa amin. He knows what he did wrong, I know what I did wrong. If we do wanna blame each other, maybe we can do it in the right place not on social media. If I say my side, hindi siya makakatulong. So, in some ways I’m trying to protect what I can kasi ayoko talagang tuluyan nang gumulo kasi lalaki ’yong mga anak ko mapapanood nila ’to and ayokong makita nila... as a mother, I have to protect what I can,” ani Kylie na bahagyang gumaralgal ang boses.

“I know my truth,” diin niya. “I know what I went through and I know what he went through. At ang alam ko lang, parehas kaming hindi masaya. And if we play the blaming game, what are we gonna get? We’re trying to attack each other online and who is it helping? Let’s do it in court nalang kung gusto mo ng ganyang labanan.”

Aniya, masakit daw ang ginawa ni Aljur lalo pa’t may usapan silang iha-handle nila nang maayos ang lahat.

“Na-hurt ako sobra sa sinabi niya...that I wrecked the family,” pagtatapat niya. “Hindi ko ini-expect ’yon because we had an agreement. ‘Sabay tayong magpapa-interview para at least after nito kahit maghihiwalay na tayo, we’re still a united front. Iniisip pa rin namin na family kami.”

At muli, categorically niyang nilahad na wala siyang naka-relasyon noong mga panahong nagsasama pa sila ni Aljur.  Aaminin naman daw niya kung meron. 

“In my defense, while we were formally married I never had any extramarital relationship with other men,” salaysay ni Kylie. “That is my truth. Buti sana kung ginawa ko, e, I would say I’m sorry. Pero hindi talaga, e. And that’s what they’re throwing at me. Pa’no ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa?”

Aniya, masakit daw isipin na tumatak sa ibang tao ang mga sinabi ni Aljur sa post.

“S’yempre, when you say ‘cheated,’ ang unang iniisip ng mga tao nanlalaki. So, talagang in their mind talagang ginawa ko ’yon. E, may mga blind items that said that. Saan nanggagaling ’tong mga ’to kasi kung totoo talaga aamin ako. Like hindi talaga siya totoo kaya natatawa nalang ako.”

Tanong pa niya: “Pa’no ako magkakaroon ng oras I was breastfeeding my second [son]. Pa’no ako aalis? Kung gusto ninyo ng ebidensya, tanungin ninyo ’yong mga yaya ko. I’m angry kasi I’m raising my children. They don’t see that sobrang unfair. Pero you have to be strong in our society din. Kung hahayaan kong maapektuhan ako sa mga sinasabi nila, di ko mapapalaki ’yong mga anak na sane ako. Ayokong makita nila ’yon. Kaya kagaya ng sinabi ko kanina, humuhugot talaga ako sa kanila. Kailangan makita nila na, ‘Kaya ng mom ko, kaya ko rin.’” 

Bukod-tanging si JM De Guzman ang pangalang nabanggit na umano’y naging ka-relasyon ni Kylie habang sila pa ni Aljur. Pero tinawanan lang ito ng aktres.

“Yeah, natatawa nalang din ako,” salag niya. “Actually nag-usap na kami ni JM d’yan, e. Natatawa din kami. ‘Wow, pa’no nasali ’yong pangalan ko d’yan?’ ‘Hindi ko alam, pasensya na. Sorry.’ Hahaha!”

As for Aljur, tatlo naman umano ang mga babeng sangkot. Kylie chose not to elaborate on this.

“Three women that came out [sa news],” aniya. “’Yon nalang sasabihin ko. It shows you a lot why I choice to end it.”

Bukod sa rason na ’yon, sinabi ni Kylie na gusto umano niyang mas paunlarin pa ang pagkatao niya. Pero dahil sa hindi na umano masaya ang kanilang pagsasama ay mahirap gawin ’yon. She says she had the same desire for Aljur, ang mahanap ang bagay na magpapasaya dito.

“I wanna grow, I wanna grow as a person. And I wanna be a better mother. With the circumstances sa marriage namin, parang feeling ko hindi ko magagawa ’yon. ’Yong sinabi niyang I wrecked the family, it’s because ayoko ko na. And I wanna be a better person, to be happy. And I want him to be happy. Kaming dalawa ’yong iniisip ko when I decided that. And if you ask him now, he’d agree. Okey ’yong mga nangyari kasi happy na siya. Happy na ako. So, I’m confused about why he’s doing this because we both agreed?” 

Gayunpaman, there’s a part of her daw na nauunawaan din kung saan nanggaling si Aljur sa naging actuation nito. Ayaw niyang ituro at basta lang sisihin lang si Aljur. However, he could have handled things differently daw sana.

“Feeling ko patas lang kasi I understand kung sa’n nanggagaling ’yong ex ko ’cause daddy [Robin] cares, nakita niya na malungkot ako nu’ng time na ’yon so, nakapagsalita siya.

“Naramdaman ni Aljur na kailangan niyang sabihin ’yong side niya and he’s entitled [to it]. Pero it boils down kasi kung pa’no natin na-handle ’yong sitwasyon. Nu’ng pinasok nila ’yong situwasyon na ’yon. alam nila kung anong sasabihin ng mga tao kasi on paper we’re still married even though were separated. Sana iningatan na lang,”

(Ang tinutukoy ni Kylie ay ang pagsasalita ng kanyang amang si Robin Padilla kay Ogie Diaz noong July. Ito raw marahil ang nag-compel kay Aljur to give his side. At ang tinutukoy naman niyang sitwasyon na sana ay “iningatan nalang,” ay ang paglantad niya sa panliligaw sa aktres na si AJ Raval. Aware daw dapat si Aljur na may repercussion ang paglantad niyang iyon sa publiko ng bagong niyang romance. Hindi na nga naman niya kontrolado ang sasabihin at magiging tingin ng tao.)

At this point, open pa rin umano siyang buksan ang pinto ng pagkaka-ibigan sa kanyang ex dahil gusto umano niyang maging effective co-parents sila sa mga anak, gaya ng ibang couples na naghiwalay din.

“Iniisip ko pa rin ’yong relationship namin as friends, e. Kasi we have kids, we need to co-parent and ayaw kong maranasan nila na toxic ’yong parents nila kahit hiwalay na. Kung masa-save ko pa sana ’yong friendship namin... [para] tuwing magkikita kami para kunin ’yong mga bata, okey kami.

“Ayokong tuluyan na sirain ko siya or magbatuhan kami...hindi ’yon ’yong gusto kong mangyari, e.

“Ang tawag ko nga d’yan circus, e,” dagdag niya.  Naging circus ’yong nangyari sa amin. It was really sad. Hindi naman ako p’wedeng mag-complain kasi artista ako.”

“At saka hanggang ngayon kahit tanungin ako ng mga tao, I still want him to be happy sana talaga,” patukoy niya kay Aljur. “We move forward from this and we both end up happy. Ayoko na ng toxic kasi pinagdaanan ko na ’yon when I was younger. Alam ko ’yong pakiramdam. Gusto kong protektahan ’yong mga anak ko sa ganu’ng set-up.

“[Cause] they witnessed some of it the last few months of our marriage which, it’s also isa sa mga dahilan ng choice ako to end it na lang. Gusto kong iwasan na tumagal na nakikita nila ’yon. I don’t want them to think na normal ’yon sa isang relasyon.” 

Ang speaking of their kids, Alas and Axl Romeo, both are doing okay naman daw.

“They’re good, they’re  happy,” aniya. “May mga nakakalungkot na moments, minsan hinahanap nila ’yong tatay nila, Ine-explain ko lang, ‘Magkikita din kayo. Don’t worry.’ 

Binalikan ding saglit ni Jessica Soho ang naging journey ng kanilang relasyon ni Aljur, mula ligawan, pansamantalang break-up, pagbabalikan, pagbubuntis niya sa kanyang panganay, at finally ay kasalan noong 2018.

Somewhere in between those events, kinailangang i-give up ni Kylie ang kanyang mausbong na career para maging ina sa panganay nila ni Aljur. At dahil dito, wala umanong pinagsisisihan o pinaghihinayangan ang aktres sa mga nangyari.

“Wala kasi si Alas ’yong nasa tiyan ko nu’n, e,” patukoy niya sa kanyang panganay. “I wanted to be a mom.”

At hindi naman daw niya binubura ang magandang mga alaala ng pagsasama nila ni Aljur. She’s acknowledging the fact that Aljur did take care of her.

“We were so good during that time,” nakangiting balik-tanaw niya. “Sobrang ’yon ’yong pinaka the best time nu’ng relationship namin kasi we’ve been together for ten years na, married for three [years]...pero nu’ng mga time na ’yon inalagaan niya talaga ako. Na-appreciate ko siya as husband, as person lalo na during those days.” 

Kaya nga ayaw niya sanang magkasira sila nang tuluyan dahil may maganda naman umano silang pinagsamahan.

“Ayoko kasing gawing negative lahat, e. There are good moments naman, e. And I don’t wanna throw them away kasi kahit papaano, for my kids, they’re still a part of their dad. I want them to see their dad in a good way para pag nakikita ko ’yong mga anak ko, ‘Tatay ninyo ’yon, you should be proud.’

In the end, nakiusap nalang din siya kay Aljur na pagkatapos ng naganap na “circus,” sana ay kapwa natuto na sila, ma-move forward, ang work towards an effective co-parenthood para sa kanilang mga anak.

“Wag natin kalimutan to be parents sa mga anak natin,” direktang pag-a-address niya kay Aljur. “Sana ma-save pa natin ’yong friendship after this. At kung gusto natin mag-away, whatever, let’s do it in the right place. Wag na sa public. ’Yon lang ang hinihingi ko, please.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aljur Abrenica, itinuring daw na “love of my life” si Kylie Padilla; aminadong may pinagdadaanan sila ni AJ Raval ngayon

Kylie Padilla assures people concerned about her that she’s okay; “Masaya ako and I will protect my happiness.”

Hamon ni Aljur Abrenica sa asawang si Kylie Padilla: “Tell them who cheated first? Tell your dad the truth.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.