Kylie Verzosa, hindi nagpakabog sa mga beteranong ka-eksena sa The Housemaid

Nagkaka-starstruck moment daw si Kylie sa tuwing ka-eksena niya ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose. “Every time we’re in the scene together, parang I can’t believe I’m here.”

Photos: Viva Films

Nagkaka-starstruck moment daw si Kylie sa tuwing ka-eksena niya ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose. “Every time we’re in the scene together, parang I can’t believe I’m here.”

Nag-work to her advantage ang real-life intimidation ni Kylie Verzosa sa 69th Cannes best actress winner na si Ms. Jaclyn Jose dahil kailangan din niya yon sa kanyang role bilang trainee’ng yaya cum all-around-help sa The Housemaid.

Supladita at bitter na mayordoma ang role ni Jaclyn. 

At presence palang niya sa movie—and even in real life—mai-intimidate ka na.

But as a relatively newbie actress, she took the chance to act alongside Jaclyn as a learning process. Ino-obserbahan niya raw maige sa set ang beteranang aktres.

Seryoso sa pag-aartista niya si Kylie kaya nga dream daw niya talaga maka-trabaho ang mga gaya ni Jaclyn at Albert Martinez (ang gumanap na cold billionaire amo niya with whom she had a sexual relationship) dahil alam niyang marami siyang mapupulot.

“Pinakamahirap sa akin, lahat ng scenes ko with Miss Jaclyn and Tito Albert [Martinez],” pag-amin ni 2016 Miss International na si Kylie during The Housemaid’s second media conference kamakailan.

“’Yung kay Miss Jaclyn, dapat lagi akong handa and hindi ako puwedeng mag-take two. Puwede siya, pero ako, hindi talaga puwede,” natatawang saad niya about her self-imposed rule.

Madalang daw magsalita off-cam ang beteranang aktres kaya sila ni Louise delos Reyes (who played as the billionaire’s pregnant wife) took everything to Heart pag may sinabi ito.

“Si Miss Jaclyn, very quiet lang siya, but at the same time, sasabihin niya rin if you did a good job sa role mo or not. 

“With Miss Jaclyn, gaya nang sabi ni Louise, prangka talaga siya. Kung hindi ka magaling, sasabihin niya talaga. 'Gawin mo ito, galawin mo ito.'

“Ako kasi, very observant ako, so rehearsal process, sometimes tinitingnan ko lang talaga siya. Ganoon ako, parang that’s when I get informations. 

“Sabi niya, ‘O, huwag mo akong tingnan. Galaw ka naman.’Yun ang small instances na natututo ako sa kanya. 

"Kapag nagtsitsika naman kami in between scenes, just by observing her, the way she prepares, nakikita niya lahat, ‘find your light.’ 

“’Yun ang mga iba-ibang ways na sobrang na-admire ko talaga siya. Every time we’re in the scene together, parang I can’t believe I’m here.”

But in all fairness kay Kylie, nakasabay naman ang beauty-queen-turned actress sa mga eksena niya, hindi lang kay Jaclyn kundi sa lahat ng beteranong ka-aktingan niya.

She effectively delivered ’yong mga emosyon ng matalinong-tanga at ayaw-pero-gusto na hinihingi ng eksena.

And yes, there are a lot of sexy scenes and sila ni Albert Martinez are delight to watch in those scenes. Pero hindi ka nila dadalhin sa pantasya level ng karaniwang sexy scenes bagkus ay pag-iisipin ka.

Kaya kung pagiging mahusay at pulidong aktres ang goal ni Kylie, we believe na papunta na siya doon.

Kasalukuyang streaming na ang The Housemaid sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

 

YOU MAY ALSO LIKE:

This is Showbiz #39: Kylie Verzosa on beauty pageantry, depression, Jake Cuenca, and first starring role

First Look: The Housemaid stills

Kylie Verzosa recalls reign as Miss International 2016

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.