Kylie Verzosa, hindi pa handang magmahal muli

Nakakatulong daw sa moving-on process ni Kylie Verzosa ang pagiging busy niya sa mga projects niya sa Viva. “Compared to a month ago or two months ago, I’m in a much better place right now. So, happy ako sa position ko ngayon. And I’m doing a lot better.”

Photos: @kylieverzosa

Nakakatulong daw sa moving-on process ni Kylie Verzosa ang pagiging busy niya sa mga projects niya sa Viva. “Compared to a month ago or two months ago, I’m in a much better place right now. So, happy ako sa position ko ngayon. And I’m doing a lot better.”

Sa kabila ng pagtawa at pagpapahayag ni Kylie Verzosa na okay siya, hindi rin naman ikinaila ng beauty-queen turned-actress na hindi pa siya fully moved on sa naging break-up nila ng ex-boyfriend na si Jake Cuenca.

“Okey naman po ako,” nakangiting bungad niya sa pangungumusta namin. “[I’m] very happy and very blessed.”

Ibig sabihin ba ay naka-move on na siya?

“Ang hirap niyan sagutin, pero okey ako ngayon,” natatawang sagot niya.

How okay is okay, pangungulit namin.

“Very okay,” sey naman niya.  “S’yempre, I’m happy na maraming work. I just keep myself busy.”

 Aniya, in the process pa rin siya ng moving on.

“Siguro in the process pa of finding out kung ano ba talaga ang mga gusto ko. Marami, marami, e… pero okey naman ako.

“Compared to a month ago or two months ago, I’m in a much better place right now. So, happy ako sa position ko ngayon.

“And I’m doing a lot better,” dagdag niya.

Hindi pa lang daw talaga siya handa sa bagong relasyon.

“Kahit gusto kong maging open, hindi pa ako ready for a new relationship kahit gusto ko man. Hindi ko pa kaya, not now.

“Parang wala pa ’kong oras at hindi pa handa ang puso ko.”

Nakausap namin si Kylie sa ginanap na story conference para sa bago niyang pelikula na Baby Boy, Baby Girl, isa itong romcom tungkol sa e lovers na kapwa pinasok ang “propesyon” ng pagiging sugar babies. Si Marco Gumabao ang makakatambal niya dito at ayon sa direktor nilang si Jason Paul Laxamana, perfect choice sila for their roles dahil pareho silang eye candy at mahuhusay umarte.

When asked kung kaya din ba nilang maging mga sugar babies in real life sakaling hindi nila nakuha ang blessed life nila ngayon, ay parehong hindi ang naging sagot nila.

“No judgement sa mga gumagawa ng ganyan...if that’s what puts food on their table, di ba? But as for me, hindi siguro. May iba siguro akong raket. Maybe business,” ani Marco.

“Kanya-kanyang diskarte yan, e,” dugtong ni Kylie. “But I don’t see myself having gone that way kung hindi man ako naging artista.

Magsisimula na silang mag-shoot this month of August at ayon kay Direk JP, hindi muna nila nilagay kung for Vivamax ito dahil baka raw magawa sa isang pelikula niya na nabili ng ibang international streaming app.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.