Lalaking mamahalin ni Bianca Umali, kailangan daw approved sa Lola niya

“’Yung magugustuhan at masasabi ng Lola ko sa akin na, ‘Mahal ko yang partner mo.’ ’Yun po ang una,” ani Bianca Umali tungkol sa Number One criterion ng lalaking mamahalin niya.

Photos: @bianxa

“’Yung magugustuhan at masasabi ng Lola ko sa akin na, ‘Mahal ko yang partner mo.’ ’Yun po ang una,” ani Bianca Umali tungkol sa Number One criterion ng lalaking mamahalin niya.

Ang Kapuso actress na si Bianca Umali ang gumaganap bilang ikatlong asawa ng karakter ni Dennis Trillo sa bagong GMA Primetime serye na Legal Wives.

Wala raw siyang ideya na kasama siya sa seryeng ito na masasabi sigurong pinaka-mature role na among sa mga nagawa niya. Ayon kay Bianca, nalaman lang daw niya na siya ang ikatlong asawa when she signed her contract renewal sa GMA-7.

“Noong sinabi po sa akin itong proyekto po na ito, sinikreto po sa akin. Sinabi po sa akin noong contract renewal ko po with GMA, with Artist Center together with Ms. Annette Gozon-Valdez, Miss Tracy (Garcia) and LGR (Lilybeth Garcia-Rasonable),” simulang pahayag ni Bianca sa ginanap na online mediacon ng Legal Wives.

Lahad pa niya, “Lahat po sila, after ko pong makapirma, sinabi po nilang ‘Congratulations, ikaw na ang third wife.’”

Hindi raw agad nag-sink-in kay Bianca ang narinig.

“Honestly, noong sinabi po sa akin ’yun, hindi ko agad naintindihan. ‘Paano pong third wife?’ At saka lang po nila in-explain sa akin ang istorya at ’yung role.”

Walang daw siyang second thoughts at all nang malinawan niya.

“Masaya po ako and very thankful na napagkatiwalaan po ako ng isa pa again na cultural drama. And I’m happy that after Sahaya, ito po ang ginawa ko. And I’m proud of this.”

Ang istorya ng Legal Wives ay iikot sa buhay ni Ishamel Makadatu (being played by Dennis Trillo), isang Maranao royalty, at ng tatlong asawa niya (Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali) na magtutunggali sa kanyang pagmamahal at atensyon. Sa Kultura ng mga Maranao, legal ang mag-asawa ng hanggang apat. And although it’s advised daw na sabihan ng lalaki ang original wife kung may balak siyang magdagdag ng asawa, ay hindi raw mandatory na hingin ang consent nito.

Ani Bianca, wala naman daw siyang personal misconception about sa mga Muslims at sa relihiyong Islam. Although aware siyang kung minsan ay nagiging touchy subject ito ng mga diskusyon.

“Honestly po sa akin, sa buong buhay ko so far, never naman po akong nagkaroon ng misconception about Islam, their culture, or any other religion [for that matter].

“But I knew that it was something always sensitive and very controversial. Kaya noong natahak ko po itong journey ko bilang si Farrah sa Legal Wives, wala man pong na-correct na misconception sa akin, pero mas na-amaze po ako sa dami ng natutunan ko,” saad niya.

Hindi rin nagsalita nang patapos si Bianca sa tanong kung kakayanin ba niyang pumasok sa isang situwasyon na magiging isa siya sa tatlong asawa ng isang lalaki.

“Siguro po naka-depende po yan sa kung gaano ko kamahal ’yung tao,” pagmumuni niya.And hindi po ako nagsasalita ng tapos na baka in the future, magmahal po ako ng Muslim, I might be willing to go that far. 

“And depende rin po sa set-up, depende po, hindi ko po masabi. Pero I know that it will be hard pero I think, my heart will be willing by then and kung worth it naman po, bakit po hindi?”

Sa ngayon, sila ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang napapabalitang magka-relasyon. 

Pero, ano nga ba ang mga hinahanap niya sa isang lalaking mamahalin at pakakasalan?

“Marami po,” saad niya. “I think, Number One ’yung makukuha ang puso ng Lola ko. ’Yun po talaga. ’Yung magugustuhan at masasabi ng Lola ko sa akin na, ‘Mahal ko yang partner mo.’ ’Yun po ang una.

“But of course, God-fearing. Gusto ko na napakaganda ng values. Gusto ko rin po na kaya kong mahalin hindi lang siya kung hindi buong pamilya niya. And maraming-marami pa pong iba.”

Importante ba sa kanya na pareho sila ng pananamplataya?

“Yes,” mabilis niyang sagot. “Bilang napalaki po ako ng Lola ko who is very religious. Isa rin po yan sa naging guidance ko sa buong buhay ko at kung paano ko po naitatawid ang araw-araw. Lagi po akong nakakapit sa faith ko.

Dahil nga mas nakilala nila ang kultura ng mga Muslim, tinanong namin si Bianca kung bilang isang babae, may nabago ba sa perspective niya sa pagiging faithful ng isang lalaki?

“Siguro wala pong nag-iba sa perspective ko sa isang lalaki,” aniya. “Pero, nakakita po ako ng iba pang perspective. Pero hindi po nag-change. Kumbaga, nakakita lang ako na, ‘Ah, meron din palang perspective na ganito.’

“And parang sa kung nasaan man po ako ngayon, open naman po akong intindihin kung ano man ’yung level of faithfulness no’ng tao. Depende kung gaano niya ko kamahal at kung gaano ko siya kamahal.”

At kung may pagkakatulad man daw ang karakter niya bilang si Farrah sa kung paano siya magmahal sa totoong buhay, lahad ni Bianca, “Wala pong ibang hiningi kung hindi ang mahalin siya as much as she loves him.

“Gano’n lang po kasimple, masaya na ako.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bianca Umali, thankful na tawaging “Epik-serye Princess” ng Netizens

Bianca Umali, hindi apektado sa natamong pambu-bully at pang-ba-body-shame sa social media; aniya: “...nobody needs any validation from anyone to say how beautiful they are."

Bianca Umali, na-bully at body-shame sa kanyang IG post; bf Ruru Madrid, dumepensa sa aktres

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.