Kylie Verzosa, amindong wala ng communication with Jake Cuenca; mas magpo-focus daw sa trabaho ngayon single na ulit siya

“Pahinga muna ang puso. Pahinga muna. Work muna. Balik work.” — Kylie Verzosa.

PHOTOS: @kylieverzosa & @juancarloscuenca on Instagram

“Pahinga muna ang puso. Pahinga muna. Work muna. Balik work.” — Kylie Verzosa.

Bagama’t natapos na ang tatlong taong relasyon nila ng aktor na si Jake Cuenca ay grateful pa rin daw ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa sa kanilang pinagsamahan. 

Iyan ang inilahad n’ya nang ma-corner s’ya ng comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz sa holding area ng dinaluhan nilang campaign rally sa Pasay nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan nitong April 23.

Nagulat pa ang aktres nang kumustahin s’ya ni Ogie ilang oras matapos kumpirmahin ni Jake, that same day, sa kanyang Instagram na hiwalay na nga sila nito matapos ang tatlong taon bilang magkasintahan.

Natatawang sagot ni Kylie, masaya daw s’ya na makasama sa espesyal na rally na nataon pang birthday ni VP Leni na s’yang sinusuportahan n’yang kandidato sa pagkapangulo. 

S’yempre andito tayo ngayon para kay Leni at Kiko. So, happy ako. Happy ako,” saad n’ya.

Pero pag dating daw sa pakikipagrelasyon ay pahinga muna ang aktres at mas tututok na lang daw sa kanyang trabaho.

Pahinga muna ang puso. Pahinga muna. Work muna. Balik work,” ani Kylie.

Nablangko naman ang aktres nang mahingan s’ya ng maipapayo sa mga taong kapareho n’ya ng sitwasyon ngayon. 

“Feeling ko kasi ano e, kailangan ng malalim na…Wooo!” natatawang pahayag ni Kylie na tila hindi malaman kung ano ang sasabihin. “Bakit parang hindi ako handa dito... Pero kaya n’yo ’yan.

Bawi naman ni Ogie sa kanya, “Basta gusto ko happy ka. ‘Yun lang ang importante. Unti-unti nakaka-move on ka, ’yun ang importante.

For Kylie naman, grateful naman daw s’ya tatlong taong relasyon nila ng Kapamilya actor. 

“Take it a day at a time. Tapos, feeling ko time will heal all wounds. Nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng nangyari,” lahad n’ya. 

Inamin rin n’ya na sa ngayon ay hindi pa rila nakakapag-usap ng dating nobyo. 

Hindi kasi kami nag-uusap, e. Pahinga muna. Focus muna sa career…work and career,” pagtatapos ni Kylie.

Katunayan, mapapanood na ang bago n’yang pelikula with Zanjoe Marudo na Ikaw Lang Ang Mahal simula May 20 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

The Butcher | Kylie Verzosa is on her way to becoming an actress of note

Kylie Verzosa, gustong maging wife; Cindy Miranda, game na maging lover

EXCLUSIVE: Zanjoe Marudo, ginawang motivation ang pag-ayaw ng isang direktor sa GMA noon para galingang umarte

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.