Hindi naiwasang maging emosyonal ni Kylie Verzosa nang balikan n’ya ang naging hiwalayan nila ng aktor na si Jake Cuenca.
Naganap ito sa interview sa kanya ng comedian-TV host na si Vice Ganda sa latest vlog entry nito entitled “What’s the Tea, Kylie?” na in-upload last May 30 on YouTube.
Doon kasi ay kinumusta ni Vice ang beauty queen-turned-actress matapos nga ang naging breakup nila ng Kapamilya actor after three years of being together.
Inamin ni Kylie sa interview na inakala daw n’ya na si Jake na ang lalaki para kanya.
“Akala ko siya na… Akala ko na hindi na ako magkakaroon ng heartbreak. Akala ko s’ya na. Pero… saka nagmahalan kami. We loved each other,” pagbabahagi ng Kylie kay Vice.
Naging masaya daw kasi sila sa piling ng isa’t isa noon.
“Sobrang happy kami sa relationship at sobrang grateful ako sa relationship namin. Sobra. Hindi ako in shock. Pina-process ko pa talaga lahat,” lahad pa n’ya regarding the status of her heart and mind.
Binalikan din nila ang tagpong naging emosyonal si Kylie sa isang episode ng It’s Showtime kung saan napag-usapan nina Vice at ng isang contestant ang tungkol sa pinagdadaanan ng magkasintahan sa isang relasyon.
Dito tinanong ng komedyante si Kylie ng gaya ng tanong n'ya sa It's Showtime: kung masasabi ba n’yang naka-encounter sila ni Jake ng challenge sa relasyon nila at hindi nila ’yon napagtagumpayan, o isa na iyong sign to end their relationship.
“Sobrang swak ’yon,” pagbabalik-tanaw na pag-amin ng aktres sa It’s Showtime incident. “Hindi ko pa alam.”
Nauwi man sila sa hiwalayan, wala daw pinanghihinayangan si Kylie dahil marami naman umanong magagandang nangyari sa panahon ng pagsasama nila ni Jake.
“Naririnig ko sa ibang tao na parang sayang. Pero para sa akin hindi kasi siya sayang,” pagdidiin n’ya.
“Natulungan namin ang isa’t isa, nagmahalan kami, nagtulungan kami sa isa’t isa. So para sa akin hindi ‘yon sayang. Nag-grow kami together as individuals. So, bakit s’ya sayang?”
At nang matanong s’ya kung nami-miss ba n’ya ang aktor na last month pa pala n’ya huling nakita, sagot ni Kylie, “Oo naman.”
Hirit na tanong pa ni Vice sa kanya: “Gaano?”
Tumango na lang si Kylie bilang tugon at dito na s’ya napaiyak.
Paglilinaw n’ya, wala daw s’yang galit kay Jake o sa kanyang sarili.
“Galit? Siguro hinayang,” ani Kylie.
Hindi rin n’ya itinanggi na masakit pa rin para sa kanya ang kinahinatnan ng kanilang relasyon.
“S’yempre bago pa lang at saka masakit pa rin. Minsan, you can’t...especially kapag pagod ka na hindi mo mahe-help na balikan. Doon ako nalulungkot pa rin. Alam mo yon? Weird s’ya, e,” pag-amin n’ya.
“S’yempre gusto ko ipakita sa tao the best version of myself. Pero minsan I can’t help na makita nila na hindi din ako okey minsan.”
At present ay naka-focus daw si Kylie sa kanyang sarili, trabaho, at pag-aayos ng kanyang condo.
“Ngayon inaayos ko ’yong condo ko. Kasi binili ko s’ya for my family tapos ngayon sabi ko ako na lang ang titira doon,” pagtatapos n’ya.
Panoorin ang kabuuan ng tsikahan nina Vice Ganda at Kylie Verzosa dito:
YOU MAY ALSO LIKE:
Kylie Verzosa, gustong maging wife; Cindy Miranda, game na maging lover
The Butcher | Kylie Verzosa is on her way to becoming an actress of note
Kylie Verzosa, tumangging sagutin kung hiwalay na sila ni Jake Cuenca; aktor, umaming break na sila
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber