Kylie Verzosa, nalulungkot sa patuloy na online presence ng mga body shamers

Imbes na pagtutunan ng pansin ang kanyang katawan, pinayuhan ni Kylie Verzosa ang netizens na mas asikasuhin nila ang kani-kanilang mga sariling buhay.

PHOTOS: @kylieverzosa on Instagram

Imbes na pagtutunan ng pansin ang kanyang katawan, pinayuhan ni Kylie Verzosa ang netizens na mas asikasuhin nila ang kani-kanilang mga sariling buhay.

Sinagot ng beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa ang puna ng netizens sa kanyang katawan ngayon.

Dinagsa kasi ng komento ang GRWM [Get Ready With Me] video n'ya sa Instagram kahapon, April 21, at marami sa mga iyon ay tungkol sa kanyang body shape.

Maraming netizens ang pumuna sa diumano’y pagpayat ni Kylie. May mga nagsabi na hindi maganda para sa aktres ang sobrang kapayatan. Mas gusto raw nila ang dati niyang katawan.

May ilan pang nagpahayag na nababahala sila dahil tila may mali raw sa figure n’ya ngayon.

Bukod pa rito, hindi rin nawala ang mga bashers na nang-insulto sa kanyang hitsura at timbang.

To the rescue ang isang fan ni Kylie para ipagtanggol s’ya mula sa mga negatibong komento ng netizens.

“[I]idk [I don’t know] why you guys just flock here & leave mean comments, leave kylie alone!!” saway nito sa mga namba-bash sa aktres.

Na-appreciate naman ni Kylie ang ginawa ng kanyang tagasuporta. Tiniyak rin n’ya rito na healthy s’ya at inaalagaan n’ya ang kanyang sarili. 

“[T]hank you, I’m perfectly healthy and happy, i eat healthy and i take very good care of my health,” sagot n’ya sa comment section.

Nakakalungkot lang daw na grabe kung manghusga ang mga Filipino sa kababayan nila gaya ng ginagawa ng mga ito sa kanya. 

“It’s sad to see so many Filipinos judging their own. I’m super proud to come from here, but you guys make it hard to appreciate home,” dismayadong pahayag ng Miss International 2016 titleholder.

“We’re far behind and yet here we are still commenting on other people’s bodies. It’s never okay,” diin pa ni Kylie.

Pinayuhan din n’ya ang mga netizens na mas pagtuunan nila ng pansin ang kani-kanilang mga sarili at hindi ang buhay ng ibang tao.

“I hope you guys are okay and just focus on yourselves and your own personal growth and wellbeing. Being kind to one another will always be in,” pagtatapos n’ya.

SCREENSHOT: @kylieverzosa on Instagram

Samantala, bibida si Kylie sa movie’ng Elevator kung saan katambal n’ya ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Mapapanood na ang Elevator simula sa Miyerkules, April 24, sa mga sinehan nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Paulo Avelino, saksi sa pagiging “head turner” ni Kylie Verzosa sa Singapore

Kylie Verzosa, kilig mahanay kina KC Concepcion, Heart Evangelista, at Bea Alonzo bilang Tanduay Girl

Matapos maispatan with Jake Ejercito, Kylie Verzosa, pinaalalahanan ng netizen: “Tama ka na sa Jake. Quota ka na.”

Kylie Verzosa, mataas ang kumpiyansa kay Herlene Budol

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.