Kylie Verzosa, hindi naniniwalang love is enough sa isang relasyon

Ang lakas ng screen chemistry nina Kylie Verzosa at ng Ikaw Lang Ang Mahal leading man niyang si Zanjoe Marudo, na first time ever pala niyang naka-trabaho. Natural ang chemistry nila na hindi nila alam kung paano nila nabuo dahil hindi naman daw sila masyadong nag-uusap sa set. As in Day 4 na daw yata sila nag-warm up sa isa’t isa. Pero sa screen, warm na warm sila, huh. Kung may mga eksena man doon na nakuhanan sa Day 1, hindi mo mahahalatang hindi sila magkakilala off-cam. But in reality, wala daw silang alam ni Zanjoe about each other. Blank slate, ika nga.  Mas magkakilala daw ang character niyang si Lira at ang character ni Zanjoe na si Andre. “Siguro mga third day or fourth day na kami nag open up sa isat-isa kasi pareho kaming tahimik, pareho kaming hindi matsika, hindi maingay. Alam mo ’yon? So, dahan-dahan ’yong process ng pag open up sa isat-isa.”

Photos: Vivamax

Ang lakas ng screen chemistry nina Kylie Verzosa at ng Ikaw Lang Ang Mahal leading man niyang si Zanjoe Marudo, na first time ever pala niyang naka-trabaho. Natural ang chemistry nila na hindi nila alam kung paano nila nabuo dahil hindi naman daw sila masyadong nag-uusap sa set. As in Day 4 na daw yata sila nag-warm up sa isa’t isa. Pero sa screen, warm na warm sila, huh. Kung may mga eksena man doon na nakuhanan sa Day 1, hindi mo mahahalatang hindi sila magkakilala off-cam. But in reality, wala daw silang alam ni Zanjoe about each other. Blank slate, ika nga. Mas magkakilala daw ang character niyang si Lira at ang character ni Zanjoe na si Andre. “Siguro mga third day or fourth day na kami nag open up sa isat-isa kasi pareho kaming tahimik, pareho kaming hindi matsika, hindi maingay. Alam mo ’yon? So, dahan-dahan ’yong process ng pag open up sa isat-isa.”

Kahit pala laking-Baguio si Kylie Verzosa ay never pa siyang nakapag-Sagada. Kung hindi pa dahil sa pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal ay hindi siya makaka-pasyal doon.

Of course maganda rin ang Baguio but may kakaibang appeal kasi ang Sagada at ipinagmamalaki ni Kylie na na-capture naman ’yon sa kanilang pelikula, which is about an artist, ang famous poet na si Lira na nag-hibernate sa Sagada sa piling ng mga kapwa artists na nagtatag ng fictional community doon.

Depressive—with suicidal ideation—ang role na ito ni Kylie and when she read the script, she claimed the role na. Kailangan daw sa kanya talaga dapat mapunta ang project bilang mental health nga ang kanyang advocacy, having experienced depression herself earlier in her life. Feeling niya, magandang medium ang movie nila para mas mapa-intindi sa general public how people undergoing depression really feels.

“I want more people to know about what people go through... to be more aware of depression and mental health,” k’wento sa amin ni Kylie during our exclusive interview. “Kaya po nu’ng pini-pitch sa akin itong movie na ito, sabi ko, ‘Akin na ito, please. Sobrang swak sa akin. It would mean so much to me.’ Sobrang I fell in love talaga with the material.”

Sa sobrang pagka-relate niya sa character ni Lira, na-internalize niya masyado to the point na nakagawa siya ng poem, called “Dilim,” na siyang ginamit mismo sa movie.

“Sabi ko kay Direk [Richard Somes], ‘May sinulat ako para sa character ko, p’wede ko bang basahin sa’yo?’ Tapos, binasa ko. Sabi n’ya, ‘Maganda yan, include natin.’ So, imbes na ’yong nakasulat doon sa scrip, ’yong poem ko ang sinabi ko [sa scene].”

Binase lang naman daw niya sa pinag-dadaanan ni Lira ang poem. But the mere fact na nakagawa siya ng tula, ibig sabihin, there’s also a writer deep inside her.

In reality though, pinaka-pagsusulat na siyang maituturing ang pag-gawa ng character sketch sa bawa’t role na gagampanan. Bawa’t character daw na nabigay sa kanya ay nagawa niya ng journal at doon niya nino-note kung ano ang intindi o basa niya sa bigay na character niya.

Samantala, ang lakas ng screen chemistry nila ng leading man niya na si Zanjoe Marudo na first time ever pala niyang naka-trabaho. Natural ang chemistry nila na hindi nila alam kung paano nila nabuo dahil hindi naman daw sila masyadong nag-uusap sa set.

As in Day 4 na daw yata sila nag-warm up sa isa’t isa. Pero sa screen, warm na warm sila, huh. Kung may mga eksena man doon na nakuhanan sa Day 1, hindi mo mahahalatang hindi sila magkakilala off-cam. But in reality, wala daw silang alam ni Zanjoe about each other. Blank slate, ika nga. Mas magkakilala daw ang character niyang si Lira at ang character ni Zanjoe na si Andre.

“Siguro mga third day or fourth day na kami nag open up sa isat-isa kasi pareho kaming tahimik, pareho kaming hindi matsika, hindi maingay. Alam mo ’yon? So, dahan-dahan ’yong process ng pag open up sa isat-isa.”

And it happened daw not over Sagada rice wine or Sagada coffee, but over waiting time kapag nire-ready pa ang set.

Kaya magical din talaga ang movie-making kasi sa mga intimate scenes nila, maniniwala kang mahal nila ang isa’t isa.

“In love na ’yong characters namin sa isat-isa, nag iyakan na, nag-relationship na, nag kung anu-ano na, pero kami bilang persons, wala pa. Hindi ko nga alam kung ano’ng mga gusto niya as Zanjoe...hindi pa namin kilala ’yong isat-isa.

“So, characters lang ’yong nagpo-progress ’yong relationship. And para sa akin, okey lang din ’yon kasi hindi naman ’yon ’yong importante. Basta kilala ng character ko ’yong character n’ya din, tutuloy ’yong k’wento. Kasi nandoon naman ako para magtrabaho.

“So, very professional lang talaga ’yong relationship namin.”

Panira ng anggulo ’tong si Kylie. Gusto sana naming sumali sa mga nagli-link sa kanila ni Zanjoe bilang personally, aware kaming single din naman si Zanjoe at nasa punto na ng buhay niya na ready nang mag-settle down.

Agad ding in-squash ni Kylie ang personal ilusyon naming i-link sila.

“Ay gano’n? Ako parang hindi pa ako ready…[sa kasal]. Hahaha!”

Hirit nalang naming: “Kelan mo ulit sasabihin sa isang tao na ikaw lang ang mahal?”

“Parang wala pa talaga ako doon. Hahaha! Parang ang dami ko pang pina-process sa sarili ko bago ako makapunta [ulit] doon.”

We also asked Kylie kung may sagot ba siya sa patanong na tagline ng kanilang movie na: “Totoo bang pag-ibig ay sapat na?”

“Sasagutin ko ba ’yon? Parang hindi. Sinagot ko din. Hahaha! Parang hindi kasi napaka-complicated ng ano, ng love, diba?”

So, love is not enough for you? Pag-uulit namin.

“Maybe in the beginning. Hahaha! Kasi s’yempre, may commitment, may loyalty, ano pa? May hard work, showing up... diba? Ang daming factors ng isang relationship. So, ako, feeling ko ’yon.”

Samantala, Zanjoe (Andre) plays as a documentarist na umakyat ng Sagada to interview the famous artists who chose to live there. Lapitin ng babae si Andre at may karupukan sa bagay na ’yon. That’s both his curse and blessing. Pero sa puso niya, nag-iisa si Lira.

Lira, for her part, is on downward spiral. But she finds a new reason for being in Andre. Or does she? Will Andre’s love inspire her enough to cast out the darkness in her head or succumb more to it?

Yan ang sasagutin ng pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal, which streams on Vivamax starting today, May 20.

Download the Vivamax app now to watch this more-than-hugot movie at alamin kung bakit napaka-pait ng iyak ni Kylie sa trailer.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.