Kylie Verzosa, may pinagdadaanan ba sa relasyon nila ni Jake Cuenca kaya naging emosyonal sa usapang breakup sa It’s Showtime?

Habang emosyonal si Kylie Verzosa, nilapitan s’ya nina Vice Ganda at ng mga co-judges n’ya na sina Ruffa Gutierrez at Chie Filomeno.        “‘Wag naman nating isipin na may pinagdadaanan. Baka may naisip lang s’yang ano, ’di ba?” akmang depensa ni Vice. “Minsan kahit hindi tayo [ang nakakaranas ng challenge] naa-affect tayo.”

SCREENSHOTS: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Habang emosyonal si Kylie Verzosa, nilapitan s’ya nina Vice Ganda at ng mga co-judges n’ya na sina Ruffa Gutierrez at Chie Filomeno. “‘Wag naman nating isipin na may pinagdadaanan. Baka may naisip lang s’yang ano, ’di ba?” akmang depensa ni Vice. “Minsan kahit hindi tayo [ang nakakaranas ng challenge] naa-affect tayo.”

Hindi napigilang maging emosyonal ng beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa nang mapag-usapan ang signs of breaking up.

Naganap ito sa Sexy Babe segment ng It’s Showtime kahapon, April 19, kung saan isa si Kylie sa mga hurado. 

Sa gitna ng pag-uusap ng host na si Vice Ganda at ng isang contestant tungkol sa signs ng breakup  at mga challenges sa isang relasyon ay kapansin-pansin ang pagiging malungkot ni Kylie. 

Dito na s’ya pinansin ni Vice dahil mukhang affected s’ya sa pinag-uusapan sa show. 

Uy, si Kylie parang nag-iisip. May pinagdadaanan ka bang challenge o may nakikita kang sign?” tanong ni Vice sa kanya. 

Natatawang napakamot muna sa ulo ang aktres pero maya-maya lang ay bigla na itong natigilan at napaiyak. Wala rin s’yang masabi kundi panay sorry. 

Kaya naman nilapitan s’ya ni Vice at ng mga co-judges n’ya na sina Ruffa Gutierrez at Chie Filomeno

’Wag naman nating isipin na may pinagdadaanan. Baka may naisip lang s’yang ano, ’di ba? Minsan kahit hindi tayo [ang nakakaranas ng challenge] naa-affect tayo,” paliwanag pa ni Vice sabay yakap kay Kylie.

Komento naman ni Vhong Navarro ay baka nasundot lang ang emosyon ng dalagang aktres kaya s’ya naging emosyonal. 

At para gumaan ang emosyon sa set, nag-request si Vice kay Ruffa na sumayaw ng Tala ni Sarah Geronimo

Game namang sumayaw si Ruffa na ikinatawa nilang lahat. 

Si Ruffa talaga ’yong best friend mo na gagawin lahat para lang mapatawa ka,” saad pa ni Vice matapos nilang masaksikhan ang nakakatawang dance moves nito. 

Naintriga naman si Ruffa kung bakit biglang naging emosyonal ang katabi n’yang si Kylie.  

Tanungin naman natin kung anong nangyari. Oh my gosh. Baka naman you wanna say something,” aniya. 

Pero kinontra na s’ya ni Vice dahil baka lalong maiyak si Kylie. 

Ayoko. Ayoko namang tanungin… Minsan meron tayong mga fragile moment,” sey ni Vice. 

Maikling paliwanag naman ni Kylie sa nangyari, “Na-touch lang ako, Meme.”

Sagot ni Vice sa kanya, “’Di ba, may maaalala ka tapos mata-touch ka? Tapos para sa ibang tao masasaktan ka ulit. Hindi naman kinakailangang ikaw, ’di ba? Maiiyak ka for them.

Kasi maraming tao ngayon ang nalilito kung ang pinagdadaanan ba nila ay kung another challenge lang o sign ba ito na talagang kailangan nilang pag-aralan,” pagtatapos ni Vice. 

Matatandaan na nitong mga nakalipas na araw ay umugong ang mga espikulasyon online na mukhang may pinagdadaan o kaya naman ay hiwalay na sina Kylie at nobyo n’yang si Jake Cuenca matapos mag-tweet ang aktres ng “Broken” noong April 17.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

The Butcher | Kylie Verzosa is on her way to becoming an actress of note

Kylie Verzosa, gustong maging wife; Cindy Miranda, game na maging lover

Kylie Verzosa, nawala daw sa sarili nang ma-involved sa chasing and shooting incident ang boyfriend na si Jake Cuenca; “Hindi ako nakatulog.”

Kylie Verzosa, hindi nagpakabog sa mga beteranong ka-eksena sa The Housemaid

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.