Kylie Verzosa, tumangging sagutin kung hiwalay na sila ni Jake Cuenca; aktor, umaming break na sila

Pero ngayong araw, si Jake na ang bumasag sa katahimikan at inamin na break na sila ng aktres.   “I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best,” aniya.   “I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways,” pagbabahagi ni Jake.

PHOTOS: @juancarloscuenca on Instagram

Pero ngayong araw, si Jake na ang bumasag sa katahimikan at inamin na break na sila ng aktres. “I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best,” aniya. “I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways,” pagbabahagi ni Jake.

Nabigo ang entertainment press na mapaamin ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jake Cuenca

Makailang beses kasing natanong ng press ang aktres kahapon, April 22, tungkol dito sa grand media conference para sa upcoming film nila ni Zanjoe Marudo na Ikaw Lang Ang Mahal.

Una kasing umugong ang espikulasyon na nasa hindi magandang lagay ang relationship nila ni Jake nang mag-tweet si Kylie ng “Broken” last April 17.

Nasundan pa ito nang maging emosyonal s’ya sa Sexy Babe segment ng It’s Showtime noong April 19 kung saan isa s’ya sa mga hurado. 

Napag-usapan kasi doon nina Vice Ganda at contestant ang mga signs of breakup and challenges sa isang relasyon. 

Pagdadahilan naman ni Kylie kung baki s’ya napaiyak that time ay na-touch umano s’ya sa ikinuwento ng contestant.

Kasunod ng insidente sa It’s Showtime ay ang pagpo-post naman ni Jake sa kanyang Instagram Stories ng mga katagang “i will try to fix you” na may kasama pang band aid at “I wish I could wipe away your tears…”

SCREENSHOT: @juancarloscuenca on Instagram
SCREENSHOT: @juancarloscuenca on Instagram

At kahapon nga sa launching ng pelikula n’ya, diretsahang tumanggi si Kylie sa tanong ng press kung bakit ba s’ya napaiyak sa noontime show. 

“Kung okey lang po sana ’wag n’yo na lang tanungin ngayon. Gusto ko lang po I-focus ’yong movie ngayon. Sana po ’wag n’yo na lang tanungin,” tensyonadong sagot ng aktres. 

Matipid rin ang sagot n’ya nang kumustahin ang estado ng puso n’ya ngayon. 

“It’s getting better everyday,” saad n’ya.

Sa kabila nito, nagpapasalamat daw s’ya sa press na nirerespeto ng mga ito ang desisyon n’ya na huwag magsalita tungkol sa relasyon nila ng Kapamilya actor. 

“Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng respeto na binibigay n’yo sa akin sa panahon ngayon. I’m grateful for everything,” ani Kylie. 

Pero ngayong hapon ng Sabado, April 23, binasag na ni Jake ang kanyang pananahimik tungkol sa estado ng relasyin ni Kylie. 

“This was us,” panimulang lahad ng aktor sa kanyang Instagram post kalakip ang photo ng kanilang mini-me figurine ni Kylie at ng mga alaga nilang aso. 

Pinahahalagahan umano n’ya ang pinagsamahan nila ng aktres sa loob ng tatlong taon bilang magkasintahan. 

“I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. This past 3 years of my life have certainly been the best,” aniya. 

Dito na n’ya inilahad na nagpasya umano sila na maging magkaibigan na lang. 

“I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways,” pagbabahagi ni Jake. 

“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness no anger and no regrets only the good memories. certainly that’s what I will be holding on to.”

Kahit na hindi na n’ya umano girlfriend si Kylie ay patuloy pa rin n’ya itong susuportahan sa mga pangarap nito sa buhay. 

“I will still be here to support you because In so many ways I feel a part of your journey and I will always pray for your success,” patitiyak ni Jake sa dating nobya. 

“I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. As friends. Wherever you are or what ever your doing I will always be sending you love and positivity. 

“[K]now that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie,” pagtatapos ni Jake. 

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

EXCLUSIVE: Zanjoe Marudo, ginawang motivation ang pag-ayaw ng isang direktor sa GMA noon para galingang umarte

Kylie Verzosa, may pinagdadaanan ba sa relasyon nila ni Jake Cuenca kaya naging emosyonal sa usapang breakup sa It’s Showtime?

The Butcher | Kylie Verzosa is on her way to becoming an actress of note

Kylie Verzosa, nawala daw sa sarili nang ma-involved sa chasing and shooting incident ang boyfriend na si Jake Cuenca; “Hindi ako nakatulog.”

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.