Kylie Verzosa, gustong maging wife; Cindy Miranda, game na maging lover

Mapapanood ang My Husband, My Lover simula November 26 sa Vivamax.

PHOTOS: Viva

Mapapanood ang My Husband, My Lover simula November 26 sa Vivamax.

May magkaibang preference ang beauty queens- turned-actresses na sina Kylie Verzosa and Cindy Miranda pag dating sa usaping romance.

Natanong ng entertainment press ang dalawang Viva leading ladies during their virtual media conference kamakailan para sa upcoming romantic drama movie na My Husband, My Lover kung ano ba ang gusto nila sa isang relasyon at this point in time in their lives, ang maging wife o maging lover. 

Para sa in-a-relationship na si Kylie, ang maging wifey daw gusto n’ya. Going strong naman kasi ang estado ng relasyon nila ng nobyo n’yang si Jake Cuenca. 

“I’d rather be a wife,” diretsong sagot ng Miss International 2016 winner, “With being a wife comes security, stability, everything you want, ’di ba? So, I’d rather be a wife.”

Suportado naman ni Cindy ang choice ng kaibigan. However, kung siya daw ay sapat na umano sa kanya ang maging lover o kahit pa wala pa mang maging label ang kanyang magiging karelasyon. 

“Really, I wanted to be a lover,” matapang na pag-amin ng aktres na single as this moment. “Tama si Kylie [may] stability sa [pagiging] wife. There’s a wife and a lover, imagine that. 

“I’d rather be the lover. Sa akin, wala talaga ’yang stability, whatever… ’yong material things from being a wife.”

“I wanted just to be loved, as in ’yong totoong love ng tao,” pagpapatuloy n’ya. “Kahit walang label pa ito or whatever basta gusto ko talaga ako ’yong mahal not just the title or whatever. 

Gusto ko ako ang totoo [na minamahal] kahit hindi pa alam ng mga tao. Okey na ako du’n. It’s enough. [Kahit] ’wag tayo magpakasal basta ako ’yong mahal mo I’m okey with it,’” pagtatapos ni Cindy.

Sa pelikulang My Husband, My Lover ay gaganap si Kylie bilang si Alice, isang successful woman and dutiful wife sa mister n’yang si Noel (Marco Gumabao). 

Magugulo ang kanilang marriage nang malaman ng kanyang mister na meron s’yang kalaguyo, si Dennis (Adrian Alandy).

At sa komplikadong relationship and affair na ito ay sisingit at makikigulo pa si Loida, ang karakter naman ni Cindy na magdadagdag sa mga kaabang-abang na mga twists and turns ng istorya. 

Mapapanood ang My Husband, My Lover simula November 26 sa Vivamax. 

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
 
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.